Chapter 23

1.9K 59 1
                                    

Xyro POV

IBINABA ko ang litrato sa mesa at pinatay ang lampshade, tiningnan ko ng ilang sandali si Shin at lumabas na at nag tungo sa kwarto ko.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama, tumingin ako sa bintana, tumila na ng ulan, hindi na natatakpan ng ulap ang kalangitan kaya ang gandang pag masdan.

Naalala ko ulit kung paano kuminang ang mga mata ko sa litratong iyon.

Grade 5 ako noon at grade 4 naman si Shin.

Kasalukuyang nag aayos na siya ng kan'yang mukha para sa stage performance niya sa school festival namin, sobrang dami talagang manonood mga magulang, teacher at iba pa.

Nasa back stage kami noon, pag katapos niyang mag ayos sa harap ng salamin at tumayo siya at humarap sa akin.

Ngumiti ako sa kan"ya ng abo't tengang ngiti at ginantihan naman niya ako ng napaka tamis na ngiti.

"Kinakabahan ako kuya Xyro." Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at tumungo.

Hinawakan ko ang dalawang balikat niya. "Tumingin ka sa'kin." Naka ngiting sabi ko.

Tumingin siya sa mga mata ko ng puno ng kaba. "Pag kumanta ka na sa stage tumingin ka lang sa mga mata ko, doon ako sa harap pwe-pwesto para makita mo agad ako." Tumango siya.

"At isipin mong tayong dalawa lang ang nabubuhay sa buong mundo, walang nanonood sayo kundi ako lang." Mahabang litanya ko.

Bumuntong hininga siya parang kumukuha ng lakas ng loob.

"Tayong dalawa lang." Wala ng pag aalinlangan sa mga mata niya.

Narinig naming tinawag na siya ng MC kaya pinapunta ko na siya doon at bumaba na ako sa back stage at naghanap ng mauupuan sa harapan, swerte namang meron kaya doon na ko umupo.

Nasa gitna na ng entablado si Shin, halatang kinakabahan siya, tumingin siya sakin at ngumuti at gumanti naman ako.

Nag simula ang intro ng kanta.

Nagtitigan lang kami ni Shin hanggang sa mag simula siyang kumanta.

Sometimes, i close, the door and fall into my thoughs~

Thinking about my self on stage~~

You even liked
My clumsy moments~
But i wonder if i even deserve that love~~

"Woah! That's my girl!" Nakatayo ako at nakaharang ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng labi ko at pumalakpak ng malakas ng tapos na ang kinanta niya.

Sumasaya talaga ako pag naririnig ko ang boses nya, para kang sanggol na hinehele nito.

Pumunta ako ng backstage at may tinatagong bungkos ng bulaklak sa aking likod at inabangan siyang bumaba, kagat-kagat ko ang labi ko ng pagkababa niya para pigilan ang mangiti.

Nang nasa harap ko na siya ay bigla niya akong niyakap, pagkakalas niya sa pagkakayakap sa akin ay iniharap ko na sa kanya ang bulaklak, napatitig siya roon.

"For you." Pigil ngiting anya ko, biglang pumula ang pisngi niya at tinanggap iyon.

Nag taka ako at nag alala kung bakit pumula ang pisngi niya, hinawakan ko ang noo niya upang tingnan kung may sakit siya, pero wala naman, kumunot ang noo ko dahil sa pag tataka.

"Mukha ka ng kamatis." Kumurap pa ako at inosenteng sinabi iyon.

Pinalo niya ang dibdib ko. "Bwisit ka!" Pulang pula na talaga siya, napanguso ako.

"Inaano kita?" Takang tanong ko.

"Wala!" Akmang tatalikuran na niya ako ng hablutin ko ang kamay niya at hinila siya pababa ng back stage at patakbo siyang hinila.

"Kuya! San tayo punta?"

Nakita ko na sila mommy at daddy, kumaway si mommy saamin na sobrang laki ng ngiti, may nakasabit sa leeg niya na isang camera.

Nang makalapit kami sa kanila ay inakbayan ko agad si Shin, hanggang balikat ko lang siya kaya wala na siyang angal. Ngumiti ako.

"Okay 1,2,3!" Nakatutok na samin ang camera.

NAPABUNTONG HININGA ako at tumagilid ng higa, sana masaya nalang kami noon, pati ang naka raan namin nakalimuta nya, ang gago ko talaga. Kung pwede ko lang alisin ng isang iglap ang puot sa puso ko matagal ko ng ginawa.

Pursuit of Love(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora