Kinuha ko ang car keys niya at walang sabi-sabing binuksan ang pinto. No towels. Walang tapis na kahit ano. Just pure naked. I was expecting he'll be drooling or something para mahuli ko na siya and he'll be out of our house but was surprised because of Javier's back facing me.

"Javier," I called him.

"Hm?" Hindi pa rin siya humaharap.

"I have your keys."

"Ah, pwedeng—"

"You can turn around and get your keys," I said. And get out of our house, too.

Nagkamot siya ng gilid ng hinlalaki. He's still not facing me. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa likod. "Can I have my keys?"

Kumunot ang noo ko. Nilalamig na rin ako. "What are you doing?"

"Getting my keys," he said. "Without letting you feel awkward."

"Seriously?"

. . . okay?

Inilagay ko ang susi sa kamay niya. Binulsa niya 'yon. Akala ko haharap na siya sa akin pero nagpasalamat lang siya at nagdiretso sa paglalakad at pababa ng hagdan. As I was shutting the door, I couldn't believe it. Totoo bang si Javier ang lalaking 'yon?

Lalaki ba talaga ang Javier na 'yon? Is he respecting my boundaries na or just acting his part as a supposed to be good fiancé ni Erica?

Kahit pagkarating sa school, namamangha pa rin ako sa nangyari.

Pagtapos ng first class, tinext ko agad si Unica to meet me. ASAP. Naghintay pa ako ng kaunti. Pagkarating ni Unica sa cafeteria, nakatingin halos lahat ng tao sa kanya. Napatitig din ako. She's wearing a long sleeve shirt, maybe to hide some things. Pero hindi maitatago ang pasa at sugat niya sa pisngi. Naupo siya sa tapat ko habang nakatitig pa rin ako. Before I could talk, she a lifted her hand in front of my face.

"Hindi ko kailangan ng sermon," said Unica.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagmasdan ko ang sugat niya sa pisngi at pumutok na labi. She's a mess!

"I just want to ask something," I said, still eyeing her.

"Ano?"

"Gangster ka na?"

Tumawa ako sa sarili kong tanong pero nanatili siyang naka-poker face. Nag-peace sign pa ako kaya ngumisi siya at umirap sa akin. Lumingon-lingon siya sa paligid na tila may hinahanap.

"Nasaan na ba kasi 'yun?" she asked to no one. Kinuha niya ang iPhone niya at nag-scroll. Kumunot ang noo niya at pabagsak na nilapag ang phone sa lamesa. "Peste. Wala pala sa akin 'yung number."

Lalo akong na-curious.

"Don't I have a right or something to know what happened?" I asked.

Bumuntong hininga si Unica. Tumayo siya at kumuha ng pera sa wallet. "Bili muna ako pagkain."

Pagbalik niya, sobrang daming pagkain ang dala niya. I thought she was giving me half of it pero sa kanya pala talaga lahat. When she started eating, she didn't talk. The guy with the geeky glasses went inside the cafeteria.

The guy – whose name is Chino – widened his eyes. Mukhang aalis pa nga siya pero lumingon agad si Unica. Kumunot ang noo niya. Tumigil siya sa pagkain at sumigaw. "Hoy ikaw China, tara dito!"

Mukhang nag-alinlangan pa si Chino pero lumapit din. Hinatak siya ni Unica sa braso paupo. Napangiwi si Chino so maybe, masakit ang pagkakahatak ni Unica. "Akala mo siguro matatakasan mo ako?" Unica said.

Nagpatukso (NagpaSeries #1)Where stories live. Discover now