46

1K 88 33
                                    

Nilibot nina Aris at Top ang paningin sa napakalinis na eskinitang kinatatayuan nilang tatlo ngayon.

"Talagang napakalinis ng eskinitang ito, di ba Aris? Sa Dandelion kahit saan ako tumingin nagkalat ang basura kung saan saan e" komento ni Top habang tumatango tango sa malinis na kapaligiran.

"Hmm" tanging komento ni Aris habang nakatingin rin sa paligid ng biglang magsalita si Dark. "Makinig kayo, ang buong Salt Kingdom ay nakaalerto dahil sa paglusob ng mga demon at ayan kayong dalawa na halatang halatang di taga rito. Pwede bigyan nyo ko ng pabor at subukan nyo man lang tumahimik hmm? Lalo kana Top. Kanina ka pa" bulong ni Dark sa dalawa.

"At bakit ha? Hindi mo ba alam na pinupuri ko lang ang pamamalakad ng hari nyo. Hindi mo ba alam yun" pagmamataray ni Top ng magsalita si Aris. "Ang ibig lang sabihin ni Dark, Top ay maari tayong mapahamak kapag may ibang Mages ang makarinig sa atin" katwiran ni Aris.

"Alam ko naman yun, di ko lang maiwasan magsalita sa napakalinis na lugar na ito hmp. Hindi pa magpasalamat at pinupuri ko sila." nakacross arm na usal ni Top ng biglang may lalaking kulay pink ang buhok ang sumulpot sa isang eskinita sa kaliwa na nakasuot ng telang mask, kaya hindi nila makita ang mukha nito, ng ngumiti si Dark ng pagkalaki-laki sabay yakap doon sa lalaki.

Nagkatinginan sina Aris at Top dahil sa ginawa ni Dark at naintindihan nila kung sino ang lalaki ng magsalita si Dark.

"SPEAR! Haha buti natanggap mo ang mensahe ko!" Nakangiting sabi ni Dark habang nakayakap sa mas matangkad na lalaki. "Masaya ako at ligtas ka Dark nasaan si Captain? mabuti ay gumagana ang majasta mo?" Sunod sunod na tanong ni Spear habang sinusukang wag yakapin si Dark. Masaya sya at ligtas si Dark, sa lahat ng membro ng guild nila ay si Dark ang pinaka malapit sa kanyang puso, dahil nakikita nya rito ang namayapang kapatid na lalaki.

'SPEAR ang ikaanim na membro ng Seven Swords tinaguriang THE KNIGHT  dahil hindi ito lumalaban sa kalabang walang armas. Isang totoong Knight na may Dangal' usal ni Top sa kanyang isipan bago tumango tango.

Napatingin si Spear sa gawi nina Top at Aris, na kinaatras ni Top dahil sa gulat. Bumitaw si Dark sa pagkakayap kay Spear bago ipakilala ang dalawang kasama.

"Spear. Ito si Aris De Queba anak sya ng heneral ng Dandelion Kingdom at ito naman si Top Skywalker at sa madaling salita.. sya rin si Prince Sky Haiden Walter" pakilala ni Dark, tumango si Spear bago sya magtungo sa harapan ni Top at lumuhod sa harapan nito katulad ng ginawa ni Samantha dati. Hindi naman mawari ni Top ang kabang nararamdaman sa mga oras na ito.

"Ako si Warren Tapia AKA Spear, handang paglingkuran ka kamahalan kahit ang kapalit pa nito ay aking buhay. Kayo ngayon ay nasa pangangalaga na ng SEVEN SWORDS ng Salt Kingdom." Usal ni Warren (Spear) habang nakaluhod.

"Rise" usal ni Top na mababakasan ng pagiging dugong bughaw ang tono, pero sa loob loob nya ay sumisigaw na sya sa kaba at tuwa dahil sa wakas ay nakilala nya ang ikaanim na membro ng Seven Swords na si Spear.

Napangiti si Aris dahil sa nasaksihan 'Kahit ilang beses nyang sabihin na hindi sya karapat dapat na maging hari...ay likas naman itong lumalabas ng hindi nya sinasadya'.

Tumayo si Warren bago nya tignan si Dark na ngayon ay nakatingin rin sa kanya ng may pagtataka. "Nasaan si Captain?" Dahil sa tanong ni Warren ay lalong tumahimik ang tatlo na kinagulat nya, hindi nya alam ang mararamdaman dahil sa reaksyon ng tatlo.

Yumuko si Warren at tahimik na nanalangin sa Goddess na gabayan ang kaluluwa ng kanyang Captain.

"Hindi pa sya patay loko" biglang sabi ni Dark na kinaangat ng ulo ni Warren. "Huh?" Takang usal nya kaya pigil na pigil ang tawa ng tatlo dahil sa reaksyon nya, dahil din sa kanya ay bahagyang nawala ang tensyong namumuo sa dibdib ng tatlo dahil sa nangyaring trahedya sa pinanggalingang kaharian.

The 10th PrincessWhere stories live. Discover now