𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 24

Comincia dall'inizio
                                    

"Okay! Ang mansyon ay open para sa inyo, but 'wag na 'wag kayong papasok o kahit na sino sa inyo sa second floor dahil hindi ko gustong magpakita sa kaibigan mo. Naniniwala na ako sa kasabihan na ang alak ay nakakatanggal ng sakit, hinanakit, at tsaka damit! Kaya heto at may nabuo pa." Sabi ko naman sa kanya na ikinatawa naman niya.

"Iba ka talaga, that's why nagpapasalamat ako na tinuturuan mo ng mabuti si Bianca." Nakangising sabi niya sa akin habang nilalaro sa kamay niya ang isang ballpen.

"Welcome! I'm a good teacher right," naiiling na sabi ko sa kanya na ikinatango naman niya.

Napapailing pa ako kung bakit ba sila nagtataguan ng pagmamahal? Kung mahal naman nila ang bawat isa. Oh wait I need to know about tita.

"What about tit---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"About that, her mom its already past away. Ang nagpapanggap na ina niya ay ang rason kung bakit namatay ang totoo niyang ina. Tsaka ginamit niya ang mukha ni Mrs. Hermosa para makuha lang niya ang mga kayamanan na para talaga kay Bianca, kaya here I am naglalakas loob para kuhanin muli ang kamay niya dahil wala ng balakid ang pagmamahalan naming dalawa."

"So you means impostor ang ina ni Bianca," sabi ko na ikinatango naman niya sa akin. "---damn! Kaya pala ganun ang trato niya kay Bianca dahil hindi pala siya ang tunay na ina ni Bianca. Gosh bakit hindi ko napansin ang bagay na ito, kung alam ko lang ay matagal ko na siyang inilayo sa impostor niyang ina." Sabi ko ulit habang hindi makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. May galit din namumuo sa dibdib ko kaya hindi ko na mamalayan na naikuyom ko ang aking mga kamao.

"Easy Ms. Castro! Ako na ang bahala tungkol dito. Think about your baby in your womb." Seryosong sabi niya sa akin na ikinangiti ko naman sa kanya bago ako tumayo. Lumalabas na naman kasi ang demonyong ako baka hindi ko makontrol ay mapatumba ko o mapasabog ko pa ang lugar kung na saan man ang impostor na 'yon.

"Ang usapan ay usapan Lion, your so lucky dahil vote ako sayo for my bestfriend and please lang huwag mong biglain ang kaibigan ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, sa pamilya niya." Pag-aasurre ko na sabi sa kanya habang nakatingin sa kanya na may pilit na ngiti sa aking mga labi.

"I will, but I will tell her the truth kung magtataka siya na bakit wala ang ina niya sa tabi niya?!" Seryosong sabi naman niya sa akin na ikinatango ko na lang.

"Anyway kapag may surprise ka sa kanya may surprise din iyon sayo, trust me." Nakangising sabi ko sa kanya na ikinakamot lang naman sa ulo niya.

"What do you mean?" Tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nakatingin sa akin na halatang naguguluhan.

"Nah, bawal sabihin, at ikaw dapat ang makakaalam non, chiao!" Sabi ko sa kanya pero bago ako umalis ay may sinabi siya.

"I know na hindi ka nag-iisang pumunta dito dahil ramdam ko ang presensya nila, pero hindi ko tatanungin sa'yo kung sino ba sila! And I know your not just an ordinary Filipino citizens and your not one of them. Tindig mo palang ay hindi ako naniniwalang isa kang pure na Filipina." Seryosongbsabi niya pero hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin.

Ano kaya ang pinagsasabi ng gagong Lion na ito. Hindi ako nag-iisa, malamang napakarami kayang tao sa paligid namin. Geeezzz napapailing nalang ako habang pumasok ako sa kotseng naghihintay sa akin.

Hayst! sana all may magiging masaya na ang love life ng kaibigan ko. I can't wait na maitali na sila sa isa't isa pero hindi ko man lang malalapitan ang magiging kasal nilang dalawa dahil papanuurin ko lang sila sa malayo.

Napapailing nalang ako habang nakatingin sa labas ng kotse hanggang sa makarating kami sa loob ng mansyon pero napatingin ako sa mga puno na para bang may mga tao doon na nakatago pero hindi ko nalang sila pinansin ang akin lang ay ang mayakap ko si Bianca kahit ngayon lang.

Pagtapak ko palang sa pinto ng mansyon ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na pagsabog na ikinasigaw ko dahil takot ako sa mga pagsabog at pagputok ng mga baril.

"Mama, papa, kuya help me ahhhh no, no, no hindi na ito mauulit pa! No mama, papa, kuya!"












♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎
#Parang may mali. Oo may mali talaga sa sitwasyon ni Blaire Catherine🤦‍♀️🤦‍♀️

#Next Chapter Coming

#Vote/Comment sapat na❤️❤️❤️

Sweet_Angel-27

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora