Hindi naman pala sila tulad ng inaasahan ko.

"Joke lang yun eh." Tumingin siya sakin, kumunot ang noo ko dahil nanlaki ang mga mata niya.

"Ngumiti siya uy!" puna ni Arwen. Umawang ang labi ko sabay kunot ng noo.

Hindi ba ako ngumiti kanina?

"Kala ko hindi ka marunong nun, Stephanie pangalan mo diba?" Tumango ako.

"Kain na nga, wala akong naisip na joke eh."

"Tumigil ka na Arwen. Halika Steph, dito ka maupo," sabi sakin ng ginang habang tinuturo ang uluan sa tabi niya, hindi ko maiwasang hindi mahiya.

Hindi ko naman kilala ang mga taong to pero tinulungan nila ako. Samantalang ang mga kamag anak ko, parang mga alagad ni Satanas.

Naupo ako sa tabi ng ginang, sa harap ni Arwen. Kaunti lang sana ang ilalagay ko sa plato pero dinagdagan pa iyon ng kaharap ko. Hindi ako sanay na puno ang plato ko.

"Kain ka na Steph para makainom ka ng gamot."

Napakurap ako sa sinabi ni Arwen. Doon ko lang napansing hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

Bakit ang bait bait naman yata nila para sa estrangherong katulad ko?

Kaya sinimulan ko ng kumain. Sinigang na bangus ang paborito kong ulam kaya nang matikman ko ito ay para akong maiiyak sa sarap.

Habang kumakain, pansin ko ang mga mata ng kaharap ko. Mga matang gustong magtanong.

"Ilang taon ka na pala, Steph?"

"18, ikaw?"

Humahalakhak siya. "Kala ko di mo ko tatanungin, 17 na ako. Malapit na mag 18 sa March." Tumango tango ako habang sumusubo ng pagkain. Dahan dahan lang, baka isipin nila patay gutom ako. 

"San ka nakatira? Bakit ka nasa labas ng bahay namin? Naglayas ka ba?"

"Ang dami mong tanong."

Tumawa siya. "Kaya kailangan marami din ang sagot."

"Basta," nasabi ko nalang dahil nawala na isip ko ang mga tanong niya at ayoko rin namang sagutin.

Matapos kumain ay uminom ako ng gamot. Hinanap ko kung saan nakasampay ang damit ko. Nasa labas pala.

"May panungkit kayo?" tanong ko kay Aina na kanina pa nakaangat ng tingin sakin habang naglalaro ng barbie niya.

"Meron po," mabilis siyang tumayo at umalis. Pagbalik ay may dala ng panungkit na mas matangkad pa sa akin.

"Salamat."

Lumabas ako at sinungkit ang damit ko. Nagulat ako nang pumatak ulit ang ulan.

Punyetang kamalasan talaga

"Ano ba? May bagyo ba?" inis kong sabi at minadali ang pagsungkit. 

"Oy, umaambon! Hindi ka pa magaling, baka magkasakit ka ulit," rinig kong tinig ni Arwen na hindi ko namalayang malapit na pala sakin.

Nang makuha ko ang huli ay pumasok ako sa kanila. Agad akong pumunta sa kusina nila at uminom ng tubig. Hindi ko napansing sumunod rin si Arwen sakin. Kunot na kunot ang noo.

"Bat ka nagpaambon?" Halata sa boses niya ang inis.

Bakit masyado ka namang concerned?

"Hindi ko naman alam na aambon. Uminom ka ng tubig, baka ikaw ang magkasakit," sabi ko sa kanya at inabot ang isang baso ng tubig.

Natigilan muna siya bago tanggapin at inumin. Napabuntong hininga ako nang mas lumakas pa ang ambon.

Tutal mabait naman sila, baka pwedeng dito muna ako. Nakakahiya pero mas nahihiya ako kay Mich.

Twisted Strings Of Fate [NEXVS Series 2]Where stories live. Discover now