CHAPTER NINE

415 10 0
                                    


BAGAMAT kinakabahan, abot-tenga pa rin ang ngiti ni Patriz Nicole. "'Yan nga rin ang gusto kong sabihin sa'yo."

Kumunot ang noo nito.

Oh, naging guwapo ito sa kanyang paningin.

Umiling siya. Guwapo naman ito talaga kaya ang tamang salita'y lalo itong naging super guwapo sa kanyang paningin. Dumagundong tuloy ang tibok ng kanyang puso.

"Ano ang gusto mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.

Ilang ulit muna siyang lumunok bago niya nahagilap ang kanyang tinig. "Umalis ang Tita ko kaya malaya tayo," siyang-siyang sabi niya.

"Hindi naman tayo mga preso para kailanganing maging malaya," nakasimangot na sabi nito.

"Masyado ka namang serious."

"Hindi mo pa ako maipapakilala sa tiyahin mo?" disappointed pang tanong nito.

Bahagya siyang natawa. "Paano nga kita maipakikilala kung wala siya?" napapantastikuhang tanong pa niya.

"Kailan ba ang dating niya?"

"3 weeks."

Matagal siya nitong tinitigan.

Kinabahan siya ng husto kaya bigla niya itong tinanong. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" kabadong tanong niya.

"I missed you so much," sabi nito bago siya hinalikan.

"I love you."

"You're so sweet," bulalas niya.

"Hindi 'yan ang gusto kong sagot."

"Ano ba?"

"Sabi ko, I love you, 'di ba?"

Natawa siya sa sinabi nito. "I love you too," wika niya. Pagkaraan ay hindi na niya napigilan ang sariling halikan ito sa labi.

Maalab.

Mapaghanap.

Oh my, wika niya. Para kasing hindi na niya kayang kontrolin ang nararamdaman.

No, mariin niyang sabi sa sarili. Kailangan niyang paulit-ulit na sabihin sa pagnanasa lang ang kanyang nararamdaman kaya parang gusto na niyang ipagkaloob ang sarili rito.

"ANG galing. Ang galing-galing."

Dahil sa mga salitang iyon, biglang natauhan si Patriz Nicole. Nandilat muna ang kanyang mga mata bago niya nilingon ang nagmamay-ari ng tinig.

"Sofia..." gulat na bulalas ni Diamond. "What are you doing here?"

Marahas na hininga ang pinawalan niya. Natandaan niya ang babaeng iyon kaya naningkit ang kanyang mga mata. Naalala niya ang panghihiyang ginawa nito sa kanya. Gayunman, dapat pa rin niya itong pasalamatan. Dahil doon, nakilala niya si Diamond.

Correction, matagal na niyang kilala si Diamond. The right term should be, dahil dito, nagtagpo sila ulit.

"You look familiar. Do I know you?" mataray na tanong nito.

Dahil doon nag-init agad ang kanyang ulo. "GUsto mo, sampalin ulit kita para maalala mo kung sino ako?"

"Ohhh..." wika nitong namimilog ang mga mata. Alam niyang naalala na nito kung saan siya natagpuan. Pagkaraan ay binalingan si Diamond. "Ngayon ako naniniwala na love na love mo ako talaga."

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now