2 - BARB

1.2K 44 3
                                    

"Bakit hindi sumama sila Tita sayo pumunta dito sa Pinas?"

Tanong ni Semi kay Rei habang magkatabi sila. Nasa harapan niya si Kael , Rafa at Ryx habang nasa tabi ni Ryx ay ang anak nila ni Semi na bunsong babae na si Aceia.

"You know naman sila Mommy, busy sa trabaho lagi."

"Sabagay. So ... Sa condo mo parin?"

Tumango si Rei "Syempre! Loyal ako sa condo ko!"

"Tss!"

"Rei," si Rafa "Magtratrabaho kaba?"

Tumango si Rei "Namiss ko ang Pilipinas kaya magtratrabaho ako ulit dito sa Pinas."

"Saan ka magtratrabaho?"

Natigilan si Rei na magtanong sa kaniya si Kael. Nakangiti si Kael ngunit hindi sinuklian ni Rei.

"Babalik ako kay Sir Grey."

"Tamang tama." Si Semi "Naghahanap ng bagong sekretarya si Grey. Siguradong kukunin ka niya agad."

"Ako pa! Dating sekretarya niya kaya ako!"

"Tss. Alam ko."

"Psh!" Umayos si Rei "Sandali! Nasaan sila Hearty, Cyriz at Raki?! Si Yhanna din?!"

"Dahil sa sobrang kabisihan mo sa mga hinaharot mo sa Italy! Wala ka ng update sa kanila!"

Ngumuso si Rei "Semi naman!!"

"Bakit? Totoo naman, akala mo hindi sinasabi sa akin ni Tita ang tungkol kay Khiel?"

Natigilan si Rei. Si Khiel ang dating manliligaw niya ngunit hindi niya ito sinagot. Mabait naman si Khiel ngunit walang nararamdaman si Rei sa kaniya.

"See? Ang rupok mo."

"Yawaness! Mukha ko bang hinarot ang kalaking yun?!"

"Bakit hindi ba totoo?"

"Hindi! Yawa ka! As in yawa ka!"

"Tss. Bagay naman kayo ni Khiel."

Namilog ang mata ni Rei "B-bagay?! Yawaness kaba ha?!"

"Oh bakit? Naging crush mo rin naman si Khiel."

"Dati yun! Yawaness ka! Kahit naging crush ko yun hindi ko hinarot yun! Gaga!"

"Tss. Ikaw na. Panalo kana. Back to our topic, si Hearty ay nasa America kasama si Lucas."

"What?! S-sandali! May relasyon ba ang dalawa nayan?!"

"Malay ko ba, hindi kona pinapakealaman ang dalawa nayun."

"Eh si Cyriz?! Nasa Barb parin siya?!"

Tumango si Semi "Hindi yun mawawala sa Barb. Loyal ang babae na yun."

Nakilala niya sila Hearty at Cyriz nang dahil kay Semi. Si Hearty madaldal na katulad nila Rei at Raki. Si Cyriz ay same vibes sila ni Semi.

"Si Yhanna?!"

"Nasa Singapore , nandoon sa pamilya ni Ali."



PAGKATAPOS magpaalam ni Rei kela Semi nang kinagabihan ay dumeretso si Rei sa Barb.

Doon pa nakahinga si Rei dahil kay Kael. Napahinto ni Rei ang kotse na bigay sa kaniya ni Semi nang may humarang sa harapan ni Rei. Muntik na siya madisgrasya kaya mabilis siya lumabas at tinignan kung sino ang may balak na bumangga sa kaniya.

Nagulat siya na makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan.

"Dahan-dahan sa pag mamaneho Rei. Kakabalik mo pa lang dito sa Pilipinas."

"I-ikaw ang humarang sa harapan ko. Kung mabangga man kita edi sana tinuluyan na kita!" Inis na sabi ni Rei kay Kael.

Suminghal si Kael at sa kaniya at nginisihan niya si Rei. Yung ngisi niya na nakaka asar.

"Alam ko naman na hindi kapa nakapag move on sa akin. Alam mong mahal mo pa ako kaya ka bumalik dito sa Pilipinas para lang makita ako. Alam natin dalawa na namimiss mo ako kaya ka nandito."

Nainis si Rei "Y-yabang! Ikaw mamimiss ko?! Ang alin?! Ang panloloko mo saken?! Dzuh! Kahit kailan nagsisi ako na minahal kita Kael!"

Ngumisi si Kael sa kaniya at lumapit ito kay Rei at tinignan sa mata.

"Ang tanga mo lang kase. Nanghahabol kapa at pinagsisikan mo ang sarili mo sa akin kahit hindi naman kita minahal."

Natigilan si Rei.

Ngayon ns nalinawan ako. Bakit kailangan sabihin mo pa sa harapan ko ito?

Ngumiti si Kael sa kaniya "You are useless. I'll never like you. Never." May diin sa mga sinabi nito.

Hindi parin makapag salita si Rei sa kaniya. Mas lalong ngumisi si Kael sa kaniya at tinalikuran siya ni Kael.

Naiwan tulala si Rei sa kinatatayuan niya habang paulit ulit chumechempo sa utak niya ang mga sinabi ni Kael sa kaniya.

Bakit sobrang sakit? Bakit? Bakit kailangan mapag daanan ko ito? Bakit sobrang hirap kalimutan ang lahat ng sakit?

Pagdating ni Rei sa bar ay uminom siya ng alak. Gusto niyang mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Kael sa kaniya kahit hindi naman ito mawala.

Tumingin si Rei sa dance floor at hindi niya napigilan tumulo ang mga luha niya na kanina niya pa pinipigilan.

Sa daming dami ng lalake na pwedeng magsabi sa akin ng napaka useless ko ay bakit ikaw pa? Bakit na ikaw pa na mahal ko? Bakit hanggang ngayon ay mahal parin kita? Paano ko ba maiwala ito?

Habang umiinom si Rei ay naramdaman niyang may tumabi sa kaniya.

"Ngayon lang ulit kita nakitang umiyak."

Nagulat man si Rei sa pagdating ni Cyriz ngunit mas lalo pa siya nagulat sa sinabi nito.

"C-cyriz ..."

"Hindi mo deserve ang kalaking iyon Rei. Alam kong minahal mo siya pero huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit minahal mo siya." Mas lalong sumeryoso si Cyriz sa kaniya "Hindi mo malalabanan ang puso mo Rei."

"P-paano mo nalaman?"

Sumandal si Cyriz at nagpakrus ng hita saka deretso siya tumingin kay Rei.

"Hindi ako nangengealam pero nakita kitang umiyak sa kasal ni Semi. Hindi ako tsismosa pero kusang narinig ng mga tainga ko ang sinabi mo sa kabilang linya kay Kael. Nagsinungaling ka kay Semi sa mga araw na yun."

Napayuko si Rei at hindi niya napigilan tumulo ang mga luha niya.

"Hindi mo deserve na iyakan si Kael, Rei."

"P-pero mahal ko siya ... sobra."






TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now