Lalo siyang ngumisi. “Sa susunod cookies naman.” Sasagot pa sana ako ng may naramdaman na nakakakilabot na bulto sa harapan namin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at doon nakita si Gremory.

Tumikhim ito tila wala sa mood. “Alis.” Ang tipid, tipid ng mga salita pero ang sakit naman.

Napa-iwas ako ng tingin ng walang pakundangan ipinasok ni Gremory iyong lunch box sa basurahan. Nasasaktan ako. Sobra. Mula dito ay kitang-kita kong ang pagsugod ni Cosmos sakanya, nag-aaway silang lahat.

Napahawak ako sa aking dibdib, “grabe Gremory. Pala na ng palala ang mga ibinabalik mo sa akin.

━─━────༺༻────━─━


Iyon pa rin.

Walang laman ang utak ko kundi ang pangyayaring iyon. Nakapalumbaba ako sa arm rest ko habang nakatulala sa nagdi-discuss na si ma'am. Tahimik kaming tatlo, wala rin sa sarili si Feitan buhat ng hindi ko malamang dahilan basta lalo siyang naging weird noong nagtruth or dare kami.

Pagkatapos ng mahabang pananahimik ay ibinuka ko na ang bibig para magsalita. “Syempre iyong taong mahal..” Napalunok silang dalawa. “Ko. Taong mahal ko kahit na paulit-ulit iyong sakit, atleast tinry ko hindi ba? Atleast walang taong naghihintay na mahalin ko pabalik kahit wala namang kasiguraduhan. Ipu-pursue ko iyong taong mahal ko kasi malay natin, baka sa susunod na araw eh makita niya ang halaga ko.”

Umiling si Deiry. “Your thoughts are stupid.” Ikabenteng beses niya ng sinabi iyan. “I told you not Gremory he's so problematic, he has a attitude problem. Gremory is like a walking red flag. Siya iyong pole na sinasabitan ng red flag. ”

“Pero pwede pa siyang magbago,”

“Hindi mo responsibilidad na baguhin siya dahil gusto mo siya. Kung gusto niyang magbago dapat siya mismo ang gumawa ng way. I already told you Dorothy, you're my bestfriend but this–your list to that guy is not healthy. Sooner or later mare-realize mo rin kung saan ako nanggagaling but I do hope hindi pa huli ang lahat.”

Kinagat ko na lamang ang pang ibabang labi kasi nago-overthink na naman ako. Wala sa sariling napatingin sa gawi ni Gremory, napangiwi. Ang dami niyang highlighter at sticky notes. Fan ba siya ng stationary.

Bigla siyang lumingon sa akin, muntik nang mapahiyaw. “What?” Masungit niyang sabi.

Umiling ako, nakanguso. “Wala. Sungit mo.”

“Tss.”

Lumipas ang ilang oras ay para kaming namatayang dalawa ni Feitan. Nagpasuprise quiz kasi si ma'am at ngayon ang che-check na nagkatinginan kaming dalawa. Nakuha sa tingin ang plano.

Kaming dalawa ang magpapalitan tapos bibigyan ng sagot iyong blangko namin.

Iaabot ko na sana ang notebook ng bigla iyong agawin ni Gremory. “M-Magpapalitan kami ni Feitan..” Nauutal kong sabi. “A-Ano ba Gremory na saan na notebook ko..”

Seryoso niya akong sinamaan ng tingin. “Ako ang magche-check ng notebook mo, ipacheck mo kay Rodriguez iyong notebook ko tapos i check mo ang kanya.”

Napakamot batok ako, ayaw ko nga! “Hindi. Alam naman naming honest ka at perfect mo kaya ikaw na ang magcheck ng sayo, kami nalang ni Feitan ang magpapalitan.” Sagot ko.

“Tsk, hard headed. ” Hindi pa rin niya binigay. Bigo kami sa plano natapos ang checking at halos magdasal ako sa scores namin.

Nakapikit ako habang tinatanggap ang notebook. Agad kong binalingan si Feitan na namumutla, “zero no?” Ani ko at bahagyang natawa.

Nagmulat siya, “ilan ka?” Lumunok muna ako bago tinignan ng magkasabay. Bumungad ang napakalaking zero. “Shet, same!” Ungot nito.

Pero ang nakakapagtaka ay nakasulat doon ang mga tamang sagot, may mga definition din ang mga iyon at lectures nakahighlight din iyon. Kaya ba gusto niyang siya ang magcheck ng notebook ko dahil nilalagyan niya ng lectures ng mga dapat pag-aralan? Ganito ba siya magcheck?

“Tsk. Para hindi ka ma zero ulit.”

Partner. Gusto ko siyang kapartner kaya tinodo ko na ang pagiging makapal ko talagang nagvolunteer akong makapartner ni Gremory, dinig na dinig ko na pinagbubulungan ako nila Stacy pero wala akong pake.

“1.2.12.” Bilang ni ma'am, ngiting aso ako habang si Gremory ay nakapoker face. “Sway!” Agad naming iyon sinunod ngunit naapakan ako ni Gremory kaya't nawala kami sa balense.

“Ouch!” Daing ko, natulala dahil naka patong si Gremory sa akin. “A-Anong..” Mas lalo akong namula ng biglang lumapit ang mukha nito sa akin, pumikit ako at ngumuso.

Iki-kiss niya ba ako?

Ramdam ko ang init niya, “are you okay?” Tumaas ang balahibo ko sa bulong niya. “Stop daydreaming.” Anito.

Akala ko, iki-kiss niya ako. Akala ko!

Tumayo na siya at inilahad ang kamay bagay na mas nakakabigla dahil hindi ganito kabait si Gremory, kaysa sa magpabebe ay tinggap ko iyon. Tinulungan niya akong tumayo at tumalikod na, akala ko matatapos na ang araw ko ng puno ng pagtataka at kilig. Pero hindi pa pala.

Dahil may isang dilag ang lumapit kay Gremory at masaya siya nitong inobserbahan. Nagsalita si Gremory, “I want to exchange partners ma'am.” At itinuro si Rufiya.

﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Highlighters

Sitio Series 3: Scheming List  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon