[Part 2] KABANATA 10

Start from the beginning
                                    

"May isa pa rin." Habang pilit sinisipat kung ano ba 'yung sinusulat niya sa notebook n'ya. "Mukhang bising-busy ka yata ah. Ano ba 'yan." Hindi ko na natiis.

"Ah." Sumulyap siya sandali, bago muling tumutok sa kanyang ginagawa. "Itong assignment namin na Expository Writing para sa next class ko. Nakalimutan ko kasing gawin kagabi."

"Ah. Ok." Habang sumusulyap-sulyap nang palihim sa kanya.

Sinundan na naman 'yun ng nakatatarantang katahimikan.

"Ahm." Ako ulit.

I can't believe I am turning out to be so annoying. Nakikita ko na ngang busy siya, pero hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit kating-kati akong kausapin siya.

"M-may maghahatid ba sa 'yo pag-uwi mamaya?"

Shit! What the heck is that all about? Bakit gano'n ang lumabas sa aking bibig? I really think my mind and my body is out of sync.

"O-oo." Parang gulat na gulat na napatingin siya sa akin. "Si Daddy. Dadaanan niya ako mamaya. B-bakit?"

"H-ha?" Pagpapatay-malisya ko. "W-wala. C-curious lang."

Argh! Curious saan, Enrico? Curious ka saan?!

"Ah. Ok." Medyo napakunot-noo siya, bago bumalik sa kanyang pinagkakaabalahan.

Bakit ba hindi ako mapakali? Pagkatapos kasi no'n ay hindi ko pa rin magawang tanggalin ang atensyon ko sa kanya. Kinuha ko na ang libro ko, binuklat 'yon, pero hindi naman ako maka-concenrate sa binabasa ko.

"Ahm, Zia." Ako ulit.

Napatigil siyang muli sa pagsusulat. Nakakunot-noong tiningnan niya ako.

Jeez. What kind of an idiot are you, Enrico? You are freaking annoying today, don't you know that?

"Naisauli mo na ba 'yung binder sa classmate mo?"

"Oo, bakit?"

"W-wala. Curious lang."

Na naman? Really, Enrico? Masyado naman 'yata ang curiosity mo ngayon!

Darn it. My restlessness is getting out of hand, and I can't even explain why? Isa na nga ba ito sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng aking lohika at matinong pag-iisip?

"Spit it out, Enrico," aniya habang yumuyuko na siyang muli, para ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat. "Bakit ba kanina ka pa hindi mapakali diyan?"

"Ha?!" I was dumbfounded.

Gano'n na ba ako ka-obvious?

"Say it." Hindi siya nakatingin. "Whatever it is."

"Ah, eh." Nanay ko! Hindi naman ako makapagsalita ngayon.

Hindi na siya nag-react, kaya naman lalo akong nataranta. Ano bang nangyayari sa 'kin? Dahil ba talaga 'to sa puyat?

"Bilis na," ulit niya habang tumitingin na s'ya sa wrist watch niya. "Kailangan ko nang umalis eh. My next class will start in a few."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Ano kasi..." Kakamot-kamot ako.

"What?" Tinitipon na niya ang mga libro niya-kinukuha na rin niya ang kanyang purse.

"A-ano kasi..."

Napakunot-noo ulit siya, habang pinagmamasdan ako sa pagkagat sa aking mga kuko. Halos kasabay noo'y napansin kong tumatayo na rin siya.

"Siya kung ayaw mong sabihin, aalis na ako ha? Baka ma-late pa ako eh."

"Wait lang, Zia." Matapos niyang humakbang nang isang beses.

"Hmm?" Nakataas ang kanyang mga kilay.

"Puwede ba..."

"Puwede bang ano?" Itinuturo na niya ang kanyang relo, bilang hudyat sa akin na bilisan ko na kung ano man 'yung sasabihin ko.

"Pwede ba kitang maimbitahang mag-snack mamaya, after class?"

Shit! That is not even part of my day plan.

"Snack?" Ngumisi s'ya. "Saan naman?"

"Kahit saan mo gusto."

"Pero susunduin ako ni Daddy nang eksaktong alas-kuwatro, Enrico."

"Ipagpapaalam kita." Sige pa, Enrico. Itulak mo pa 'yang impromtu speech mo. "Ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi."

Parang hindi makapaniwalang tinawanan niya ako.

"Is this some kind of a joke?"

"No."

"Are you for real?"

"Yes."

Tila naaaburidong nagbuntong-hininga siya nang ilang beses.

"Sure," napapailing na sagot niya. "Kung papayag si Daddy." Tumingin siyang muli sa kanyang relo. "Sige, I really have to go. I'll see you later then." Tumalikod na siya at saka nagmamadaling umalis.

Nilingon ko siya hanggang sa makalabas siya, kaya naman napatingin din ako sa gawi ng kinaroroonan nina Travis. Nagulat ako nang makita kong nakatingin sa akin nang matalim 'yung babaeng katabi niya. I could have sworn, I even saw one of her eyes flicker with some sort of reddish flash of light. Medyo kinilabutan pa ako nang ngumisi ito sa akin, in a very creepy manner.

She's a beautiful woman, alright! Mahaba at makintab ang kanyang buhok. Straight ito na walang kasing itim. Sa sobrang itim nga ng kanyang buhok, ay parang fake na 'to. Maputi ang kanyang balat, balingkinitan ang kanyang katawan. Hindi siya katangkaran, pero hindi rin naman siya maliit.

There is something in her eyes that make me freak out. Hindi nga lamang ako sure kung dahil lamang ba 'to sa makapal na dark eye makeup niya, o dahil sa paraan ng pagtingin niya. Alam niyo ba 'yung mga tingin na parang... kilala niya ako? Pero ang problema, hindi ko naman siya kilala, and I don't think I ever saw her before.

Dahil sa patuloy na pagtayo ng mga balahibo ko-na ramdam ko naman magpahanggang sa anit ng buhok ko, ay muli akong lumingon sa aking harapan, tatlong beses na huminga nang malalim, bago ko inumpisahang tipunin ang gamit ko. Mabuti na lang, may klase pa ako. At least may dahilan ako para hindi tumambay nang mag-isa sa cafeteria.

[ITUTULOY]

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Where stories live. Discover now