Chapter 05

2.3K 85 10
                                    


Shin POV

PINAYAGAN na lang ako ni Khairron na sumama kay Xyro sa office, hawak - hawak ko ang librong binigay ni Xyro sa'kin habang nag lalakad sa hallway, nauunang maglakad si Xyro.

Hindi ko alam kung anong kinagagalit niya o talagang badmood lang talaga siya ngayon.

Pagkapasok namin sa office ay agad na umupo si Xyro sa upuan niya at nagdekwatro, nakatitig lang ito sa'kin ng masama kaya napayuko ako.

"Sit." utos niya.

Sinunod ko ito at binuklat ang libro at sinimulang magbasa, kalahating oras na ang nakakalipas ay nagsalita siya.

"Malandi ka talaga no?" sarkastikong ani niya

Napatingin ako sa kan'ya at napakunot ang noo.

"Ano bang sinasabi mo d'yan?" nagtatakang ani ko.

Ngumisi siya "A multi billionaire Khairron Xin Park, kausap ka?  O talagang nilandi mo lang siya kaya ka kinausap?" tumawa siya ng sarkastiko at biglang sumeryoso ang mukha niya. Tumayo siya at itinanday ang dalawang kamay sa mesang pumapagitan sa amin, inilapit niya ang mukha sa mukha ko. Nanlilisik ang kan'yang mga mata.

"Nakuha mo na nga ako, maglalandi kapa ng iba?" nagtitigan lang kami sa mata, kitang - kita ko ang galit sa mata niya.

"Hindi ko siya nilalandi, nakikipag kaibigan lang siya." pilit kong nilalabanan ang mga mata niyang puno ng galit pero sumuko din ako, tumingin ako sa kaliwa ko.

Inilayo niya ang mukha sakin at nagulat ako ng biglang hampasin niya ng malakas ang mesa! "At anong tawag 'don sa nakita ko kanina ha!? Di'ba paglalandian 'yon!?" tiim bagong niyang sabi.

Napatingin ako sa kan'ya "Ang dumi ng isip mo Xyro! Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin, ha?" nangingiyak na sabi ko.

"Oo," walang emosyong sabi niya.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ako at tumakbo papalabas ng office niya at pumunta sa malapit na puno dito, umupo ako doon at pinipilit na tumahan, pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking palad

"Umiiyak ka na naman. . ." seryosong sabi ng isang boses sa tabi ko tiningnan ko ito.

"Khairron. . ." bulong ko sa kan'yang pangalan.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now