CHAPTER SIX

485 14 0
                                    


"BAKIT nandito tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Patriz Nicole nang ipasok ni Diamond ang sasakyan sa bakuran ng Our Lady of Lourdes Paris Church.

Sa pag-aakala kasi niya'y didiretso na sila sa Picnic Grove, iyon kasi ang usapan nila, nag-picnic sila. Wala sa usapan nilang papasok sila sa Simbahan kaya ngayon ay kinakabahan siya.

Natawa ito.

Kunot noo niya itong tinitigan. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Oh, pakiramdam niya tuloy ay pinagtatawanan siya nito.

Bakit? nagpa-panic niyang tanong sa sarili.

Napasinghap siya. May posibilidad ka na may ideya na ito sa kanyang ginagawa?

No. Hindi maaari! nanggigigil niyang sabi sa sarili.

"Kung magsalita ka kasi parang masusunog ka kapag pumasok ka ng simbahan."

Napalunok siya. Iyon na nga yata ang mararamdaman niya kapag ginawa niya iyon. Oh, paano ba siya haharap kay Lord kung may tao siyang niloloko?

Hindi ako manloloko, inis niyang sabi sa sarili. Tuturuan lang niya ng leksyon ang isang manloloko.

Naningkit ang mga mata niya. Sa palagay niya, iniwan din nito ang bestfriend nitong ipinalit sa kanyang ate kaya hanggang ngayon ay single pa rin ito.

Manloloko talaga, inis niyang sabi sa sarili. Kaya naisip niyang hindi mali ang kanyang ginagawa.

Tama, mariin niyang sabi sa sarili. Iyon ang dapat niya talagang isipin.

"Relihiyosa kaya ako," sabi niya pagkaraan. Nakumbinse na kasi niya ang sarili na hindi naman mali ang gagawin niya.

Ows?

Mula nang magtagpo muli ang kanilang landas, lagi na siyang nagsisinungaling. At hindi na niya iyon nagugustuhan. Gayunman, hindi naman niya magawang ihinto na lang ang lahat. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na 'di tinatapos ang misyon probke nakaramdam na ng guilt.

Talaga bang iyon lang ang dahilan? Tanong ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. Yes, siyempre ang agad niyang

"Good," wika nito bago ini-off ang makina ng sasakyan pagkunwa'y dali-dali itong bumaba roon.

Siyempre, ayaw naman niyang ma-suffocate, kaya naman ginusto na rin niyang bumaba. Ngunit, bago niya nahagilap ang lock ng pintuan, bumukas na iyon.

Oh, pakiwari niya'y matutunaw ang puso niya nang magsalubong ang tingin nila ni Diamond. Pakiramdam tuloy niya ay nanlalambot ang kanyang tuhod. Mabuti na lang at napahawak siya rito dahil kung hindi na-out of balance na siya.

Ngunit, nang maramdaman niyang init na ibinubuga ng katawan nito, parang may milyun-milyong boltahe ng kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Kaya, kung hindi niya nasaway ang sarili, baka nangibabaw na ang emosyon niya.

"Playing like a gentleman, huh," wika niya. Kailangan niyang maging sarkastiko para mapalis niya ang kabang naramdaman nang mga sandaling iyon. Bahagya pa niya itong itinulak. Ang ibig kasi niya, maglaho ang kakaibang nadarama niya sa simpleng pagkaiti ng kanilang balat.

Isa siyang manunulat kaya naman naiisip niyang ganoon ang nararamdaman ng heroine sa kanyang hero kapag magkasama at hindi niya iyon kayang tanggapin.

"I am,"

"Ha?"

"Gentleman ako," wika nito saka alalayan siya.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now