4:12 Silence

140 12 7
                                    

"Teka hindi ko maintindihan kung anong nangyayari dito? Rose kayo ba ni...? Kuya? Eve? Ano 'to?—Hoy! Magsalita naman kayo! Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari dito eh."

Wala pa ring nagsasalita kaya papakilala na sana ni Lenlen ang isat-isa nang biglang may isang naglakas ng loob na magsalita.

"Hi! Ako nga pala si Rose at ito naman si Qwerty, Boyfriend ko. Classmates kami ni Helena."

Confident akong ipinakilala ni Rose—tama ba ang dinig ko sa sinabi niya??? Boyfriend niya ako??? Bakit niya sinabi yun???

"Ah, classmates ba kayo ng kapatid kong kuripot? Hahaha ako nga pala si Chard. Kuya ako ni Len 3rd Year Section 1 Resolve. Ito naman pala si Eve, girlfriend ko."

ANO!? All this time na inakala kong para kami sa isat' isa ni Aces ay may Boyfriend na pala siya at kapatid pa ni Lenlen! Kailan pa naging sila!? Bakit nangyayari sakin 'to? at bakit hindi ako makapagsalita at makagalaw?

"Kuya? Kayo na ni Eve? Rose? Kayo na ni Qwerty? Bakit parang ang bilis naman ng pangyayari? Nananaginip ba ako? Parang ako naman ata ang mahohospital."

"Papaliwanag ko na lang mamaya." sabay namang sagot ni Rose at ni Chard

"Hay naku ang gulo niyo! Tara na nga kuya... Eve. Sige mauna na kami naghihintay na yung sasakyan sa labas. Kwerts, Rose pakisabi na lang kay Nix na kaya niya yan at ipinagpepray ko na sana gumaling agad si mama niya."

"Okay, sige Len sasabihin ko nalang kay Nix mamaya. Mauna na rin kami ni Kwerts at aasikasuhin pa namin yung papers ni Ms. Rodriguez."

At naglakad na kami ni Rose papunta sa office at naglakad na rin sina Lenlen palabas nang hospital. Sa mga oras na yun ay wala ni isang salitang lumabas sa bibig naming dalawa ni Aces na Eve pala ang pangalan.

Habang naglalakad kami ni Rose ay iniisip ko kung titingin ba sakin si Aces, pero hindi na ako tumingin sa likod ko dahil masyadong mabigat ang nagyari ngayong araw na 'to.

"Kwerts, pasensya ka na ah kung sinabi ko na boyfriend kita. Kasi nang hawakan mo ako sa kamay naramdaman ko na parang naghahanap ka ng tulong. Hindi ko mapaliwanag kung bakit ko nasabi yun kanina. Sorry. Kakausapin ko na lang si Len sa telepono mamaya para magpaliwanag."

Hindi ko alam kung paano ako naintindihan ni Rose kahit na wala akong sinasabi sa kanya tungkol kay Aces, pero ngayong medyo nahimasmasan na ako... Siguro tama ang naging action ni Rose. Feeling ko na gusto niya lang talaga akong protektahan.

"Ako ang dapat magsorry Rose. Kinausap mo pa lang ako kanina sa school, pero wala man lang akong ginawa para maayos ang pakiramdam mo. Tapos ngayon naman e inilusot mo ako sa isang malaking kahihiyan para sakin. Salamat talaga ah..."

"Wala yun! Malakas ka sakin eh! Tara na nga ayusin na natin yung mga papers ni Ma'am."

Pagdating namin sa office ay nadoon na si Xan. Mukhan natagalan kami at nagalala na si Xan sa amin kaya nauna na siya  sa office.

"Uy B! Kwerts! Ba't ang tagal ninyo??? at—bakit kayo magkaholding hands???"

Bigla naming narealize ni Rose na hanggang sa point na yun ay hindi pa rin pala kami bumibitaw sa pagkakahawak namin sa kamay ng isat-isa. Sa gulat namin ay bigla kaming napabitaw at napaatras sa isat isa.

"Hahaha okay lang yan! Kwerts, B... Ang cute niyo kayang tingnan na magkasama..."

"Hoy B mali ang iniisip mo no! Masyado ka talagang malisyoso!"

"Napaka-defensive mo naman! Oo na, oo na. Magpaliwanag ka na lang sa'kin mamaya baka lalong mailang si Kwerts kapag nagpaliwanag ka pa ngayon. Pero honestly Kwerts, bagay talaga kayo."

Sa mga oras na yun ay tahimik lang ako at hindi na ako nagsalita dahil na rin siguro sa mga nangyari mula kanina.

"B kamusta na si Ma'am?"

"Okay lang naman siya, nag-stable na yung lagay niya kaya wala na tayong dapat ikakaba pa. Bago ako pumunta dito ay kinausap kami ni Nix tungkol kay mama niya—mukhang kailangan ni Ma'am nang mahabang pahinga kaya malaki ang possibilidad na magleave siya—sabi ni Nix, sabi daw ng doctor e baka daw mga dalawang buwan o higit pa dahil kailangan daw ni ma'am na ma-clear niya yung emotions niya dahil sa psychosomatic illness niya."

"Paano na tayo niyan Xan? Ibig sabihin mawawalan na tayo ng adviser niyan. Test pa naman natin sa Friday."

"Malalaman natin bukas kung ano ang gagawin ng office sa problema natin Kwerts, pero ang mas importante ay ang gumaling si Ma'am diba?"

"Kung sabagay tama ka nga naman... O siya. Ayusin na natin yung mga papers para masettle na ang lahat at makauwi na tayo."

Pagkatapos maayos ang lahat ay nagsiuwian na kami, pero nagpaiwan pa si Yuwan at Yutu sa hospital para hintayin yung mga kamaganak nila Yuwan.

Si Z ay sinundo ng Papa niya at nakisabay na rin si Xan at Rose. Ako naman ay dumeretso na pauwi dahil napagod ako sa mga nangyari ngayong araw na 'to at wala na akong lakas pa para magisip.

Padating ko sa bahay ay alalang-alala si mama sa akin dahil hindi niya alam kung saan ako pumunta. Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya, pero hindi ko na naidetalye ang lahat. Buti naman at kahit papano ay naintindihan ni mama kaya dumeretso na ako sa kwarto para matulog. Muntik ko pang mabagsakan si Orion na nakahilata sa kama ko dahil bumagsak bigla ang katawan ko na parang lahat ng pagod, stress at lahat pa ng mga negative na pakiramdam ay bigla na lang bumuhos sa katawan ko.

Aces... Rose... Rose...

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now