CHAPTER TWELVE

494 15 0
                                    


"ANONG ginagawa mo rito?" sabik na tanong sa kanya ni Diamond. Abot-tenga pa ang ngiti nito kahit nasa anyo nito ang matinding pagtataka.

Oh, pakiramdam ni Patriz Nicole ay para siyang ice cream na matutunaw sa kanyang kinalalagyan. Kung mayroon lang siyang sakit sa puso, malamang kanina pa siya inatake. Ang lakas-lakas kasi ng pintig ng kanyang puso.

Kahit naman kasi inasam na niya ang pagtatagpo na iyon, hindi niya iyon napaghandaan ngayon kaya ibang-iba ang kanyang nararamdaman. Pakiwari niya ay hindi siya dapat magsaya. Sa palagay nga niya, sobrang naghihirap ang kalooban niya ngayon. Kaya, nahihirapan siya ngayong mag-inhale exhale.

"Diamond..." kinakabahang bulalas niya. Hindi niya kasi alam kung saan siya mag-uumpisa. Lalo siyang kinabahan nang ibaling niya ang tingin sa kanya Ate Vergie na parang taking-taka sa tinginan nila ni Diamond.

Ang Ate Vergie niya ang sumagot sa tanong ni Diamond. "Tinawagan ko siya kaya siya naririto."

"Why?" tanong ni Diamond pero sa kanya nakatingin.

Ibig niyang iiwas ang kanyang mga mata pero hindi niya nagawa. Ewan kung bakit ang sakit-sakit ng kanyang dibdib gayung dapat ay magsaya siya.

"She's my sister. Nakalimutan mo nab a si Patriz Nicole?" nagtatakang tanong nit okay Diamond.

Boom!

Pakiramdam niya'y may bombing sumabog sa kanyang harapan. Ah, talagang hindi na niya mapigil pa ang katotohanan. Napakahirap naman kasi talagang gawin iyon. Kaya, no choice na siya kundi ihanda ang sarili.

"Patriz Nicole?" Kitang-kita niya sa hitsura ni Diamond na hindi pa rin ito makapaniwala. Pagkaraan ng ilang sandali ay hindi nito napigilan ang mapamura.

Dapat sana ay magalit siya. Wala itong karapatan na magsabi ng ganoon sa kanya. Kahit mayroon siyang kasalanan dito, naniniwala pa rin siya na wala itong karapatan na sabihan siya ng kung anu-anong salita. After all, ito ang may kasalanan sa kanyang ate. Ipinamukha lang niya rito na hindi lahat ng babae ay magkakandarapa rito. Kaya, nagawa niya itong lokohin.

Naningkit ang mga mata nito. "Hindi Peachy ang pangalan mo?"

"Peachy Gomez is my Pen name."

"What?" Salubong ang kilay na tanong nito.

"Writer ako," mariin niyang sabi.

"Niloko mo ako," mariing sabi nito.

Kahit iyon naman talaga ang plano niyang gawin, hindi siya nasiyahan ngayon. Ang totoo kasi, balak na niyang aminin dito ang lahat at humingi ng sorry. Alam niyang mahihirapan siyang makuha ang kapatawaran nito dahil sa panloloko niya kaya nga hindi niya alam kung paano siya magsisimula.

Kaya ngayon ay....

Oh, ano ba ang dapat niyang sabihin at gawin.

"Masaya ka ba sa panloloko mo?"

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

Tinaas nito ang dalawang kamay. "Huwag ka na mag-aksaya ng laway. Alam ko na ang sasabihin mo. Gagaguhin mo ako para 'maipaghiganti' mo ang iyong 'tiyahin". Hindi pala, 'kapatid'."

Dama niya ang paghihirap nito sa bawat katagang ibinulalas kaya naman parang dinudurog ang kanyang puso. "Diamond..."

"Get out of my life," mariing sabi nito.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now