'Vi partner tayo ha'

'Yeah sure'

'Alam mo ba yung gagawin?'

'Saan? Alin?' Sinasabi ko na nga ba di siya nakinig. Inhale. Exhale. think of happy thoughts.

'May project tayo sa major sub and this saturday ang submission' pinandilatan niya ako

'whuuuut? wednesday ngayon girl tapos this saturday ang submission? nahiya ka pa sinabi mo na lang sanang friday! Is this a joke?!' pinahid ko yung laway na tumilapon sa mukha ko galing sa bunganga niya eww ha.

'Bakit sakin ka nagagalit? ako ba nagbigay ng task?' she sighed and massaged her temples sabay sabi ng 'stress' eh ganito naman talaga pagstudent nag-aaral and gumagawa ng activities pano kaya si Vi nakaabot ng college parang di siya nainform ng mga roles and responsiblities.

'Whatever! Simulan na natin tomorrow para di tayo gahulin sa oras.' Matalino naman tong si Vi minsan nga lang lutang like today. We decided to do an experiment on chemical compounds.

'Sige punta na lang ako sa house niyo tomorrow' I smiled mas mabuti kung sa bahay nila kami gagawa kasi may mini lab room sila doon. Forensics din kasi ang field of work ng daddy niya kaya siguro yun din ang piniling course ni Vi but for me I want to be of help on solving crimes and puzzles through scientific means. I'll definitely solve what happened back then.....I have to no I will.

'Hoy! Earth to Alex!' I came back to my senses ng niyugyog ako ni Vi. I looked at her questioningly.

'Sabi ko hindi pwede sa bahay' ha? pano na yan?

'San tayo gagawa? wala naman kaming apparatus and chemical sa bahay' she grinned maniaclly.

'Sinabi ko bang sa bahay niyo tayo gagawa?'

'Eh saan pala?'

'Sa bahay ng asawa mo' haa?  mansion sa laki yung bahay ni sir pero wala akong nakitang laboratory doon.

'Pero hi~'

'Shush don't worry sa mga gagamitin ako ng bahala' Hindi naman yun ang problema dito!

'Pero kasi di alam ng a-asawa ko' anu ba yan nakakailang naman sabihin yung 'asawa'.

'Problema ba yun? di ipaalam mo nakakaloka ka ha' haay buti sana kung ganon lang kadali Vi, mainitin pa man din ang ulo non. Ay ewan.

Pagdating sa bahay naabutan ko si sir sa sala. Nakakunot ang noo at ang sama ng tingin sa akin. Gabi na pero bugnutin parin baka di pa to kumakain.

'Kumain ka na ba?' tanong ko sa kaniya with my signature smile.

'You're late' tiningnan ko ang relo ko ala sais pa lang naman ah.

'Six~'

'I don't care' ngumuso ako. Umupo ako malapit sa kaniya. Itatanong ko na ngayon baka mamaya umalis siya.

'Mam Alex nandito na ho pala kayo, ano po ba ang gusto niyong dinner at ipapaluto ko na sa chef' Ay sosyal may chef.

'Kahit ano na lang po hehehe' nginitian niya naman ako at tinanong si sir kung anong gusto niya.

'Ikaw po ser?'

'I won't eat here, I have a dinner meeting at seven' Sabi ko na nga ba aalis siya, I need to say it now!

'Okay po ser' pagkaalis ni aling sabel binalingan ko ang katabi ko.

'Ano.... may project kasi kami...'

'How much?' ha?

'Ay hindi, di ko naman need ng pera ano kasi....'

'What?! Say it or you'll die?' Anu ba yan lagi na lang may ganyang hirit!

'Pwede bang pumunta dito yung kaibigan ko bukas?' nagkrus ng landas yung kilay niya. Sabi ko na nga ba magagalit siya eh. Babawiin ko na sana ng magsalita siya.

'Is it a man?' eh ba't curious siya? don't tell me omg is he on the other side? Buti na lang babae si Vi kung nagkataong lalaki siya nooo hindi siya pwedeng maging kabit!

'Babae ang kaibigan ko' pinandilatan ko siya.

'Good' good? hmm kunyare pa to ayaw niya bang malaman ko na beki siya? I don't have anything against pride community, I won't judge him. Kung sakali man eh magiging masaya pa ang married life ko dahil magkakasundo kami o diba bongga!

'Do you need anything else?'

'Wala naman, si Vi na raw magdadala ng mga lab apparatus.' ang kunot niyang noo ay mas laling pang kumunot. ngumiti ako ng alanganin. ano naman ang problema?

'Don't need to bring trash here' grabe naman to.

'Eh anong gagamitin namin?' tumayo na siya.

'We have a fully equipped laboratory here just ask manang sabel to show you where, you can use everything there, I need to go.' andami niyang sinabi ha, infairness improving.

'Talaga!? thank you!!' sa tuwa ko eh nayakap ko siya. I felt him stiffen for a moment saka niya ako dinutdot sa noo palayo.

'Don't touch me' ang arte bakla talaga. Naglakad na siya palabas hinatid ko na lang siya ng tingin.

'Oo na, babye ingat!' kinuha ko ang phone ko at tinext si Vi.

To Victoria:
Vi!!! pwede ka ng pumunta dito bukas!

From Victoria:
Sige makikisabay na lang ako sa kotse niyo after school tom. okay?

To Victoria:
Okay hehehe

Nagchikahan pa kami saglit ni Vi ng kumalam ang sikmura ko kaya nagpumunta na ako sa dining sakto naman tapos na sila magluto. After ko kumain ginawa ko na ang night rituals ko and school tasks. Natapos na ako't lahat lahat pero di pa rin dumadating si sir. Alas nuebe na ng gabi wala pa siya. Ang tagal naman ng dinner meeting nila. Well di ko na siya aantayin at ako'y inaantok na. I can't wait to see yung laboratory na sinasabi ni sir but for now matutulog muna ako, I texted my mom goodnight before I drifted off to sleep.

Meeting the Mafia BossМесто, где живут истории. Откройте их для себя