22 - PREGNANT

760 27 2
                                    

PAGKATAPOS hihatid ni Grey si Rei ay nagpaalam na siyang umuwi na. Pagod na pagod si Rei nang pabagsak na hiniga niya ang katawan niya. Ramdam niya ang pagod sa katawan niya.

Kinabukasan ay bumangon si Rei upang pumasok. Pagkatapos gawin ni Rei ang mga ginagawa niya ay umalis na siya sa condo niya. Pagdating ni Rei sa Company ni Grey ay pumasok na siya.

"Ayos kalang?"

Tanong ni Phoebe sa kaniya nang mapansin niya itong namumutla. .

"Ayos lang ako."

"Sigurado ka? Namumutla ka."

"Ayos lang talaga ako. Kulang ata ang rest ko kahapon."

"Bakit pumasok kapa? Hihatid na kita sa inyo or magpahinga ka sa opisina ni Sir."

Napatingin si Rei sa pinto ni Grey "Huwag na. Busy yun tao ayoko naman siya pakealaman."

Huminga ng malalim si Phoebe "O, sige sabihan mo agad ako kapag may kailangan ka ha?"

Tumango lang si Rei saka uminom si Rei ng gamot dahil nahihilo siya. Nagsimula nang nagtrabaho si Rei hanggang sa abutin siya ng hapon.

Biglang nagtaka si Rei dahil hindi lumalabas sa Grey. Hindi niya pa ito nakikita pero parang gusto na niya makita si Grey sa loob.

Ano kaya ginagawa ng lalakeng yun? Bakit hindi man lang nagawang puntahan ako dito?

Mabilis na tumakbo ang oras ngunit hindi parin napapansin ni Rei na lumabas si Grey. Hindi nakapag tiis si Rei na tumayo dahil miss na miss na niya ang boyfriend niya.

Kumatok siya ngunit walang sumagot. Biglang nag alala si Rei ngunit biglang nagtaka si Rei kung bakit bigla siyang pinangunaan ng kaba sa kalooban niya.

Bakit ganito ang kaba ko? Hindi ko naman naramdaman ang ganitong kaba pero bakit kakaiba ang kaba na ito?

Huminga ng malalim si Rei at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Ngunit nanginginig ang mga kamay niya.

Nanghihina si Rei. Sobra.

Bakit kailangan gawin mo sa akin ito? Bakit kailangan saktan mo ako ng ganito?

Kitang kita ni Rei kung paano hinahalikan ni Grey si Krish. Nakaupo ito sa mga hita ni Grey habang naghahalikan ang dalawa.

Mas lalo pa sana itugon ni Grey ang halik na iyon na maramdaman nila ang presensya ni Rei.

Agad na naghiwalay ang dalawa na makita nila si Grey na pilit na hindi maluha sa harapan. Binalot din ng kaba at takot si Krish dahil sa kung ano man ang nakita nito.

"S-s-sorry kung h-hindi ako k- kumatok l-lalo ..." Namamaos na boses ni Rei "S-sorry sa pag i-istorbo k-ko sa inyo ... P-pwede nyo din n-naman ipagpatuloy."

Agad na umalis si Grey sa kinauupuan niya habang takot, nag alala at kinakabahan.

"Rei ... L-let me explai—"

Agad na sinarado ni Rei ang pinto at mabilis na kinuha ni Rei ang bag niya hanggang sa lumabas siya. Pagkapasok ni Rei sa loob ng kotse niya ay doon bumuhos ang mga luha na pinipigilan niya.

Bakit kailangan saktan mo ako ng ganito?! Bakit?!

Hindi alam ni Rei kung saan siya dadalhin ng kotse niya. Ang alam lang ni Rei ay gusto niyang mapag isa.

Ilang minuto na makarating si Rei sa walang katao-tao. May mga punong kahoy. May mga bulaklak at kakaibang kulay pa. Iba't ibang hugis na mga bulaklak. May dagat at napakahangin pa.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now