Chapter 33

1.8K 51 0
                                    

Xyro POV

SA kalagitnaan ng pag huhugas ko ay may nag doorbell, napakunot ang noo ko
Ang aga naman niyan 6:30 palang ng umaga, ah? Tinanggal ko ang gloves at nag tungo sa main door at lumabas doon, nag lakad na ako patungo sa gate at pag kabukas ko non ay walang tao mas lalong napakunot ang noo ko.

Inilibot ko pa ang paningin ko para siguraduhin na wala talagang tao ng mahagip ng mata ko ang isang gift box na kulay black, kasing laki ito ng libro, nakalapag ito sa harap ng gate pinulot ko ito at may nakalagay na card doon.

'For Shin'

Ayon lang ang nakalagay sa card wala nang nakalagay kung kanino galing. Pumasok na ako bitbit ang gift box at sinara ang gate.

Nasa terrace ako at umupo sa upuang bakal na puti doon, inilapag ko ang girf box sa mesa at nakataas na kilay na tinitigan iyon.

Sino namang gago ang nag padala nito sa asawa ko? Nanliligaw? Tss

Binuksan ko ito at nanlalaking matang tiningnan ang nasa loob nito, kinain ng takot ang buong katawan ko,hindi para sa akin para kay Shin

Fuck! Fuck this! Fuck this shit! 

Puro stolen picture ito ni Shin at puro dugo ito, mga apat na picture iyon.

Meron sa parking lot sa school, may picture din na hinihila ko sya at meron ding nasa banyo ng school, Shit! Tangina sino ang ganong 'to?

May maliit na rosas na lanta doon na at may naka dikit na card doon.

Mas lalo akong kinabahan ng nabasa ko ang na roon.

'Handa ka na bang mamatay Shin?susunduin ka na ni kamatayan'

Pinunit ko at inilagay ulit ito sa kahon, isinara ko ang kahon at pumunta ako sa garden habang bitbit ang kahon. May drum dito para sa pag siga, katabi ng garden ay ang bodega kung nasaan makakakuha ng gas, pumasok ako doon at kumuha ng gas. Naglakad na ako pabalik sa drum at itinapon doon ang box at binuhusan ng gas, inubos ko talaga ang lahat ng isang boteng gas, kinuha ko ang lighter sa bulsa ko at kaha ng sigarilyo. Kumuha ako ng isang stick at sinindihan iyon at pagkatapos ay itinapon ko ang lighter sa drum.

Bumuga ako ng usok, kung kailan ayos na kami syaka may magtatangka naman sa buhay nya? Fuck it! Hindi ako sigurado pero may pakiramdam akong siya 'yon. Fuck this shit! Proprotektahan ko si Shin kahit anong mangyari, proprotekta­han ko siya nang hindi nya nalalaman.

Ayokong kainin siya ng takot, deserve niyang sumaya, ayokong minu-minuto ay isipin niyang nanganganib ang buhay niya. Ayoko ng ganoon, kaya ko siyang protektahan.

Humanda ka lang talaga sa 'kin pag nalaman kong ikaw talaga ang may pakana nito. Humithit ulit ako at binuga ito.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at ki-nontact ang line ng security house. Sumagot agad ang security sa kabilang linya.

"Hello po Mr. Del Varra? Ano pong maitutulong ko sa inyo?"

"Paki review nga ng CCTV camera kung saan kita 'yung gate namin, tingnan mo kung sino ang nang iwan ng gift sa harap ng gate." Mahigpit ang hawak ko sa cellphone, bumibilis din ang pag hinga ko.

"Sige po, wait lang po, sir."

Maya-maya pa ay nag salita ulit siya.

"Ahh . . . sir hindi po nakunan kung sino, ang nakarecord lang po dito ay yung kinuha nyo na po yung gift."

Nag init ang ulo ko, hinilot ko ang sintido ko

"Bullshit!" Bumuntong hininga ako. "Sa ibang CCTV? Walang nakuhanan?"

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now