Prologue

6.5K 148 7
                                    

Copyright © 2021: TalesInMind

This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicatedall the names, characters, business, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

Genre: Dark Romance

— Dark romance novels often come with content warnings, and they can explore BDSM, role playing, abduction, rape fantasies, and kidnapping and captivity. Some dark romances do explore lack of consent.

(Pakibasa po. ^^ Salamat.)


TIM

NANDITO kami nang kaibigan kong si Grace sa cafeteria at nag lulunch, nilalaro laro ko lamang ang spaghetti na inorder ko dahil sa malalim na pag iisip. Naalala ko ang nangyari kagabi.

Kagat labi akong lumapit sa lalaking sobrang mahal ko at hinihiling kong sana ay mahalin din ako, hawak-hawak ko ang polo niyang may bahid ng lipstick at amoy pambabaeng pabango, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.

"Ahh X-xyro bakit amoy pambabae tong polo mo?" hindi ko mapigilang hindi mamginig ang aking boses, dahil ba ito sa takot? O sa sakit na aking nararamdaman ngayon?

"Alam mo naman ang sagot diyan di'ba?" sobrang lamig ng kanyang tinig na halos manginig na ang kalamnan ko. Ang mga mata niya, puno iyon ng hinanakit at galit na hindi ko alam kung saan nag mula. Hindi ko alam kung bakit sobra at abot abot hanggang langit ang kanyang galit sa akin. At nasasaktan ako sa kadahilanang galit siya sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Huwag mo'kong dramahan Shin,alam mong hindi kita kayang mahalin kaya huwag kang maarte d'yan!" napatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya, dahan dahan akong tumingin sa kanya ng buong paghihinagpis at sakit. Ang sakit titigan ng kanyang mga mata, tila puno iyon ng puot, puot na nag binigay sa akin ng pighati.

"Bakit? Bakit hindi mo kaya? Anong dahilan? Binago ko naman lahat ah, lahat nang tipo mo sa babae lahat ginawa ko para magustuhan mo." ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng tumulo, pati ang pag pipigil ng luha ay hindi ko na rin kaya dahil sa sobrang sakit. At ang mga katagang sunod niyang sinabi ay ang dahilan ng pagkawarak ng mundo at pagkatao ko.

"Dahil kinasasusuklaman kita." sa sobrang galit niya ay pati ang mga ngipin niya ay nag ngingitngit. Nakatingin siya sa malayo na tila hindi ako kayang tingnan. Ayoko ring tingnan niya ako dahil pakiramdam ko ay mas hihigit pa ang sakit kapag itinuon niya sakin ang puno ng galit niyang titig.

Naputol lang ang pagiisip ko ng kinalabit ako ng bestfriend kong si Grace.

"Bes, ang gwapo talaga ni sir no? Bagay na bagay talaga sila ni Miss Mitchell." tila kinikilig pang sabi nito.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya, ang asawa ko na professor ko.

Kung titingnan ko ang mga mata niya ay puno iyon ng saya at pagmamahal. Hindi gaya ng pag tingin niya sakin na parang kasalanan pang nabuhay ako, hindi ko ginusto. . . Hindi ko ginustong mahalin ka Xyro. . .

Para na naman akong maiiyak ng makita ko silang nagtatawanan kaya umalis na'ko sa cafeteria bago pa ako mapahagulgol, nagtungo ako sa cr at tumingin sa salamin, itinanday ko ang dalawa kong kamay sa lababo at doon inilabas ng sakit ng dibdib ko.

'Bakit Xyro? Bakit mo ko kinasusuklaman?Anong nagawa ko sayo?  Grabe ang sakit sakit.'

Pursuit of Love(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt