Chapter 27: It's About Time

Start from the beginning
                                    

"Kumain ka na?" tanong ni Kuya Neico sa akin nang papasok na kami sa loob ng bahay. Lunch time na kasi.

"Tapos na po, kuya," tugon ko.

"Anong kinain mo?" tanong niya.

"Itlog lang."

"Baka gutom ka pa. Bumili ako ng pizza," aniya at tinaas ang bitbit niya na pizza. Nilapag niya iyon sa lamesita sa sala. Pagkatapos, dumiretso siya sa kwarto para magpalit ng damit.

Binuksan ko naman ang box ng pizza at kumuha ng isang slice. Umupo ako sa sofa sabay kagat sa pizza. Medyo gutom pa rin kasi ako dahil isang pritong itlog lang ang inulam ko. Buti na lang may pizza siyang dala. Ang hilig talaga manlibre ng pagkain ni Kuya Neico.

Nang lumabas si Kuya Neico, umupo siya sa single sofa at binuksan ang TV.

"Okay na ba ang prayer life mo?" tanong niya sa akin.

"H-hindi pa rin ako nakakapagpray, pero sinusubukan ko," tugon ko. Tumango lang siya. "Nagkausap kami ni Ate kagabi..." banggit ko sa nangyari kagabi. "Sinabi ko na sa kanya ang pagbabalik-loob ko."

Ngumiti siya at sinabi, "I'm sure she is happy."

Naalala ko ang naging reaksyon ni Ate Christy. Alam kong punong-puno ng kagalakan ang puso niya sa mga oras na 'yon.

"Masayang-masaya siya," sabi ko at bahagyang ngumiti.

"And so am I," aniya, dahilan para mapatitig ako sa kanya. Tila kiniliti rin ang tiyan ko dahil doon. "We've been praying for you, Faith."

"S-salamat sa prayer ninyo," medyo nahihiya na sabi ko. Na-realize ko kung gaano kadami ang mga taong nagmamalasakit sa akin.

"That's our duty as a your brother and sister in Christ," aniya. Tila natauhan naman ako sa sinabi niyang iyon.

Brother...

Nakakainis pakinggan.

"Uh, may request sana ako, kuya," pag-iiba ko ng topic.

"Ano 'yon?"

"Pwede bang kwentuhan mo ako ngayon ng story sa Bible. Kahit ano. 'Yung favorite mo," hiling ko. Wala kasi si Ate Christy kaya baka pwede namang siya na lang pagtanungan ko.

"Oh..." aniya, "My favorite story in the Bible is the life story of Apostle Paul."

"Ah, sige. Hindi ako masyadong familiar sa life story ni Apostle Paul," sabi ko.

Kinuha niya ang remote control ng TV at hininaan ang volume nito.

"Si Apostle Paul ang may pinakamalaking ambag sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo matapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesu-Cristo," paninimula niya.

"Mamamatay-tao si Apostle Paul dati, tama ba?" sabi ko.

"Literal na mamamatay tao? Hindi ah," aniya at bahagyang tumawa. "There was no evidence for that Apostle Paul actually killed someone in his life. He was just breathing threats and murder against disciples of Christ. In other words, he was a persecutor of Christians, not a literal murderer. I said 'not literal' because 1 John 3:15 says, 'Anyone who hates a brother or sister is a murderer, and you know that no murderer has eternal life residing in him.' That means, anyone can be a murderer by hate. And Apostle Paul hated Christians, but there was no actual evidence that his violent treatment caused anyone to be killed. Usually, pinapakulong niya ang mga Kristiyano. He was the chief," paliwanag niya.

Against Our WillWhere stories live. Discover now