16 - PHOEBE

760 37 0
                                    


GUSTONG umiyak ni Rei ngunit pinipigilan niya dahil nasa daan siya.

Hindi man lang ako sinundan ng hayop nayun! Walang taste!

Pagdating ni Rei sa condo niya ay doon bumuhos ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

Bakit ba kailangan dumating pa si Krish?! Ayan tuloy! Nawala ang atensyon ni Grey sa akin!!

Hindi mapigilan ni Rei ang hagulgol niya. Nasa loob naman siya ng kwarto niya ngunit wala siyang pakealam kung may makarinig man.

Wala akong laban doon! Sexy yun! Maganda! Mabait! Mayaman! Ako ano?! Mayaman ako! Pero nag tra-trabaho ako! Maganda din naman! Mabait din! Pero hindi ako katulad ni Krish na sikat na model!!

Kinaumagahan ay alam ni Rei na namumugto ang mga mata niya ngunit pinilit niyang pumasok sa trabaho niya.

Kinuha ni Rei ang cp niya at wala parin text si Grey sa kaniya.

Yawaness kang lalake ka! Bakit kailangan ligawan mo pa ako kung ganito kadin naman! Ano ka?! Kael dos?! Lolokohin ako! Yawa!

Pagdating ni Rei ay sinalubong siya ni Phoebe. Napansin ni Phoebe na kagagaling lang sa iyak si Rei.

"Umiyak ka?"

"Sinong hindi maiiyak na magkasama ang mag ex na yun sa iisang bahay? Tapos may nangyare pa sa kanila."

Umawang ang labi ni Phoebe "What do you mean?"

"Psh! Wala ako sa mood ngayon Phoebe. Magtrabaho nalang tayo."

"O-si ... ge ..."

Nilampasan na siya ni Rei at padabog na inilapag ni Rei ang gamit niya sabay umupo.

Huwag kang magpapakita sa akin hayop ka! Kung ayaw mong ipatulfo kita kay Satanas!

Habang nag tra-trabaho si Rei ay nakita na naman niya sila Grey at Krish na magkasama. Nagtama ang mata nila Grey at Rei ngunit iniwas agad ni Rei ang tingin niya.

Pinipigilan ulit ni Rei ang mga luha niya dahil magkahawak ang kamay nila at sobrang higpit pa.

"Rei?"

Umangat ng tingin si Rei kay Krish "May kailangan ho kayo Ma'am?"

"Yes. Can I favor?"

Tumango si Rei ngunit hindi nakangiti.

"If na may pumasok pakisabi. Busy si Grey at may kasama siya sa loob, okay? Thank you." Saka bumaling siya kay Grey "Let's go hon. I'm excited."

Kumuyom ang mga kamao ni Rei sa ibabaw ng lamesa at nagtama ulit ang mata nila ni Grey. Umiwas ulit si Rei.

Hindi ko sinabing papayag ako! Yawaness naman!!

Mga ilang araw na ay kasama parin ni Grey si Krish. Hindi na sila nag uusap ni Grey dahil kay Krish. Lagi narin umiiyak si Rei dahil nasasaktan siya.

"Tahan na Rei .... Shhh ..."

Pagpapatahan ni Phoebe kay Rei habang nasa condo siya ni Rei.

"Bakit ganon? Lagi nalang ako umiiyak. Lagi nalang ako nasasaktan. Ano bang kulang sa akin?"

"Rei ..."

"Laging nasa atensyon ni Grey si Krish. Hindi ko naman masisi na si Krish talaga ang minahal niya. Paano kung may nangyare sila habang magkasama sila? Paano na ako?"

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now