19 - DATING

787 24 2
                                    

Maraming lugar na pinuntahan sila Rei at Grey. Hindi mawala ang mga ngiti sa mga labi nila habang nagtatawanan, kulitan , nag aasaran.

"Grey! Sa octopus tayo!"

Mabilis na umiling si Grey "Huwag tayo doon."

"Ano kaba! Maganda doon promise! Tara na!"

"Sweetheart no—"

"Tara na!"

"I said no."

Natigilan si Rei kaya napatitig siya kay Grey.

"Anong no ka dyan?! Maganda doon!"

Napatingin si Grey sa octupus na yun ngunit kinakabahan siya at natatakot.

"Grey—"

"T-takot ako sumakay." Pag amin nito

Tumawa ng malakas si Rei. Walang pakealam si Rei kung pinagtitinginan siya ng mga tao na nasa paligid niya.

"Grabe! Octopus lang yan! Tapos takot ka?! Hahahahaha!"

"Rei, stop. Sa iba nalang tayo—"

"Ay hindi!" Mabilis na sabi ni Rei saka hinawakan niya ang kamay ni Grey "Nandito naman ako okay?! Trust me!"

"Pero—"

"Walang pero-pero! Hindi naman kita pababayaan mauntog dyan!"

Natigilan si Grey. Bigla siyang napangiti kaya nagpaubaya siya kay Rei hanggang sa makasakay sila.

"Ready?!" Si Rei habang magkahawak ang kamay nila dalawa.

Bumuntong hininga si Grey saka tumango "A little."

"Ayos lang yan! Nandito din naman ako eh!"

Tumango lang si Grey at mga ilang minuto saka dahan-dahan gumalaw ang sasakyan nila. Humigpit ang pagkahawak ni Grey ng kamay ni Rei nang pabilis ng pabilis ang pag ikot ng octupus!

"Wooooooaaaaah!" Si Rei na nasa tabi niya "Ang gaaaaandaaaaaaa!"



"AYOS KALANG?"

Tanong ni Rei nang makababa sila. Napaupo si Grey dahil sa pagkahilo niya.

"Nahihilo lang ako."

"Wait!"

Mabilis na kumuha ng tubig si Rei saka inabot niya iyon kay Grey.

"Uminom ka mona." Tinanggap naman ni Grey "Takot kalang sumakay kase takot kan hindi kapa sanay na sumakay sa octupus, diba?! Pero ayos lang nag enjoy naman ako na kasama ka!"

Ngumiti bigla si Grey sa kaniya "Thank you."

"Thank you saan?"

"Dahil masaya kang kasama ako. You know na kung gaano ako kasaya ngayon na kasama kita. Hindi mo ako pinabayaan kahit sukong suko na ako pero nandito ka sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naging lakas ng kalooban ko."

"Ay ..." Napahawak si Rei sa puso niya "May pa ganyan-ganyan kapa! Eh hindi pa handa ang puso ko! Mananagot ka talaga kela Mommy kapag nagka heart attack ako dito!"

Biro ni Rei at sabay sila natawa. Ngumiti si Grey at hinalikan niya si Rei.

Sobrang saya ni Rei na ganito silang dalawa. Walang katumbas ang saya sa kalooban niya na kasama si Grey.

"Damn sweetheart."

"Nahihilo kapa?"

Umiling si Grey "Mahalikan at mayakap lang kita. Ikaw na ang lakas ko."

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now