'Ayos ka lang lex?' Tinanguan ko lang si Vi habang tinapik tapik niya ang likod ko with force marites! Akala ko ba masakit kamay niya!? Ito kasing si ser humihirit ng wifey di nga kami nag usap na may pa endearment! Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero wala lang pakialam nakikuha pa ng chips namin.

'Tapos na and niligpit na din namin ang mga gamit' he nods

'That's good. I'll be upstairs if you need me.' sino naman ang may kailangan sa kaniya dito noh? mamaya umandar naman ang pagka abnormal niya mahirap na.

'Mare masyado kang mapaglihim! Adonis pala ang napangasawa mo!' Parang bulateng nabudburan ng asin si Vi pinagpapalo pa ako. Fangirl? para sakin hindi naman sobrang gwapo ni ser you know just right lang. nginitian ko na lang siya ng alanganin.

'Kumusta ang pakikipag pulot gata?!' pulot gata? gulay? pakbet? di pa ba siya nakatikim non?

'Di mo pa ba yun natry?' sinamaan niya naman ako ng tingin. May mali ba sa sinabi ko?

'Gaga! wala akong asawa ni boypren, anong akala mo sakin pariwarang babae?' ha? eh ano ba kasing sinasabi niya?

'Honeymoon is what I mean gurl' ah honeymoon lang pala

'Hindi eh diba nga sabi ko sayo biglaan lang yung kasal'.

'kahit na noh wala na ngang seremonya wala pang chukchakan!?' namula naman ako sa pinagsasabi ni Vi. Ang babaeng to dapat pinapamumog ng holy water. 'Vi! may makarinig sayo!' tinawanan niya lang ako.

'O siya lalayas na ako at ng makarami kayo wahahaha' tinulak tulak ko na siya palabas at pinahatid sa driver. Kung ano ano ang pinagsasasabi. Di ko nga alam kung gusto ba ni ser ng babies eh kasi nga diba pamin siya.

Kinagabihan sabay kaming kumain ng dinner ni sir which is first time ulit marites! Most of the time kasi lagi siyang nasa labas, busy sa kaniyang 'business' pero not this day. Ano kayang pollution ang nalanghap niya sa labas?

Nanonood ako ng Girl in the basement dito sa kwarto habang ngumunguya ng caramel puffs si ser naman eh kaharap ulit ang laptop niya pero nahuhuli ko ang pagsulyap niya sa pinapanood ko. Hindi niya ata kaya ang ganito kabigat na story line at hindi niya mapanood ng diretso. Akala ko ba mafia boss siya. They are supposed to be ruthless. After ko manood pinatay ko na ang T.V. Dahil wala akong magawa at di pa naman ako inaantok eh tinitigan ko na lang ang mukha ni ser. Nung una kaming nagkita talaga namang may itsura siya pero ngayon medyo haggard siya may eye bags ang lolo niyo. hindi kasi natutulog feeling vampire. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

'What?' umiling naman ako at nakisilip sa laptop kung anong ginagawa niya baka mamaya nanlalake na to kaya laging puyat.

Black screen, green font, numbers and profiles ang nakaflash. Nakita ko rin ang mukha nung pedring na magnanakaw ng halik sa france. Sid Jurgen Lewis, 25, Mafia boss of  black society. ohh mafia boss din pala ang pedring na yon. Si ser eh mafia boss ng gun manufacture siguro ang Sid na ito eh mafia boss ng akyat bahay gang. Nilapit ko pa ang ulo ko para mabasa ko ng maayos halos magkalapit na ang mukha namin pero hindi niya naman ako pinapagalitan sa pakikiusyoso but I can hear his breath being ragged. Naiinitan ba siya? Nakabukas naman ang aircon ah. Marami pang nagflash na mga profiles at minamarkahan niya yung iba and may lalabas na amount and itinatransfer niya sa isang program.

'Let's sleep' Nang mapagod siya ay tinabi niya na ang laptop at saka nahiga pero hindi parin ako makatulog. Humilig ako paharap sa kanya. Nakapikit na siya pero alam ko na hindi pa siya tulog.

'Ser.....' tawag ko sa kaniya sa malumanay na tinig.

'What?' Sabi ko na di pa to tulog.

'Do you want babies?' Napamulagat siya at marahas na lumingon sa gawi ko.

Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now