CHAPTER ELEVEN

457 13 0
                                    

NANG yakapin siya ni Diamond, parang gusto niyang umiyak. Nakaramdam kasi siya ng pagkalito. Bagamat may kaiga-igayang sensasyon siyang naramdaman, kailangan pa rin niyang itaktak sa isipan niya ang kanyang misyon. Hindi rin niya tiyak kung tapat ba ito sa mga sinasabi.

Naitulak niya tuloy ito. Bigla kasing nag-flash sa utak niya ang kanyang Ate Vergie. Luhaan ito. Parang pinapaalala noon na sinaktan nito ang kapatid niya.

"Why?" nagtatakang tanong nito.

"Pinaglalaruan mo lang ang feelings ko," nang-aakusa niyang sabi. Kahit alam niyang ganoon din naman ang kanyang ginagawa.

"Of course not."

Nang sabihin nito iyon, parang gusto niyang maniwala na seryoso ito sa sinabi. Nagawa kasi nitong salubungin ang kanyang mga mata. Parang ipinapabasa nito roon na tapat ito sa layunin sa kanya.

"Perhaps, its really crazy."

"Luka-luka ba ako sa paningin mo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Our situation."

"Oh..."

"We are planning to get married pero hindi pa natin kilala ang bawat isa. I mean, hindi pa natin kilala ang background ng isa't isa."

"Ipapakilala mo ba ako sa pamilya mo?"

"Of course," mariin nitong sabi. "In fact, mangyayari na 'yon ngayon."

Hindi pa man nito sinasagot ang kanyang tanong, awtomatiko nang lumibot ang tingin niya sa paligid. Noon lang niya napagtanto na nasa loob na pala siya ng gate ng isang marangyang mansyon.

"Nasaan ba tayo?"

"Nasa bahay."

"Bahay mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes"

"Paanong nangyari iyon?" gilalas niyang tanong.

"Ha?"

"Paano ka nagkaroon ng ganito kagandang bahay?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Di naman niya tinanong iyon para insultuhin ito. Talaga lang hindi niya mapaniwalaan na magbabago ng ganu'n ang buhay nito.

From rugs to riches.

"Work...work...and work."

"'Yon lang?" sarkastiko niyang tanong.

"Ano bang gusto mong sabihin ko, gumawa ako ng illegal?"

Hindi ba? gusto niyang itanong pero hindi niya magawa. Ang dahilan, alam niyang hindi nito magagawa 'yon.

"Nagtaka lang ako."

"Bakit kung umasta ka, parang kilala mo ako nu'ng hindi pa ako nakakaangat?"

Na-tense siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.

"Naikuwento mo lang 'yun sa akin, ano?" matagal siya nitong tinitigan.

"Diamond."

"Let's go, naghihintay na sila sa atin."

OH, bulalas ni Patriz Nicole. Hindi niya kasi akalain na ang 'silang' tinutukoy nito ay ang buong angkan ni Diamond.

Sabi ng marami, kapag ikaw ay ipinakilala na ng lalaki sa pamilya nito, super seryoso ito sa'yo. Kaya naman kahit paano ay hindi niya mapigilan ang matuwa. Ngunit, hindi rin niya maiwasan ang makaramdam ng kapa. Para kasi siyang mikrobyo na nasa loob ng microscope kung titigan nito.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now