10 - SEMI

776 34 0
                                    

Nagising si Rei dahil sa masama ang pakeramdam niya kaya pinilit niyang tumayo kahit nanghihina na siya.

Yawaness! Bakit ngayon pa ako nilagnat?!

Inis na sabi ni Rei sa isip niya at pumunta siya sa banyo para maligo.

Alam ko nakakatanga pero gusto ko lagi akong mabango! Yawa!

Pagkatapos naligo ni Rei ay nagbihis na siya para pumunta sa trabaho niya. Biglang naalala ni Rei ang pagsasagutan nila dalawa ni Grey.

Napapikit si Rei.

Nakakahiya! Paano ako haharap kay Sir Grey nito?! Tapos 'Grey' ko pa siya tinawag hindi 'Sir Grey'! Yawaness ka Rei! Hindi ko man lang nirespeto!

Huminga ng malalim si Rei nang matapos siyang makainom ng gamot. Ramdam niya ang sakit ng ulo niya ngunit mas pinili niyang hindi pansinin dahil lang sa paglasing niya kagabi. Paglabas ni Rei ay bigla siyang nakaamoy ng mabango na luto.

Tumingin siya sa kusina at binalot siya ng kaba na makita niya ang nakatalikod na lalake

Kinuha ni Rei ang walis sa gilid at dahan-dahan siya lumapit sa lalake at hamhampasin na sana ni Rei nang magsalita ang lalake.

"Sit down."

Nanlaki ang mga mata ni Rei "G-grey?"

Lumingon si Grey at natigilan siya na makita ang hawak ni Rei.

"Hahampasin mo ako?"

Mabilis na umiling si Rei at inilapag ang walis "A-anong ginagawa mo dito?"

Binalik ni Grey ang pagluluto niya "Pinapunta ako ni Cyriz dito dahil nalasing ka daw kagabi."

Natigilan si Rei "N-nasaan si C-cyriz?"

Huminga ng malalim si Grey "Well—"

Natigilan si Grey at Rei na nag ring ang phone ni Grey.

"Fuck." Saka inis na sinagot ni Grey iyon "Nagluluto ako Cy." Natigilan si Grey "W-what? ... Fuck! Fine! Pupunta na kami!"

Tumingin si Grey kay Rei.

"Eat bago tayo umalis—"

"Sandali! Ano nangyayari?" Hindi alam ni Rei kung bakit bigla siyang kinabahan

Tinitigan ni Grey si Rei at biglang hinawakan ni Grey noo ni Rei ngunit bigla siyang umiwas.

"Ang init mo."

"A-ayos lang ako sir!"

"Uminom kana ba ng gamot?"

Tumango si Rei "Bago pa lang."

"Ako na magsasabi kela Semi na may sakit ka—"

Namilog ang mata ni Rei "Si Semi?!"

Tumango si Grey "We have a problema pero you can stay here. May sakit ka—"

"Miss kona mga pamangkin ko! Pupunta ako—"

"But you're a sick—"

"Nawawala ang lagnat ko kapag nakita ko yung tatlong pamangkin ko."

"Pero—Shit! Wait!"

Mabilis na lumabas si Rei at hindi niya naramdaman ang init sa katawan niya. Hindi na pumalag si Rei na pinapasok na ni Grey sa kotse si Rei. Mabilis na nakarating sila kela Semi.

"Are you sure you okay?"

Tumango si Rei at ngumiti ng kaunti "Ayos lang ako. Hindi naman ako sakitin eh."

Lumabas na si Rei at pagkapasok ni Rei at nagulat siya sa nakita niya.

"S-semi ..."

"Tangina mo rin noh? Kaya nga hinayaan kona kayo ni Rei dahil sinabi mong hindi mo siya sasaktan!"

"Semi stop." Si Ryx na umaawat na dahil sa galit na sigaw ni Semi.

"Tapos ngayon malalaman ko ang ginawa mo sa kaibigan ko?! Ha?!"

Malakas na sinuntok ni Semi si Kael at kita ni Rei ang mga pasa at dugo sa mga mukha ni Kael.

Napatingin si Cyriz sa kela Rei na nasa tabi ni Cyriz si Rafa.

"Semi stop." Awat ni Ryx.

"Nandito na sila Semi." Si Cyriz

Napatingin si Semi kay Rei ngunit galit parin ang mga mata nito saka bumaling si Semi kay Kael.

"Kaibigan ka ng asawa ko Kael pero wala akong pakealam kung kaibigan ka niya kahit kapatid kapa niya."

"Semi ... I'm sorry..."

"Sorry?" Puno ng sarcastic na tugon ni Semi "Tangina! Kay Rei ka humingi ng tawad hindi saken!"

"Tama nayan Semi." Si Cyriz na pumunta nasa unahan "Tapos kana?"

"Babe relax."

"Paano ka mag rerelax nito?! Eh parehas kayo ng ugali ni Kael!"

"Babe, noon lang yun—"

"Wala akong pakealam sa noon mo! Tangina! Rules nyo ba yan magkaibigan?! Ha?!"

"Babe don't mad at me—"

"Tigilan mo ako sa English mo Ryx! Hindi nakakatuwa!"

"O-okay. I'm sorry, h-hindi mo naiintindihan si Kael—"

"Eh si Rei?! Hindi niya ba iintindi ang mararamdaman ni Rei bago niya patulan ang Xash nayun?!"

"Babe, may reason si Kael kung bakit niya ginawa yun."

Natigilan silang lahat lalo na si Rei. Naguguluhan tuloy si Rei.

Tinitigan ni Semi ang asawa niya "Alam mo ito?"

Natahimik si Ryx.

"Alam mong niloko ni Kael si Rei?"

Mas lalong natahimik si Semi.

"Tangina." Bulong ni Semi "Magkasabwat kayo." Saka napatingin si Semi kay Rafa "At alam mo?"

Natahimik si Rafa.

"Tangina naman. Kaibigan ko ang nasaktan ninyo, kaibigan ko."

"Babe ..."

"Ibang klase. Pare-parehas kayo ng ugali." Saka bumaling si Semi kay Rei "Pumasok ka. We need to talk."

Saka padabog na tinalikuran sila ni Semi.

"Babe!"

"Huwag kang pumasok dahil nag iinit ang ulo ko sa inyo tatlo!"

"Babe!"

"Huwag mo ako ma babe! babe dyan! Galit ako sayo!"

"B-babe—Damn!"

Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Rei dahil sa rinig niya.

"Rei" si Cyriz "Pumasok kana."

Binalot ng kaba at takot si Rei.

"Huwag ka matakot. Kakausapin kalang ni Semi hindi kakainin ng buhay."

Alam ni Rei na gusto lang magpatawa ni Cyriz ngunit hindi niya magawa.

"Rei."

Agad tumango si Rei at tumulo ang mga luha niya. Hindi niya tinapunan ng tingin sila Ryx dahil galit din siya. Pumasok siya sa loob at nakaupo si Semi sa sofa habang nagtatagis ang baga niya.

Semi ...






TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now