CHAPTER ONE

2.7K 39 1
                                    

AKO ba talaga ito? Hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Patriz Nicole sa sarili. Kumurap-kurap pa siya. nais niya siyempreng makasiguro na repleksyon nga niya ang nakikita niya sa salamin.

"O, hindi, ba, sabi ko sa'yo, super ganda ka, eh," wika naman ni Vergie, ate niya.

Siguro hanggang sa kasalukuyan ay nabibigla pa rin siya sa pagbabagong nangyari sa kanya kaya hindi rin niya magawang mag-react.

Ang sabi ng kanyang nakatatandang kapatid, kailangan niyang ma-overhaul ng todo. Sa kaisipang iyon ay natawa siya. Kung magsalita naman kasi ang kanyang ate ay para siyang sasakyan. Kunsabagay, iyon naman talaga ang weakness nito. Ang mga sasakyan. kaya naman nang mag-debut ito ang regalong hiniling nito sa kanilang mga magulang ay brand new car. Siyempre, agad iyong ipinagkaloob dito ng kanilang mga magulang.

Nakakaramdam lang siya ng lungkot nang maalala niyang wala na ang magandang buhay na nakasanayan nilang magkapatid.

"Naku, baka naman, mag-asawa kang bigla niyan."

Total make over ang ginawa nito sa kanya, mula ulo hanggang paa at wala siyang nagawa kundi umayon. Ayaw niya itong tanggihan dahil ayaw niyang mawala ang siglang nakikita niya sa aura nito.

"'Yan ang pinakaimposibleng mangyari."

"Huwag kang magsalita ng tapos."

"Dalagang-dalaga na talaga ang kapatid ko," tuwang-tuwa pa nitong sabi sa kanya saka, mahigpit siyang niyakap.

Niyakap pa siya nito mula sa likuran kaya muli ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang kanyang sarili. Napangiwi siya sa 'ginawa' ng Ate Vergie niya.

Sanay siyang nakapusod ang kanyang buhok pero pinilit siya nitong ilugay iyon. Nagmumukha raw kasi siyang si Miss Tapia. Mayroon pa siyang malaki at makapal na salamin na may itim na frame. Tapos ang makapal niyang kilay ay pilit nitong inahit at saka nilagyan siya ng make up.

"Tapos na ang paghihirap mo sa akin, Ate." aniyang nagsimula na namang gumaralgal ang tinig. Paano ba naman, napakalaki ng utang na loob na dapat niyang tanawin dito.

Bagamat limang taon lang ang tandaan nito sa kanya, nagawa nitong maging ama at ina niya noong namatay ang kanilang mga magulang sanhi ng plane crash. Nineteen years old lang ito noon pero mas pinili nitong huminto sa pag-aaral upang itaguyod siya. Kaya maagang naputol ang pagiging teenager nito o baka iyon lang ang paraan niya para malimutan nito ang sakit na nararamdaman dahil sa pagka-broken hearted nito.

Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya nang maisip niya ang Diamond Martinez, ang ex-bf ng kanyang ate. Naningkit ang mga mata niya nang maalala niya ang panloloko nito sa kanyang kapatid.

Pinaniwala nito na mahal na mahal nito ang kanyang Ate Vergie, iyon pala, ginamit lang nito ang kapatid para pagselosin ang tunay nitong minamahal, ang BFF nito -- si Chantal Alegre.

Ang tipo ng ate niya ang minsan lamang magmahal. Paulit-ulit nitong sinabi rati na kung hindi lang din si Diamond ang makakatuluyan nito ay hindi ito mag-aasawa.

Nang sabihin nga nito sa kanya iyon, parang nilamutak ang puso niya. Thirteen pa lang siya noon pero nakaramdam na siya ng selos. Pakiramdam niya kasi, mas mahal pa nito si Diamond kaysa sa kanya. Kapag kasi nagkukuwento ito tungkol kay Diamond, nakikita niyang kumukuti-kutitap ang mga mata nito.

Napabuntunghininga siya. Ang kaligayahan na nakita niya noon sa mga mata ng kanyang ate ay 'di na niya masilayan ngayon kaya naman 'di na nawala ang galit niya kay Diamond.

Ang lagi niyang isinusuot sa kanyang isipan ay nagawa nitong saktan ang kanyang kapatid na nagpakahirap rito ng husto. Isa pa, sinira nito ang tiwala niya na wala itong gagawin kundi mahalin ang kanyang Ate Vergie.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon