Take #5

15 4 0
                                    

Disclaimer

All Name's/Scene's/Places and Ect. Are all made of pure imagination fuelled by inspiration, Love, and Appreciation for Panay.

If any use of name or scenes are deemed offensive in your case please do be informed that i do not intend to put negativity or any hate towards that being. This story is for entertainment purposes and is heavily fueled by Imagination

This story is Solely for Entertainment Purposes Tho Most of The Places Mentioned are True to Life

Warning

Some scenes may contain Violence and maturity not suitable for sensitive audiences. Minor readers are warned

If you have issues or questions please kindly DM me and I'll try my best to answer to your concerns




Psychie

Isang lingo na ang lumipas at mas lalong bumigat lang ang nararamdaman ko

Ayaw ko sanang bumangon ngunit
Ilang beses na akong ginising at pinag sabihan ni kuya pau bago umalis na ilang beses nang tumawag sa kanya ang advisor ko at talagang pinasundo pa ako sa class president namin

Ayaw kong umattend nang graduation kaya nag desisyon akong wag na umattend nang practice, ngunit bakit ngayong a day before nang graduation pa nagka ganito?

Wala sa kalooban akong nag ayos dahil kanina pa nag tatanong yung president namin kung malapit na ba akong matapos dahil nagsisimula na daw yung practice

Lumabas na ako at naglakad lang kami nang ilang segundo bago huminto upang pumara nang tricycle, hindi kami nag uusap pagkat busy naman sya sa cellphone nya

Pinagsisipa sipa ko lang ang mga maliliit na bato sa daan nang nag umpisa na naman ang mga paulit ulit kong naririnig sa mga chismosang walang magawa kundi ang mag habi nang mga walangkabuluhang kwento

"Kaya mahirap ang mabilisang pag ahon mare nakakatakot ang karma "

"Oo nga kaya nga sinsabihan ko yang mister ko na wag masyadong mag magaling at baka imbes na ayuda ay mauwi pa sa disgrasya ang babata pa nang mga anak namin"

"Tingnan mo nga ang nangyari sa batang yan mukhang hindi na maayos ang lagay nyan,ilang taon nga lang ba ang pinsan nya?"

"19 ata? Graduating palang yun nang senior high eh"

"Eh bat hindi sila ipinaasikaso sa DSWD? Malakas yung magulang nila kay mayor diba?"

"Kaya nga-"

"Mawalang galang lang ho pero sumosobra na ata kayo" hindi ko alam ngunit hindi na talaga ako makapag timpi , nag hahalo halo na nga ang nararamdaman ko sumabay pato

"Abay bakit ka nag sasagot dyan iha? Tinatanong ka ba namin hah?"

"Hindi po ba masama ang pag usapan ang buhay nang iba lalo na pag kaharap nyo sya?"

"Eh wala naman kaming sinasabing kayo ang pinaguusapan namin"

"Mali nga kayo eh!"

"Abat sino ka para pagtaasan ako hah?!"

Nag lalakad na sya sa gawi ko at tila binuhusan ako nang yelo nang mapagtanto ko ang nagawa ko ,mag sosorry na sana ako dahil nasa harap ko na sya nang tinulak sya ni pres at hinila ako patakbo at sumakay na kami sa tricycle

Hindi ako makalingon dahil rinig na rinig ko ang mga nagagalaiting hiyaw nang chismosang yun mali ang nagawa ko pag nalaman to nila mama papagalitan - ...... Wala na nga pala sila mama...

The Ruins And Within (Panay Series #1)Where stories live. Discover now