XIV- LONG DISTANCE RELATIONSHIP

64 4 0
                                    

(A/N;

Hindi ako maka-relate sa ganitong klase ng relasyon.

Ngayon ko lang naisip na marahil ay totoo ito sa iba…

Paano ba magiging successful ang isang long distance relationship?

Lalo na kung ang ka-relasyon mo ay isang KPOP Artist.

Hindi ba mas lalo itong mahirap lalo na kung hindi mo kalahi ang iyong karelasyon?

Paano ninyo masisigurado na mananatili kayong tapat sa isa’t isa sa kabila ng katotohanang magkaiba kayo ng mundo at milya-milya ang inyong layo?

Kayanin kaya nina Yohann at D.O. ang komplikado nilang sitwasyon lalo na ng kanilang relasyon?)

                                                           

YOHANN’s POV

Sa totoo lang, mukhang naninibago ako sa pinapasok ko. Hindi ko alam kung tama. Hindi ko alam kung kaya ng powers ko. Bago kami magkalayo ni D.O. ay pinag-usapan na rin namin ang magiging set-up ng aming relasyon. Kaya sangkatutak ang bilin niya sa akin dahil medyo kilala na niya ako.

( LONG DISTANCE RELATIONSHIP- Long distance dahil malayo kami sa isa’t isa habang nasa isang relasyon kami. )

FLASHBACK….

“Are you sure we can make things work out?”

“We have to try it.”

“What if it didn’t?”

“Think positively about it. “

“I am not so sure if….”

“ Wae IFS leul manh-i haeyahabnikka? ( Why do you have a lot of ifs? )” Nakapagsalita na tuloy si D.O ng Korean sa sobrang nega ko.

“D.O. I never had any relationship. It was my first time to be in a relationship”

“So do I, but I want us to keep updated with each other. Let’s find ways how we can make things work for us”

Napapailing ako sa ideya niya pero nakita kung paano niya sinisikap na ituloy ang aming relasyon.

Wish ko lang talaga, hindi kami mag-away.

Wish ko lang hindi AKO ang mang-away.

Anu-ano ba ang napagkasunduan namin?

Magtext ako araw-araw. As in ARAW- ARAW. Lagot ako sa load. Hindi ko pa naman nakasanayang magpaload ng buwanan tapos international pa ito.

Mag-email kahit twice a week. Inactivate ko tuloy ang aking email. Kahit nag-i-exist ito, hindi ko naman madalas buksan dahil wala akong inaasahang e-mail.

Mag-i-skype kami once a month. Teka wala akong alam sa pag-i-skype. Magpapaturo muna ako kina Mitzi at Jessica. Kaya may tsansa pa rin kaming magkita kahit sa on-line lang.

Batiin tuwing birthday namin. Dahil tapos na noong January ang birthday niya, titingnan ko kung hindi niya makakalimutan ang birthday ko sa September. So, kailangang hindi namin makalimutan ang mahahalagang petsa sa aming buhay lalo na ang kaarawan naming dalawa.

I-update siya through pictures… Syiempre, hindi ko dapat kalimutang magpadala ng mga pictures namin. Kahit kami lang tatlo nina Mommy at Tatay.

THAT'S MY FOREIGNOYWhere stories live. Discover now