Chapter 34

1.7K 60 1
                                    

Xyro POV

PANGATLONG araw na simula noong mag kaayos kami ni Shin. Sa kwarto niya ako natutulog.

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko, unti unti kong idinilat ang mga mata ko, bumungad ang mukha ni Shin na nakanganga pa.

Nakatanday at nakayakap siya sa 'kin, dahan-dahan kong inalis ang pag kakayakap niya sa 'kin at tinanday ko ang braso ko sa ulo ko upang matitigan siya, tinatamaan ng araw ang mukha niya.

Grabe lalo ata siyang gumaganda . . .

Idinampi ko ang hintuturo ko sa noo niya at dahan-dahan pababa sa ilong niya hanggang sa labi, napatigil ako doon. 

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya at dinampian siya ng halik.

Hinalikan ko din ang noo niya.

Tinanggal ko ng dahan-dahan ang pagkakatanday niya sa 'kin at dahan dahan din akong umalis sa kama.

Kinuha ko ang phone ko sa side table at lumabas ng kwarto ni Shin at nag tungo ako sa kwarto ko at dinadial ang number ni Clifford.

Naka ilang ring pa bago nya sagutin
"[Hmm, hello sino to?istorbo ka ah----- baby tara na.]"

Parang nakikipag halikan pa ata siya sa kabilang linya, napairap ako.

"What the heck dude? It's 6:40 am in the morning! You are fucking horndog, tss! Ka aga-aga"

"[Ohh--fuck! Xyro! Sorry!---- haiisshh teka lang Colline----]"

Inuubos talaga into ang pasensya ko, e. "Fuck it! De Castro! Mamaya na yan! Anong balita?"

"[Morning grind dude hahahaa, hmm Khairron Xin Park is the business man, siya ang nag mana ng mga ari-arian ng mga Park. He graduated from the business administration course, he also owns 'THE AURIYL' the most well -known modeling company here in asia. He is also the CEO of the company XIN.

Apart from that, he also joined an organization, this organization is very private. I haven't heard anything else about this organization, it looks like someone is blocking

I also don't know the name of this organization because they don't even let me know the name . . . dude be careful]"

I rolled my tongue on my lips.

"Wait . . . tapos na siya? So, may binabalak talaga siya. Dude, mag hanap ka pa ng ibang impormasyon, tangina niya hindi ako natatakot sa kanya."

"[Okay dude, wala ka naman talagang kinatatakutan, naalala mo? Yung naka away natin dati na mas malaki at mas matangkad sayo? Binali mo yung leeg?Dude napatumba na kaming lahat no'n ikaw lang hindi."

"Ahmm, ano nga bang pangalan no'n?Marcos A.K.A Monkey hahaha!]"

"Tss sige na, bye." Binaba ko na ang tawag.

'Marcos?'

Siya yung una't huling napatay ko dahil sa pagkabali ng leeg niya, well hindi ko naman pinag sisisihan 'yung ginawa ko. Marami ng na rape 'yon at drug dealer din siya.

At siya ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ni Andrill, binaril niya ito.

Bumuntong hininga ako at nilagay ang phone ko sa kama, pumasok ako sa bathroom at maligo.

Nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas ako, kumuha na ako ng damit para sa pag pasok.

Habang pinupunasan ko buhok ko ng tuwalya ay nahagip ng mata ko ang cabinet kung saan ko nilagay ang porselas, binuksan ko iyon at kinuha doon ang bracelet.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now