CHAPTER THREE

1K 24 0
                                    


"WHAT?" naiinis na tanong ni Patriz Nicole. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil pakiwari niya ay may mga paru-parong nagwawala sa kanyang sikmura. Kailangan niyang magalit para tumigil din ang mga iyon pero parang walang epekto. Mas nagkagulo pa nga ang mga iyon nang magsalubong ang kanilang mga mata.

Oh, ewan kung anong kapangyarihan mayroon ang mga mata nito at parang nakakaramdam siya ng panghihina. Para kasing nanlalambot ang kanyang tuhod. Kaya naman kung hindi siya magpapakita ng inis o galit, baka mahalata pa nito ang kanyang nararamdaman. Siyempre, hindi maaari iyon.

"I'm sorry," wika ni Diamond.

Naningkit ang mga mata niya. Ang una kasing pumasok sa utak niya ay ang nagawa nitong kasalanan sa kanyang Ate Vergie. Gusto niya itong sumbatan pero parang wala siyang lakas. May sumunod kasi siyang naisip. At iyon ay ang ideya na nagkaroon siya ng pag-asa na mayroon ngang Prince Charming.

Well, dahil sa nakakapagsulat naman siya ng romance novel ay masasabi niyang maaari pa ring mabuhay ang Prince Charming o ang knight in shining armour. 'Yon nga lang, magtatapos lang iyon sa mga istoryang kanyang ginagawa. Dahil sa tunay na buhay, walang lalaking naniniwala sa wagas na pag-ibig.

"Walang kapatawaran ang nagawa mo sa--,"

"Wait, Miss..."

Miss? Gusto pa niyang ibulalas. Napamaang na lang siya. Parang ayaw niyang maniwala na hindi siya nito nakikilala. Pagkaraan ng ilang sandali, siya naman ang sumagot sa sarili niyang katanungan.

Napakatagal na panahon na ang sampung taon para makahagilap pa nito ng pamilyaridad sa kanya. Sigurado kasi siyang ang natatandaan nitong Patriz Nicole ay iyong ugly duckling.

Mahaba ang nguso niya noon dahil sungki-sungki niyang mga ngipin kaya lagi siyang pinagtatawanan ng classmates niya. Nagkaroon tuloy siya ng inferiority complex. Kaya naman nu'ng 19 years old siya nang ipaayos niya ang kanyang ngipin. Malaki rin naman kasi ang nakukuha niya sa kanyang pagsusulat kaya naman ibig na niyang tuldukan ang dahilan ng panunukso sa kanya ng mga taong mahilig mang-asar. Ngayon tuloy, nagagawa na niyang ngumiti ng matamis dahilan kaya hindi niya nakilala ni Diamond.

Well, kahit hindi naman siya kagandahan noo'y hindi nito ipinadama sa kanya. Ito pa nga ang nagsasabi sa kanya na magbu-boom din ang tunay niyang ganda. Sabi nga nito, maganda ang kanyang mga mata at matangos ang kanyang ilong.

Ayaw na niyang maalala ang mga papuri nito sa kanya. Baka maging dahilan pa iyon para lumambot ang puso niya rito.

No!

Napabuntunghininga siya. Walang dahilan para siya ay magpakilala pa.

Kinaiinisan niya ito.

Kinamumuhian.

Para ngang gusto niyang isipin na kaplastikan lang ang lahat ng kabutihang ipinakita nito sa kanya. Ibig na niyang paniwalaan noon ang sinasabi ng kanyang ama na pera lang ang dahilan nito kaya niligawan at pinaibig ang kanyang Ate Vergie.

"Huwag kang OA," nakangiti nitong sabi. "Kung tutuusin ay wala akong kasalanan sa'yo. Si Sofia."

"Your wife."

"She's not my wife," mariin nitong sabi sa kanya. Pagkunwa'y ngumiti ng pagkatamis-tamis na para bang nang-aakit. "I'm very much single."

Huwag kang magpaakit, mariin niyang sabi sa sarili. Kung hindi kasi niya rerendahan ang kanyang sarili, alam niyang ang negatibong nararamdaman niya rito ay baka matunaw. Napailing siya ng maisip niyang baka kaya siya galit nag alit dito ay dahil hindi pa nabubura ang paghanga niya rito kahit lumipas na ang maraming taon.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now