Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. The last time I saw them, good mood si Unica dahil sa research paper na ginawa ni Chino. Tapos ngayon, parang may atraso si Chino kay Unica? May kinalaman ba ang mga pasa at sugat ng babaeng 'to?

But Chino is perfectly fine. Walang galos o kahit ano. Weird.

Kinuha ni Unica ang phone ni Chino at nag-dial. Tumatawag ata siya. Kumunot ang noo niya at tumingin kay Chino. "Wala kang load? Ano pang saysay ng phone na 'to? Pambato?"

"H-Hin—"

"Number mo nga," Unica said as she handed her phone to him

Nanginginig pa ang kamay ni Chino nang magdial sa iPhone ni Unica. Para siyang ingat na ingat at baka masira niya ang phone sa paghawak o pagtype. Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatingin sa kanila.

"Ang cute niyo," I said.

Kumunot ang noo ni Unica. "Oo, ang cute niya sapakin."

Tumingin sa akin si Chino. Tapos kay Unica. At natawa na lang ako sa itsura ni Chino na gusto niyang umayaw at humindi pero wala siyang magawa. I was enjoying my view when I saw someone very familiar to my eyes.

"Ms. Valentine, bakit may mga pasa ka?"

Lumapit si Sir Marco sa lamesa namin. Nakatingin siya kay Unica. Tumingin sa akin si Unica at ngumiti bago sumagot kay Sir ng 'wala po' pero sumama ang tingin kay Chino. "Si Sinteya ba Sir, hindi mo kukumustahin?"

Pinanliitan ko ng mata si Unica. Lumawak lang ang ngiti niya sa akin. Kita naman kay Chino ang pagtataka. Bago pa ako tumingin kay Sir, tumayo na ako.

"Gotta go," I said.

Hindi ko na hinayaang magkapag-react si Unica o kahit si Sir. Narinig ko pang nagsalita si Sir pero hindi ko na lang pinansin. Nagsimulang tumunog ang cellphone ko. Unica's calling. Pero inignore ko. Nasa labas na ako nang mag-vibrate ang phone ko.


Unica

Anyare?! Na </3 ata si sir sa ginawa mo nalungkot siya pag-alis b3h

To Unica

May nalimutan akong gawin. See you mamaya :)

Unica

Ay ganun ignorezoned tungkol kay sir?


Fck. Napaatras ako dahil sa bumunggo sa akin. Pag-angat ko ng ulo mula sa pagtetext, lalo akong nakaramdam ng inis dahil nakita ko na naman ang ngisi ng lalaking ito. The guy who likes preaching about beauty who doesn't know how to read signs who wolf whistle like it was the first time he saw a girl and the guy who likes having sex in the girl's CR with a sexy collarbone tattoo. Hindi ko na talaga maitatanggi na maganda ang porma niya, simple pero hot. Tight jeans, boots and a loose shirt. Nagpapakita tuloy ang tato niya na feeling ko, sinasadya talaga.

"Wow."

Gusto kong tanggalin ang ngisi niya sa labi pero mas inuna kong tanggalin ang hawak niya sa magkabila kong braso. Doon ko nakita ang pataas na mahabang linyang tato sa braso niyang medyo ma-muscle.

Really, Sin. Nagawa mo pang tingnan ang lalaking 'to?

"Alis nga," sabi ko.

I'm not in a mood for anything dahil nakita ko na naman si Sir Marco. Nalilimutan ko kasing i-stalk si Sir para alamin kung anong mayroon sa babaeng kasama niya na tumawag sakanya ng Coco. At naiinis pa rin ako sa fact na may babaeng tumatawag pala sa kanya ng weird nickname! Coco? Really? Nakakainis talaga!

"Woah, huwag masyadong hot," the guy said. Tumaas ang kilay niya at sinuklay palikod ang hanggang balikat na buhok gamit ang kamay. "Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana, None."

Papanindigan talaga niya ang None? Fine.

Ngumisi ako. "Tadhana, really?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mata niyang kulay brown. "What are you, a twelve year old girl?"

Sumipol siya at ngumisi. Tinulak ko siya para makaalis na nang may humatak sa akin sa braso. Huminga ako nang malalim at ready na suntukin ang collarbone tattoo guy na 'to nang lumingon ako. At nakita ko si Sir Marco. . . na hawak ang braso ko. Nasa gilid 'yung lalaki na umiling at ngumisi bago pumasok sa building.

"Sir, may pupuntahan pa po ako," sabi ko. Hindi nakikipag eye contact.

Akala ko okay na – pero hindi niya ako binitawan. Pwede kong isigaw ang rape para mapahiya si Sir, pero ito ang gusto ko mangyari talaga. Ang habulin niya ako. I want to smile at myself pero hindi pa tapos ang lahat. Kailangan magpakipot.

Tumingin ako sa malalim at itim na mata ni Sir. Gusto ko na lang halikan ang natural niyang mahahabang pilik mata. Seryoso ang mukha niya – malayo sa palangiti niyang aura kaya mas lalong natutuwa ang kabuuan ko. He looks handsome. And hot. And geeky because of his polo and slacks. Ugh. Nakakainis, bakit kasi may ibang babae 'tong professor na 'to, eh?

"Sir, nagmama—"

"Sinteya," his voice, serious. Nagkatitigan kaming dalawa bago siya nagsalita ulit. "Can we talk?"

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Where stories live. Discover now