Chapter 41

1.7K 52 23
                                    

Let's just run away, let's just run away now
We can find a way, I don't really care how
You just name the place I'll be on my way 'round
You call my name, I'll be there waitin'
-
Runaway by Tiffany Young ft. Babyface

***

Apparently, I was trending on Twitter that day. Ipinakalat nga ng mga kahanay ko na nando'n ako at kinuhanan pa ng mga litrato. Hindi naman halatang ako 'yon dahil nakasumbrero at mask pero hinulaan nila sa body shape. Kinumpirma rin ng katabi ko at kinwento pa na tinitigan ako sa mukha at kung ano ano pa.

Some were bashing me for being there, but most of the original fans defended me. Tama si Chlio dahil karamihan sa kanila ay naisip na nando'n ako bilang kaibigan at hindi para magpapansin.

Still, I went into hiding after that. I was paranoid. I was expecting for a text from the unknown person... but surprisingly, three days had passed and I received nothing.

Hindi ko alam kung magiginhawaan ako ro'n or ano. The texter has been quiet for months. Nagtataka na ako pero higit sa lahat, natatakot. Paano kung totohanin niya na yung mga banta niya ngayon? Yung wala nang pasabi, basta post na lang nung video?

I waited for something to happen. But it didn't come.

Waiting for nothing is the scariest feeling I've ever felt. Hindi ko kasi alam kung anong ieexpect. Tinake ko na lang na ligtas ako this time para makalma na rin ang isip ko.

Months passed.

Hindi ko na ulit nakasalamuha yung banda dahil tuloy tuloy ang concert nila sa iba't ibang lugar. Hindi lang sa Vyckar kundi sa iba't ibang cities outside. I heard that all their shows were sold out. I was fucking proud.

Nagsimula na rin ang palabas namin. We had our first show in Northridge. Sold out din 'yon kaya kinabahan ako nang sobra. Theater is a lot different from performing as a singer in a band. Sa banda, mabilis akong nasanay, pero sa theater, ngayon pa lang nakakaadjust.

The only experiences I had in theater were the plays we had in Senior High. Hindi ako kinabahan do'n dahil sanay ako sa entablado ng school pati na rin sa mga estudyante. Dito sa professional stage, iba't ibang tao ang manonood. Kapag baguhan ka, maraming mag-eexpect sa kakayahan mo.

Fortunately, I did well for our first show.

Napuri pa kami ni Dominic para sa kissing scene. Kapag sa practice kasi ay laging nakukulangan yung director. Pakiramdam ko ako yung may problema dahil medyo nanibago ako. Wala namang malisya pero parang may hinahanap akong iba sa halik.

Binalewala ko na lang at hinayaan ang mga taong gawin kaming 'ship'. Para na rin hindi na isipin na nagpapansin pa ako kay Eros or what. Friends naman kami ni Dom. Inamin nga no'n sa 'kin na naging crush niya raw ako pero nawala rin naman dahil sobrang sungit ko raw.

We finished two successful shows in Northridge. Next month, July, we'll be performing in Eastwoods. Then in Southridge for the following month. Then in the West Side last. The schedule for the first stage is always on the first week of the month. Then there'll be a week break in between, tapos second stage na ulit. After that, pahinga ulit, rehearse, perform.

Doon ko lang din naappreciate ang laki ng Vyckar City. As a Northridge citizen, tingin ko maliit lang ang Vyckar. Pero ngayong nakapagperform kami sa shows na laging sold out, doon ko lang natanto na mali ako.

Since we only have two shows in a month, marami akong naging free time. I accepted another movie soundtrack gig. Kaya naman muling napadalas ang pagpunta ko sa Dekada. Apat na araw na akong pabalik balik para tapusin agad ang proyekto.

Goodbye Lullaby (COMPLETED)Where stories live. Discover now