IV- MY SON DUDONG

136 8 0
                                    

Please lang huwag ninyong kontrahin ang kabaliwan ng aking nanay dahil nangangarap siyang magkaroon ng anak na lalaki. Sa dinami-dami ng puwedeng maging anak, si Dudong pa.

Oo, may pagka-KPOP si Mommy when it comes to preference in music. Nakikinig din siya ng mga KPOP songs simula ng mapanuod niya sina Minho at Sulli, isama mo na rin ang EXO. Nakilala rin niya ang Shawol na sina Onew, Taemin, Minho at sino nga yung isa…. si Key.

Pero dahil nakilala niya si Dudong, gusto na niyang maging anak si Dudong.

Pero sino ba naman ang hindi nakakagustong maging ideal son si Dudong?

Kapag wala ako sa bahay, paano ba silang tatlo?

Tatlo lang sila sa bahay, mula Lunes hanggang Biernes.

                                   

Bago umalis si Mommy ipinagluluto na niya si Dudong ng makakain hanggang sa makauwi siya sa hapon.

“Dudong, do not let any stranger get into the house”

“Neh!”

“Keep the door closed. Do not answer anyone when somebody calls. Everybody knew too well that nobody is in the house because all of us go to work”

Tatango naman si D.O.

Bago tuluyang lumabas ng bahay, yayakapin pa niya at hahalikan sa pisngi si Dudong tulad ng ginagawa nila bago ako umalis sa bahay.

Naku-culture shock pa rin si D.O. dahil hindi rin siiya sanay magpakita ng affection tulad ng ginagawa ng mga Pilipino.

May pagka-sentimental itong si Dudong kaya madalas siyang magpatugtog ng classical music sa sala kapag mag-isa lang siya.

Pag-uwi ni Mommy, nagugulat siya sa sobrang linis ng bahay. Mula sa lababo, sa mga sala at sa kuwarto at labas ng bahay, wala kang masasabi.

Walang maiiwang hugasing plato at kaserola sa lababo.

Malinis pati mismo ang lababo.

Lahat ng plato, nakalagay sa loob ng lagayan.

Yung mga bote ng toyo, suka at lahat ng condiments, maayos na nakatayo.

Wala ka ring makikitang basura. Malinis pati ang basurahan.

Properly disposed talaga.

Wala ka ring makikitang kalat sa sala. Pati ang mga throw pillow , maayos na nakalagay sa sopa. Ang mga babasahin ay nakalagay sa magazine rack.

Yung mga cassette tape at CDs maayos at walang alikabok sa lagayan.

Pati ibabaw ng tv, dvd players at cassette player ay wala ring alikabok.

Sa kuwarto, daig mo pa ang nasa isang simpleng hotel room.

Maayos ang mga unan at nakatupi ng maayos ang mga kumot.

Ang bed cover, pang hotel ang presentation.

Daig pa namin ang may chambermaid.

Sa labas ng bakuran, lalong naging berde ang paligid dahil may nag-aalaga ng dilig dito.

Maaga pa lang ay gising na si Dudong at nagdidilig ng halaman.

Tinatanggalan niya ito ng tuyong dahon.

Pati ang mga nagdya-jogging sa labas ay napapalingon kapag napapadaan sa aming garden. Nasusulyapan nila si Dudong na abalang-abala na binubungkal ang lupa sa tabi ng halaman.

Agaw-atensyon talaga.

“Abah, at may bagong hardinero ka pala, Daisy”

“Ah si Dominic, anak ko”

THAT'S MY FOREIGNOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon