Mula rito sa may pintuan dinig na dinig ko ang sigawan, sinubukan kong tumingin sa may awang at doon nakita ang babaeng may katandaan na nakaangat ang kamay, nanlaki ang mga mata ko ng dumapo iyon sa pisngi ni Deiry. Sinampal niya ito.

“Umuwi pala galing abroad si Tita Daniella.” Ani Feitan, nag-iwas tingin. “Tara gusto mo munang doon tayo sa may likod bahay?” Nag-aalangan akong tumango pero bago pa man makaalis ay natigil sa mga katagang iyon.

“Akala mo may ipagmamalaki ka! Eh, wala ka namang kwentang anak! Wala kang respeto! Wala kang mararating sa buhay! Kapag ako tumanda ‘wag niyo akong ibigay sa batang iyan sigurado araw-araw akong pahihirapan at baka siya pa ang pumatay sa akin! ” Ani ng ginang, natulala ako. Hindi makagalaw, si Deiry ay walang emosyong nakangiti. Natatakot ako, natatakot sa ekspresyong ibinibigay ng kaibigan. “Kung alam ko lang na ganitong anak ang ibibigay sa akin ag ipinalaglag na kita! Malas ka sa buhay! Hindi kagaya nina Denice, mga batang sing edad mo! Puro kalang pasarap! Akala mo ba may kwenta iyang pa medal, medal mo? Maidadala mo ba iyan paglaki? Bastos ka!” At muli nitong inihampas ang metal sa sinturon.

Napaigik si Deiry, hindi ko namalayang umiiyak na ako sa nakikita. Ngayon alam ko na, alam na alam ko na. Nagtataka ako kung bakit ganoon nalamang ang galit ni Deiry sa mga magulang nito, pinilit ko siyang magbago. Kung ano-ano pang mga sinabi at pangaral ko dahil para sa akin ay hindi magandang may galit ito sa mga nagluwal sakanya. Pilit kong iniinvalidate ang feelings, at opinion niya.

Maling-mali ako.

Dahil si Deiry ang nakakaranas, ni minsan sa buhay ko'y ginanito ako ng mga sarili kong magulang. Oo namatay si tatay ng maaga pero noong buhay ito'y lagi niya akong iniispoil, si nanay naman ay lagi akong ipinagtatangol at ni minsan hindi tumama ang mga kamay sa akin. Ibang-iba, hindi porket na hindi mo nararanasan ay dapat mo ng ipilit ang ideal na mindset mo, kasi ni minsan hindi mo naranasan ang pakiramdam.

Naawa ako, nagagalit sa sarili. Natagpuan ko nalamang na yakap ako ni Feitan, pinipigilang makielam. Pero paano si Deiry? Hahayaan na ganituhin?

May dumaang lalaki, sing edad ng ginang. “Feitan, doon muna kayo. Dinidisiplina lang ni Daniella si Deiry. Hindi dapat lumaking palasagot ang batang iyan. Kakauwi lang namin mula sa Japan para magbakasyon pero tignan mo, ” umiling ito habang hawak ang tasa ng kape. “Pinaiiral na naman ang kapangitan ng ugali, malayong-malayo sa mga kapatid niya. Wala akong maasahan diyan kay Deiry. Panganay pa naman.”


Hawak ni Feitan ang kamay ko, mabilis ang lakad niya. Nanginginig tila galit na galit. Naupo kami sa may monoblock dito sa terrace, walang nagsalita. Mga magulang ni Deiry iyon? Hindi ko nilalahat ang mga magulang, minsan may swerte, minsan may malas. Dipende kung paano nila itrato ng tama ang mga anak.

“Noong nagkasakit si Deiry hindi siya pinadalhan ng pera ni tita kasi drama lang daw. Kung hindi pa kinausap ni Lola D,”tumawa ito ng pagak. “Japan. Pangarap ni Deiry makasama sa Japan kasama sila Tita pero hindi eh, hindi raw kaya ng budget. Naroon yung dalawa niyang kapatid pero siya narito pa rin. Kasi raw doon na nanganak si Tita Daniella kina Danillo at Dastan kaya Japanese citizen ang nakasulat sa papeles. Paano si Deiry? Simpleng bagay pero masakit, kapag birthday ni Deiry lagi niyang winiwinish at naghihintay sa may tabi ng gate kasama ang mga maleta niya, hinihintay si Tita. Hanggang sa mag 15th birthday siya, doon sumuko. ”

“Bakit ganoon sila Feitan? Mahal ba nila si Deiry?”

Nagkibit balikat ito. “Siguro? Ewan? Isipin nalang natin iyong laging pangaral ng mga magulang, na mahal nila tayo. ”

“Kapag ako nagka anak hindi ko hahayaang maranasan niya ang ganito.” Ani ko.


Tumango siya. “Mas maganda ng ‘wag mag-anak kung ipapapasan mo ang problema mo sakanya. Huwag nalang siguro mag-anak kung gagawin mo ring punching bag. Words.. Words are like a sharp knife, the cuts won't heal even though you treated them. Kasi iyong mga salitang binitawan mo makakalimutan mo na pero iyong pinagsabihan hindi. Nakatatak na sakanila...”

Lumipas ang ilang oras at lumabas na sa bahay si Deiry, naka band aid ang labi nito at mayroong gasa sa may noo. Agad ko siyang sinalubong ng yakap bagay na ikinatigil niya. “Ayos ka lang Dei?” Tanong ko, umiling siya at malungkot na ngumiti. Hindi ako magaling sa pag advice pero sa pakikinig at pagpaparamdam na may karamay siya magaling ako.

Alam naman ni Tita Karina na narito ako kila Deiry. Turing ko na nga sakanya ay parang nanay na rin, abala rin ito sa kumbento dahil nga madre siya kaya't wala akong dapat ipangamba.

“Can you get me something to eat, Fei?” Bigla niyang sabi. “I'm hungry and my punishment is not to eat.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

“Putangina! Nasaan ba si Lola D? Isusumbong ko sina tita! ” Sigaw ni Feitan. “Ano bang nangyari ah?”

Umiling si Deiry. “Same odds. I was called that they went home then the next thing I knew she was hitting me because I talked back regarding the ‘japan thingy.’ ” Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya. “She was insisting that I was angry on our family because they didn't get me to Japan. Na pilit pa ring sinasabi ni mama na galit at nagrerebelde ako dahil hindi nila ako sinama roon–which is to old. Makasarili, they told me a lot of things that's why I talked back.”

“Shit.”


“Filipino toxic culture mindset is when elders insult you and did things that aren't right, you have no rights to defend yourself, no rights to talk because automatically that's unrespectful.”

Tumunog ulit ang tiyan ni Deiry kaya napipilitang pumasok sa loob si Feitan para kumuha ng pagkain, lumabas din ako para bumili sa tindahan tutal marami akong baon. Pinilit naming libangin si Deiry, paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang mga sugat nito at hinihilot. Hanggang sa naglaro na kami ng truth or dare.

Kasalukuyang umiikot ang bote at tumapat kay Feitan. “Bakit ako?! Ang daya!” Ungot nito.

Ngumisi si Deiry. “Trip niya kalbo.”

Nangunot noo ang lalaki. “Hoy foul!”

Tinaas ko ang aking kamay para magtanong na. “Truth or dare? Kung truth sinong crush mo. Kapag dare sayaw ka budots.”

“Grabe naman sa crush at budots!  Feel ko pinagkakaisahan niyo akong mag best friend!” Reklamo niya.

Sumimangot ako. “Ang common na kaya ng tanong na sinong crush mo sa truth or dare! Ano nga pipiliin mo?”

“He'll choose truth.”

“Pala desisyon ka na naman. Ikaw ba tinuro ng bote Deiry? Ikaw ba ah?”

“Shut up kalbo, sagutin mo na ang tanong.”

Napabuntong hininga siya animo'y tinitimbang kung magsasabi ng totoo o magdadare na lang. “Crush ko starts with letter D.” Tipid niyang sabi. “Oh, ikot na ang bote!” Natapat iyon sa akin. Wala na akong time para tanungin pa siya kung sinong D iyon.
“Kailan mo titigilan si Gremory? Gusto mo ba siya dahil naawa ka o gusto mo ba talaga?” Seryosong sabi ni Feitan.


Ang daming tanong! Sabi isa-isa lang!

“Bakit ganiyan tanong mo Fei?” Ani ko. “Syempre gusto ko siya kasi iyon ang sinasabi ng utak ko,” tumigil si Deiry sa pagbuntong hininga. “Titigilan? Hindi ko alam, desperada, bata palang kerengkeng na. Ayos lang, minsan lang naman ako magkagusto bakit hindi ko pa itodo? Si Gremory simula ng magustuhan ko siya nagka confidence ako ng kuonti. Dati takot akong makita ng mga tao pero ngayon dahil sakanya ayos na. Paunti-unti nakikita ko ang sarili kong masaya kapag nakikit siya.”


“Pero paano. Paano kung gusto ka pala ni Feitan?” Singit ni Deiry.

“What the fuck?!”

Nanlaki ang mata ko, hindi alam ang isasagot. “T-Totoo ba?” Nauutal kong tanong, umiling si Deiry.

“Halimbawa lang. Seryoso niyong dalawa. Halimbawa gusto ka pala niya matagal na. Anong pipiliin mo? Taong mahal ka na hinding-hindi ka sasaktan o taong mahal mo na sinasaktan ka palagi?”


Sa tanong na iyon natigilan ako. Ano nga ba dapat? Puso o isip?

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Class

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now