CHAPTER EIGHT

436 14 0
                                    

KAMUSTA ka na?

Agad sinagot ni Patriz Nicole ang text ni Diamond. Super okay. Ikaw naman, kahihiwalay lang natin, eh.

Kakahiwalay? Eh, bakit parang isang taon na?

OA ka naman.

Ganyan kasi ang tunay na nagmamahal.

Kunsabagay.

Ikaw, ano ang nararamdaman mo?

Miss kita.

Ako, sobra kitang miss.

Anak na tayo. Tulog na tayo.

Sige, alam ko, pagod ka rin.

I love you.

"LOVE you too," malakas na basa ni Edna sa reply niya.

"Bakit ba nagbabasa ka ng text?" nakangiti naman niyang tanong. Pakiwari niya'y walang sinuman o anuman na makakapagpa-badtrip sa kanya. Nag-uumapaw kasi ang kaligayahang kanyang nararamdaman.

"Kayo na pala."

"Yes."

"O, game."

"Ano?"

"Ikuwento mo naman kung ano ang nangyari sa inyo."

Humagikgik siya.

"Hala, para kang kinikiliti sa..."

"Oy, certified virgin pa ako, ha," wika niya. Sa klase kasi ng tingin nito sa kanya, alam niyang nagkukulay berde na ang utak nito.

"Hmmm...kaya pala abot tenga ang ngiti mo."

"Natutuwa lang ako dahil nakukuha ko siya."

"Hmmm..."

"Anong hmmm...?"

"Tingin ko, nakukuha ko rin siya."

"Of course not."

"Of course, yes."

Hindi siya nakakibo. KIlalang-kilala naman kasi siya ng kanyang BFF.

"Tingnan mo nga, natiis mong 'di umuwi dahil kay Diamond."

"Aalis naman kasi ang Ate," wika niya. Pauwi na sana siya nang tumawag ito sa kanya at sabihing kailangan nitong mag-stay ng isang linggo sa kung saan. Siyempre, agad siyang pumayag at sinabi niyang mag-i-sleepover na lang sina kina Edna.

"Atchoo...'

Napabuntunghininga siya. "Okay, okay."

"Aamin ka na ba?"

"Nagi-guilty na nga ako."

"Dapat lang," mariin nitong sabi.

"Hindi ang ate mo ang dapat mong isipin, si Diamond."

Napatingin siya rito.

"O, sino ba ang niloloko mo? Hindi ba, si Diamond at ang sarili mo?"

Inayunan niya ito kaya hindi niya magawang alisin ang tingin nito.

"HUwag mo akong tingnan ng ganyan," mariin nitong sabi sa kanya. "Totoo ang sinasabi ko. Kaya, Kaya kung gusto mong maging happy, gawin mo na ang tama."

"Ano ba ang tama?" naiinis niyang tanong.

"Hindi mo alam?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon