Take #7

9 2 0
                                    

Disclaimer

All Name's/Scene's/Places and Ect. Are all made of pure imagination fuelled by inspiration, Love, and Appreciation for Panay.

If any use of name or scenes are deemed offensive in your case please do be informed that i do not intend to put negativity or any hate towards that being. This story is for entertainment purposes and is heavily fueled by Imagination

This story is Solely for Entertainment Purposes Tho Most of The Places Mentioned are True to Life

Warning

Some scenes may contain Violence and maturity not suitable for sensitive audiences. Minor readers are warned

If you have issues or questions please kindly DM me and I'll try my best to answer to your concerns



Psychie

Tila ang bilis lang nang panahon pagkat Ilang araw nalang at mag papasukan na naman, magiging highschool student na ako. nakatitig lang ako sa kisame nang kwarto ko nang makarinig ako nang kalampag na syang nagpatayo sakin bigla, kasunod nito ang pag tunog nang Cellphone na bigay sakin ni kuya Pau nung isang lingo ,keypad sya at tanging pangtawag o text lang kay kuya na hindi ko naman kadalasang ginagawa ang nag push saking tanggapin ito

Kinuha ko ito habang napapaupo at nakitang may text si kuya

'Alid ka muns balik kanalng buks'

Napa kunot ang noo ko nang mabasa ko ang text ni kuya ngunit napatahimik ako nang makarinig nang tawa na alam kong nangagaling sa babae kasunod na dun ang boses ni kuya

May kutob akong hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari kayat kumuha lang ako nang jacket dala yung wallet at cellphone ko bago dahan dahang binuksan ang pinto nang kwarto, mabuti nalang talaga at nasa kusina banda ang kwarto ni tita , maingat ngunit dirediretso akong tumungo sa back door at maingat itong binuksan bago tumakbo nang mabilis

4 30 na at mukhang hindi ako makakatulog sa bahay mamaya
Nag lalakad lang ako nang walang direksyon habang tinitext si tita Andrea ang Kaibigan ni Tita Dahlia, ilang bwuan na kaming hindi nakapagusap kayat hindi ako sigurado kung mag rereply sya , nang ma send ay napatingin ako sa harapan ko at napansing patungo na naman ang nilalakaran ko sa lumang riles dun sa may Ilog, mukhang mamaya pa naman ako may uuwian kayat pinagpatuloy ko nalang ang pag lalakad ,

Napadaan ako sa isang tindahan kung san may nakaparadang mamahaling kotse at di sadyang narinig ang pinag uusapan nung chinitong lalaki na mukhang highschool student chaka yung tinderang parang ka edad ni tita na halatang kinikilig?

"Nakita nyo po bang dumaan dito tong dalawang to?" Saad nung lalaki habang may pinapakitang picture

Nagtatagalog, turista ba sya?

"Ah ehrrr patingin nga nang mabuteh,...
Ah iy-"

Nilampasan ko na sila ngunit ramdam kong may napatingin sa gawi ki kayat mas binilisan ko ang pag lalakad at nakaabot rin sa riles ngunit nakarinig na naman ako nang sigaw na yung galit at paramg kaboses lang nung babaeng narinig ko nung ilang buwan,

Nakita kong dalawa silang nandoon sya at ang lalaking naka yakap sa kanya ngayon

Kailangan ko na naman atang umalis napatalikod na ako nang nabigla ako nang sumulpot yung lalaki kanina sa tindahan sa harap ko na nakatingin dun sa dalawang nasa riles

Nagtama ang mga mata namin at nagulat ako nang biglang nag ring ang cellphone ko kayat tumakbo nalang ako sa gilid papuntang kalsada at palayo dun

Hinding hindi na ako babalik dun

The Ruins And Within (Panay Series #1)Where stories live. Discover now