Chapter 1
Nagising ako sa tuloy tuloy na ring ng phone ko. Nakapikit kong inabot ito sa ibabaw ng cabinet. Dinilat ko ang isang mata para makita kung sino ang caller.
Si Mich.
["Steph! I'm sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo. I was asleep kasi. By the way, why did you call? Is there something wrong?"] nag aalalang tanong niya.
"Wala, okay lang... gusto lang sana kitang makausap kagabi pero wag na."
Saka ko nalang sasabihin kung ano ang nangyari sakin dahil mas lalo siyang mag aalala, lalo na at may trangkaso ako. Saka na kapag gumaling na ako, istrikto pa naman ang parents niya.
["Sure ka?"]
"Mmm... saka nalang kita tatawagan, medyo busy kami eh."
["Okay, call me again, okay?"]
"Thank you."
Saktong pagbaba ko ng tawag ay bumukas ang pinto. Isang ginang na tingin kong nasa 40's ang pumasok. Bakas sa mukha niya ang pag aalala habang nilalapitan niya ako. Umayos naman ako ng upo, baka isipin masyado na akong kumportable humiga higa.
"Ayos ka na ba? Bumaba na ba ang lagnat mo?"
Pinakaramdaman ko ang sarili. Nakatulong ang pagtulog ko at pagpapahinga lalo na ang basang towel na nilagay ni Arwen sa noo ko. Bumaba na ang temperatura at hindi na rin masyadong masakit ang katawan ko.
"Medyo nalang po, pasensya po pala sa abala at maraming salamat po," sinsero kong sabi. Kumurba ang ngiti sa labi nito.
"Ayos lang iyon, ano pala ang pangalan mo?"
"Ako po si Stephanie, Steph nalang po."
"Ah Steph, ano bang nangyari sayo? Pakiramdam ko ay naglayas ka sa inyo, san ka ba nakatira?" Natikom ko ang bibig, hangga't maaari ay ayokong magkwento sa ibang tao.
Napansin niya iyon. "Oh siya, kailangan mong kumain, tara."
"Salamat po ulit."
"Walang anuman. Halika na, para makainom ka na rin ng gamot."
"Susunod po ako."
Ngumiti siya bago ako iwan. Tumayo na ako at inayos ang kama. Dun ko lang napasin ang kabuuan ng kama. Halatang kwarto ito ng lalaki dahil nagkalat ang posters ng Marvel at mukhang favorite niya si Ironman. Kulay red ang kama at puti naman ang kumot.
Lumabas na ako at nagulat ako nang makabunggo ako nang isang batang babae.
"Sino po kayo?" tanong ng batang babae, nakatirintas ang buhok at nakakagigil ang matambok nitong pisngi.
"Siya si Ate Steph," sagot ng ginang, ngumiti sakin ang bata.
"Ako po si Aina."
"Hi Aina."
"Bago po kayong girlfriend ni kuya Arwen?" Bahagyang nanlaki ang mata ko pero agad ding nakabawi nang ang lalaki na Arwen pala ang pangalan ang sumagot ng tanong niya.
"Aina, tumigil ka nga diyan, hindi pa kami break ni Ate Mg mo." Natawa naman ang ginang sa pagsingit ni Arwen.
Bumaling sakin ang lalaki. Napaatras ako nang ilagay niya ang palad sa noo ko, natawa ito.
"Tinitingnan ko lang kung may lagnat ka pa, grabe ka naman makalayo, parang takot ka sakin."
"Hindi na mataas ang lagnat ko tsaka hindi na rin masyadong masakit ang katawan ko. Salamat pala ulit."
Hindi nawala ang ngiti niya sa labi.
"Okay, yun naman pala eh. Tuyo na yung damit mo, kapag tuluyan kang gumaling pwede ka na umalis," sabi nito dahilan para mapalo siya ng ginang, napangiti ako.
YOU ARE READING
Twisted Strings Of Fate [NEXVS Series 2]
RomanceMilagrosa Stephanie Cruz believed that her life is a curse- a curse that no true love can save. Since she was a child, her well-being is being abused, until she finally escaped from hell-the house she grew up. But then, there's Arwen Felix Zamora...
![Twisted Strings Of Fate [NEXVS Series 2]](https://img.wattpad.com/cover/263097600-64-k514798.jpg)