Chapter 01

3.8K 111 4
                                    

Shin POV

KAKATAPOS lang ng klase namin kaya inayos ko na ang mga gamit ko at sinukbit ito sa aking balikat, lumabas na ako ng classroom at madadaanan ang faculty room dito sa hallway. Nang nasa tapat na ako ng faculty ay nakasara ang pinto nito may naririning akong halinghing ng isang babae kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko ang asawa ko at si Miss Mitchell na naghahalikan.

Parang sasabog ang puso't dibdib ko sa nakita naghalo-halo ang aking emosyon kaya't pinagsusuntok ko ang aking dibdib na parang mababawasan ang sakit nito.

Lungkot, sakit at awa sa aking sarili. Bakit pa nga ba ako umaasa? Eh s'ya na nga ang nag sabing kinasusuklaman niya ako.

Hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko kaya pinusan ko ito at pinigilang humikbi.

Ang sakit sakit parang dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit. Tumakbo na ako at lumabas ng campus, umupo ako sa waiting shed at itinaas ko ang mga tuhod ko sa upuan at doon yumuko at umiyak ng umiyak.

"Ang sakit sakit, ang gusto ko lang naman ay matanggap moko kahit hindi mo na ako mahalin, pero bakit ganino?" kinagat ko ang aking pang ibabang labi at umiyak ng parang batang nawawala.

"Ahh, miss? Hey? Are you okay?" naramdaman kong may umupo sa aking tabi kaya iniangat ko ang aking mukha sakanya at nakalahad sa akin ang kanyang panyo "Here," anya pa.

Tinanggap ko ang panyo niya at ngumiti, pinunasan ko ang aking luha, "No I'm not okay, at kahit kailan hindi na ata ako magiging okay," anya ko pa.

Ngumiti siya,"Why?" tumingin siya sakin na nakakunot ang noo, ngumiti ako at bumuntong hininga at tumingin sa langit, "Hindi na ata ako mamahalin ng taong mahal ko." lumingon ako sakanya at nakatitig siya sa akin.

"Being inlove with someone who no longer loves you is the saddest feeling in the world," ngumiti siya.

Sapul na sapol ako sa sinabi niya pero parang ang lalim ng hinugot niya para masabi iyon, pakiramdam ko sa bawat letra ng kanyang sinambit ay para sakin.

Tumawa ako ng mahina "Tama ka," anya ko.

Biglang may humintong sasakyan sa harapan namin at tumayo siya, "I'm leaving, nice to meet you," ngumiti ulit siya at namulsa,sumakay na siya sa kotse. Bigla kong naalala ang panyo niya.

"Teka yung —" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil umalis na ang sasakyan. Tiningnan ko ang panyo at may nakita akong naka burda, binasa ko ito.

'KXINP?' pagbasa ko sa isip ko at napangiti ako.

Pursuit of Love(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat