6 - HIM

931 33 1
                                    

Pagkatapos ni Rei sa trabaho niya at lumabas na siya sa Company ni Grey. Hindi parin mawala sa kaniya ang sakit ng nararamdaman niya. Lalo na ang pagtratraydor sa kaniya ni Xash.

Habang nag mamaneho si Rei ay napahinto niya agad ang kotse dahil muntik na siya mabangga. Biglang nakilala ni Rei ang familiar na kotse kaya lumabas siya at si Kael.

Hindi maipinta ang mukha ni Kael habang tinitignan niya ang harapan ng kotse niya.

"Damn! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Galit na bulyaw sa kaniya ni Kael

"Ako pa talaga ang may kasalanan?! Eh muntik na ako mabangga!"

"Fuck! My car!"

"Pakealam ko sa kotse mo! Dahil kapag nabangga ako ay ikaw magbabayad ng bill sa akin sa ospital!"

"Sana tinuluyan na kita kung gusto kitang banggain! Fuck!"

"Huwag mong sigawan si Kael, Rei."

Napatingin si Rei sa kotse ni Kael na lumabas roon si Xash. Gustong sambunutan ni Rei si Xash ngunit nagpipigil siya ng galit dahil sa panloloko nila kay Rei.

"Baby, we need to go."

Gustong umiyak ni Rei pero pinipigilan lang niya.

Kaibigan kita pero bakit kinaya mong gawin sa akin ito?

Ngumisi si Xash sa kaniya "Tell me kung naiingit ka sa amin ni Kael, okay? hehe."

Tinago ni Rei ang inis na nararamdaman niya. Lumapit sa kaniya si Xash.

"Xash, let's go."

Hindi nakinig si Xash kay Kael dahil kusang lumapit si Xash sa kaniya at tinarayan niya si Rei.

"Kung iniisip muna magkabalikan kayo ni Kael. Hindi na dahil alam natin dalawa na ako lang naman ang mahal ki Kael. Ikaw?" Tinignan ni Xash si Rei paa hanggang ulo "Maganda ka nga pero saakin nahulog si Kael."

"Malandi ka Xash. Kaibigan kita pero bakit inahas mo sa akin si Kael?!" Hindi napigilan ni Rei na ilabas ang galit at inis.

"Ooops. Baka nakakalimutan mo Rei, kahit kailan hindi kita kinaibigan dahil—"

"Dahil plastic ka!"

"Check! Ayoko pa naman sa mga katulad mong nanghahabol!"

"Psh! Oo nanghabol ako pero hindi ako katulad mona ahas! Malandi! Napaka malandi—"

Malakas na sinampal ni Xash si Rei kaya napahawak si Rei sa pisngi niya. Sobrang namanhid ito sa sakit.

"Xash!" Umawat agad si Kael

"How dare you to say that! You're bitch!!"

Ngumisi si Rei kahit galit na galit na siya "Nagsisi ako na kinaibigan kita Xash. Sobra akong nag sisisi! Dahil wala akong kaibigan na malandi na katulad mo—"

Sinampal na naman ni Xash si Rei kaya mas lalong nanlisik ang mga mata ni Xash.

"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Dahil ako ang mas nauna sayo kesa kay Kael!!"

Natigilan si Rei. Hindi niya inaasahan na marinig niya iyon kay Xash. Napatingin si Rei kay Kael ngunit bigla itong umiwas ng tingin.

Sasampalin pa sana ni Xash si Rei na may nagsalita sa likod ni Rei.

"Kapag dumapi ulit ang mga kamay mo sa pisngi niya, kakaladkarin ko kayo dalawa."

Napalingon sila at nakita ni Rei si Grey na madilim ang mukha. Lumapit si Grey kay Kael at hinawakan ni Grey ang mukha ni Rei.

"Are you okay?"

Hindi sumagot si Rei dahil kanina pa siya nagpipigil na saktan si Xash. Kanina pa niya pinipigilan ang mga luha niya.

"Baby."

Natigilan si Rei.

"Let's go home. I know you're tired."

"S-sino ka?"

Napatingin si Grey kay Kael na nagulat ito.

"I'm her boyfriend."

Nagulat si Rei at biglang hinawakan ni Grey ang kamay ni Rei.

"President CEO Grey Martinez. Rei's boyfriend. And she's my girlfriend. My love , my happiness, my baby, etc."

Nagulat si Kael sa narinig niya at napatingin siya kay Rei. Nakatalikod parin si Rei habang hindi makatingin kela Kael. Hindi alam ni Rei kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ni Grey. Alam niyang nagbibiro ito pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"Let's go."

Hinila ni Grey si Rei pero tumigil agad si Rei.

"A-ang kotse ko."

"Kukunin ni Wade ngayon."

Hindi na pinasalita ni Grey si Rei nang ipasok na niya ito sa sasakyan niya at tinignan ni Grey ng matalim si Kael saka pumasok sa loob si Grey. Mabilis na makarating sila Grey sa Mansion.

"S-sir, sa condo po ako."

"Cut the sir and po and opo. Grey, call me grey."

Tumango si Rei ngunit tumingin siya agad sa bintana habang inaalala niya sila Kael at Xash.

"Dito ka muna sa Mansion ko. Hindi ako mapakali kung mag isa ka lang sa condo mo."

Hindi na nagsalita si Grey kaya pumasok na sila dalawa sa loob at umupo si Rei sa sofa at inabot ni Grey ang malamig na tubig sa kaniya.

"He's your ex? Kael Vallerianz?"

Nagulat man si Rei sa narinig niya sa kabuuan ng pangalan ni Kael ngunit pinigilan niya magtanong.

Tumango si Rei "K-kaibigan nila Ryx."

"I see. Si Xash? Friend?"

Tumango si Rei at hindi niya napigilan na bumuhos ang mga luha niya kaya nakagat niya ang mga labi niya para hindi mapahikbi.

"N-niloko nila ako ... hindi ko inexpect na kaya nilang gawin saken ito."

Hindi nagsalita si Grey dahil hinintay pa niya ang sunod na sabihin ni Rei.

"Kaibigan ko si Xash pero bakit nagawa niyang patulan si Kael? Bakit sinira niya ang pagkakaibigan namin dalawa? Bakit ...."

Napahikbi si Rei.

"H-hindi ko kaya ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ... Sobrang sakit na, sobrang sobra."

"Rei ..."

"Ganito ba ako kawalang kwenta? Hindi paba ako sapat kay Kael?"

Umiling si Grey at tumayo siya at tinabihan niya si Rei at pinahid niya ang mga luha ni Rei.

Fuck! Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa harapan ko!

Sabi ni Grey sa isip niya.

"You're so important person, Rei. Sinayang kani Kael at hindi mo siya deserve para iyakan mo nalang. Tsh! Marami pa naman mga lalake dyan bakit si Kael pa?!"

"B-becaude I love him."

Natigilan si Grey. Hindi niya alam pero parang may tumusok na karayom sa puso niya dahil sa narinig niya kay Rei.

"Mahal na mahal ko siya Grey. Siya ang unang boyfriend ko. Siya ang unang lalakeng minahal ko. Paano ako makakapag move on nito?! Paano ko maiwala ang nararamdaman ko kay Kael?!"






TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now