Chapter 29

1.9K 63 0
                                    


Xyro POV

PAGKATAPOS kong mahimasmasan mula sa pagkainit ng ulo ay pumunta ako ng bathroom para maligo.

Nasa loob pa rin ako ng bathroom pero tapos na ako maligo at naka tapis ng tuwalya, nakatitig lang ako sa salamin habang nakatanday naman ang mga kamay ko sa sink.

Bumibilis nanaman ang paghinga ko dahil sa galit, paano niya nagawa iyon?Ganon na ba sya kadesperadang bumalik ako sa kanya?

Tumingala ako at bumuntong hininga.
Isinuklay ko ang kaliwang kamay ko sa aking buhok, lumabas na ako ng banyo at nag punta sa closet para mag hanap ng damit sa kalagitnaan ang paghahanap ko ay may nahulog, tiningnan ko ito at lumamlam ang mga mata ko.

Pinulot ko ito at tinitigan sa palad ko, kulay asul ito at may maliit na star sa gitna, halatang bata ang gumawa.

Ibinigay sakin ‘to ni Shin dati noong mga bata pa kami, nine years old lang siya noon at ten years old naman ako, nakaupo kami noon sa swing na nasa bakuran namin, gabi noon kaya kitang kita ang mga butuin sa langit napaka sarap pagmasdan talaga noon dahil ang payapa.

Tahimik lang kaming naka tingala sa kalangitan ng basagin niya ito. "Kuya Xyro." Tumingin ako sa kanya.
 
"Bakit?" Inosenteng tanong ko pero nanatiling naka tingin parin siya sa kalangitan, unti unti siyang tumingin sakin at ngumiti at may inabot na isang bracelet.

"Ako ang gumawa niyan." proud na sabi niya.

Nag niningning ang mga mata nya habang sinasabi iyon, kinuha ko ito tinitigan, sumilay ang ngiti sa labi ko. "Salamat Shin." Tuwang tuwa talaga ako dahil siya ang may gawa nito.

Napansin ko ang star na nasa gitna niyon. "Bakit may star?" inosenteng tanong ko dito.

"Yung star na 'yan, ako yan kuya Xyro!" Galak na galak talaga siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Aalis ka di ba? Pupunta kang Amerika?" Biglang lumungkot ang mukha niya.

"Para kahit wala ako sa tabi mo palagi, pag sinoot mo yan ay para na rin akong nasa tabi mo, at para hindi mo ko masyadong mamimiss."
Lumungkot ang mga mata niya.

Bumuntong hininga ako at tumingala para hindi tuluyang tumulo ang mga nag babadyang luha.

Mahigpit ang hawak ko bracelet, inilagay ko na ito sa isang cabinet dito sa lamesa ko.

Nagbihis na ako at napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Shin para silipin siya.

'Panahon na siguro para patawarin kita...'

Nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto niya at nakatitig lang, unti-unti kong hinawakan ang saradura noon at dahan dahang binuksan ang pinto, naka bukas ang lampshade, naka talikod siya mula sa akin at mahimbing na natutulog, umupo ako sa tabi niya at sinilip ang mukha niya, namumula siya hinipo ko ang leeg niya at inaapoy siya ng lagnat.

Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto niya at nag tungong kusina, kumuha ako ng palanggana at nag painit ng tubig, habang nag papainit ako ng tubig kumuha na rin ako ng bimpo.

Maligamgam na tubig ang nakalagay sa palanggana, umakyat na ako sa taas dala-dala ang mga gagamitin ko, pumasok na ako sa kwarto at inilapag iyon sa lamesa niya.

Bakit sya nilagnat? Nagpaulan ba sya?

Inihiga ko siya ng maayos, isinawsaw ko ang bimpo sa maligamgam na tubig at piniga iyon, pinunasan ko ang mukha niya, nakatitig lang ako sa kanya habang nag pupunas.

Pinunasan ko ang noo, pisngi, pati na rin ang leeg sa kalagitnaan ng pag pupunas ko ay nag sleep talk sya.

"Please let me go Xyro..."

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon