Take #4

17 4 0
                                    

Disclaimer

All Name's/Scene's/Places and Ect. Are all made of pure imagination fuelled by inspiration, Love, and Appreciation for Panay.

If any use of name or scenes are deemed offensive in your case please do be informed that i do not intend to put negativity or any hate towards that being. This story is for entertainment purposes and is heavily fueled by Imagination

This story is Solely for Entertainment Purposes Tho Most of The Places Mentioned are True to Life

Warning

Some scenes may contain Violence and maturity not suitable for sensitive audiences. Minor readers are warned

If you have issues or questions please kindly DM me and I'll try my best to answer to your concerns


Psychie

Nagising ako nang nakahiga sa kama nila mama at papa

matahimik ang bahay ngunit rinig ko ang kakaunting ingay sa kusina, nang doon ata si kuya pau, kaming dalawa nalang ang naiwan dito, kasama din sa flight na yun si tita Daliah.

Ulila na kami ni kuya pau, kaming dalawa nalang ang nandito, walang mga magulang, at walang ibang pamilya.

Napatingin ako sa relo at nakitang 12 o clock na nang gabi , dun ko lang na ramdaman ang gutom.

dahan dahan kong binuksan ang pinto at kitang kita mula dito si kuya pau na naka yuko na sa mga notes nya sa lamesa

ayaw ko sanang lumapit ngunit nasa gilid lamang sya nang ref kayat maingat nalang akong nag lakad upang hindi ko sya magising, kumuha lang ako nang ulam at pag harap ko sa mesa ay nakatingin na sakin si kuya pau

Nag titigan lang kami dun nang ilang minuto habang walang tigil ang pag agos nang luha mula sa mga mata nya,
Naramdaman ko ulit ang sakit nang gutom kayat linapag ko na ang ulam sa mesa at kumuha nang kanin sa kaldero

Rinig ko ang pag bubuntong hininga ni kuya habang nag simula na akong kumain, Stem student si kuya at wala sya sa kondisyon ngayon ngunit graduating na sya kayat mas nahihirapan sya,

Tahimik lang akong kumakain habang sunod sunod naman ang pag bubuntong hininga ni kuya pau, hangang sa binitawan nya na ang binabasa at napahilamos

"Kamusta ka?"

"Ackk" dali dali akong uminom nang tubig habang si kuya naman ay nasa likod ko na at hinahampas nang maingat ang likod ko

"Masama ba ang pakiramdam mo? Mayrong instant Oatmeal dun kung gusto mo" saad ni kuya na naglakad na papuntang cabinet

"Wag na kuya nagkamali lang nang direksyon yung pagkain" nagulat lang naman ako kase hindi naman kami close ni kuya dahil nga mula noon eh sila mama at papa lang ang kailangan ko , hindi maaalahaning tao si kuya at hindi nya rin alam kung pano magalaga nang isang babae, lumaki kasi sya na walang nakitang kahinaan ke tita dahlia

"Okay" bumalik na sya sa upuan nya sa harap ko ngunit halata paring hindi sya makaconcentrate

tapos na akong kumain at ang tanging gusto kong gawin ngayon ay makapiling sina mama at papa, hindi lang nag iisang beses na sumagi sa isip ko na samahan sila sa kabilang buhay ngunit hindi mawala sa isip ko ang mga salitang laging sinasabi ni mama noon sakin

"Ang mga Materyal na bagay ay kayang palitan ilang taon man ang lumipas ngunit ang buhay nang tao ay nag iisa lamang, nag iisa at hiram lamang kayat dapat natin itong pahalagahan at ingatan nang mabuti"

Hinugasan ko nalang ang plato ko at papabalik na sana nang pinigilan ako ni kuya.

"Nandito lang ako Psy. Sabihan mo lang ako pag may kailangan ka hah?" Saad ni kuya ngunit halatang halata naman sa mukha nyang nangangailang rin sya nang tulong

Napatango nalang ako at pumasok na sa kwarto nila mama, nang humiga ako ay parang binuksang gripong lumabas ang mga luha ko pagkat napakahirap tanggapin na wala na sila

Hindi ko kaya ang sakit ,nakakalunod ngunit tila hindi parin maubos ang aking natitirang hininga na syang mas lalong nagpapahirap lang sa nararamdaman ko, bakit kase di pwedeng wakasan nalang ang lahat?

Ma, Pa bat nyoko iniwang mag isa?....

The Ruins And Within (Panay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon