Chapter 39

1.5K 55 0
                                    

Khairron POV

Pumunta ako sa kwarto ni Shin para i-check siya, nadatnan ko siyang naka upo lang sa kama. Napalingon siya sakin at ngumiti. "Khairron," tawag niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Nasabi na ba niya sayo?" patungkol ko kay Xyro.

"Oo . . . bakit hindi mo agad sinabi sa 'king kapatid mo pala s'ya?"

Tumingin ako sa kanya. "Galit na galit ka kanina . . . hindi ako makakuha ng tiyempo."

"I'm sorry," Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri.

"It's fine, ang mahalaga ngayon ay alam mo na." Bumuntong hininga ako.

"Don't worry, hindi ka nila mahahanap dito." Tinapik ko ang ulo niya.

"Nag aalala ko . . ." Patuloy pa rin siyang nakayuko habang nilalaro ang daliri.
"Nag aalala ko na ba'ka kung anong mangyari kay Xyro."

Ayon pa? Masamang damo 'yon, kaya hindi mapapahamak 'yon, tss.

"Walang mangyayaring masama sa kanya, 'wag ka ng mag alala . . . baka ma-stress ka at makasama sayo." paalala ko.

Bumuntong hininga siya. ''Sana nga."

"Khairron," Tumingin siya sa 'kin.

"Hmm?"

"Thankyou . . . thankyou for everything." Ngumiti siya, gumanti naman ako ng ngiti.

"Wala 'yon ang importante maligtas kayo ng pamangkin ko." Hinimas ko ang tiyan niya.

"Hey, kiddo I'm your tito Khai." nakangiting sabi ko.

Pag katapos naming mag usap ni Shin ay bumaba ako sa pinaka hideout, nadatnan ko doon si Rick. Si Rick ang kanang kamay ko pero parang kapatid na rin ang turingan namin.

"Hey, bro." bati niya, tumango lang ako.

"Anong balita?" patungkol ko kila Mitch.

"Hindi pa rin sila kumikilos, mukhang hindi naman nag hihinala na nasa atin ang target nila." ngumisi siya.

"Mabuti 'yon."

"Kumilos na tayo hanggat wala pa silang kamalay-malay . . ." Nag tiim ang bagang ko.

Someone's POV

"Argh!Bakit wala kayong balita kay Shin!? Ano na!? Dalawang linggo na wala pa rin!!" sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Wala po talaga boss, ang huling kita lang po namin sa target ay yung hinatid siya pauwi ng kaibigan niyang si Khairron."

"So ano!? Kasalanan ko ngayon!? Ang sabihin niyomga tanga-tanga kayo!" Binaril ko ang nag salita kanina.

"Ano!?" Nilibot ko ang paningin ko sa sampong tauhan ko. "Bibigyan ko kayo ng dalawang araw! Kapag wala pa rin kayong balita sa 'kin! Magagaya kayo sa ksamahan niyo!" Sinabunutan ko ang sarili ko.

Tinanday ko ang kamay ko sa lamesang nasa harapan ko.

Bwisit! Bwisit kang babae ka! Nasaan ka na ba!? Sinira mo lahat! Masaya na ako, eh! Pero ano!?Bumalik siya sayo! Kung hindi siya mapupunta sa 'kin, sisiguraduhin kong walang makikinabang sa kanya!

Pinatay niyo na nga kuya ko! Nawala pa sa 'kin ang taong mahal ko!

Xyro POV

Two weeks nang na kay Khairron si Shin, miss na miss ko na siya, kahit gabi gabi ko siyang tinatawagan, kahit gabi gabi kong naririnig ang boses nya feeling ko kulang pa rin, miss na miss ko na talaga siya. Kinakamusta ko rin kung ano ang mga nararamdaman niya, nag momorning sickness daw siya gusto ko tuloy agad siyang puntahan dahil sa pag aalala pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka makasama pa sa sitwasyon namin ngayon.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now