52

909 65 23
                                    

Tinignan ni Yul si Samantha na ngayon ay natutulog sa kama ng mahimbing.

'Hindi ako pwedeng magkamali.....ang mga matang iyon'

Bumalik sa alala nya ang eksenang nakita nya kanina habang sumisigaw si Samantha sa sakit ay bigla syang huminto kasabay nito ang pagkawala ng itim na aura. Tumayo ang dalaga na parang hindi nasaktan kanina, lalapitan nya na sana ito ng bigla nitong iniangat ang ulo nito at nabato sya sa kinatatayuan ng makita ang dalawang pares ng gintong mga mata. Ngumisi si Samantha sa kanya bago ito mawalan ng malay.

Umiling si Yul bago huminga ng malalim. "Si Master Kiwen.....kinausap nya kaya si Samantha sa isipan nya? Anong pinagusapan nila? Possible kayang pumayag si Master Kiwen na gamitin ni Samantha ang kapangyarihan nya?" Sunod sunod na tanong ni Yul sa sarili ng biglang magsalita si Samantha.

"Parang ganoon na nga" sangayon ni Samantha sa huling sinabi ni Yul. Kumunot ang noo ni Yul bago umiling.

"Impossible yun...." Bulong ni Yul, hindi umimik si Samantha sa binulong ni Yul.

"Tatlong Linggo na ang nakalipas...." Usal ni Samantha bago tumayo sa kama, sinundan lang sya ng tingin ni Yul.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ni Yul pero tinignan lang sya ni Samantha. "Tsk....basta wag mo kong tatawagin kung hindi importante" sabi ni Yul habang winawagayway ang kaliwang kamay, at naglalakad paalis.

Tinignan ni Samantha ang  forehead crown na nasa lamesa nya bago ito hawakan. "Ibabalik kita sa bagong reyna" bulong ni Samantha. Dala ang korona ay naglakad sya palabas ng templo kung nasaan sya.

Suot nya ang mahabang itim roba, at ang puting maskara. "Bibisita muna ako sa kanila. Ayos lang naman yun hindi ba Matilda?" Tanong ni Samantha habang nakatingin sa korona, at ng mapagtanto nyang kinakausap nya ang isang korona na parang isang tao ay natawa na sya sa kanyang sarili.

Nakita ni Samantha ang isang maliit na lawa at lumapit roon, umupo sya at hinawakan ang tubig. "Liquid Magic: Transportation" bulong nya at animo'y nilamon sya ng lawa bago sya maglaho.

"Sana lang hindi nya makaharap si Xer, hindi pa sya handa para makipaglaban" usal ni Yul habang nakatingin sa lawang pinuntahan ni Samantha bago ito mawala.

***

"My Queens! Someone broke the multi-barrier, Its a girl with white mask!" One Witch informed Rowena and Agatha who's having a meeting with elders right now about the upcoming war.

"White mask?" Rowena pondered before her eyes went wide. "Don't harm her! I knew her" Rowena said before looking at Agatha.

"Queen Agatha....I'm very sorry for the inconvenience but I must see her" Rowena excused. Agatha rise her hand shaking her head gracefully.

"Its alright she's your friend, if you must go. Then go and see her" Agatha said calmly. Rowena looked at the elder's, and approvement was seen on their faces, Rowena smiled before bowing to show her respect.

Hawak hawak ang dalawang gilid ng suot nyang puting bestida ay lakad takbo ang ginagawa nya habang papunta sa kwarto kung saan dinala ng tauhan nila si Samantha. Alam nyang si Samantha ito dahil sa sinabi nitong babaeng nakasuot ng puting maskara, at iisang babae lang may kayang hanapin ang mga witches na kagaya nila. Walang iba kung hindi ang babaeng tinuruan ng Lola nya kung paano hanapin ang mga witches.

Pagbukas ng dalawang pinto ay bumungad sa kanya ang isang bulto ng babae na hanggang balikat ang maalon alon nitong kulay kapeng buhok. Lumingon ito at nakita nya agad ang malalim na itim na marka sa ilalim ng mga mata nito. Sa mga kamay ng dalagang nasa harapan ay isang forehead crown na kilalang kilala nya.

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now