Masuyo itong ngumiti para siyang child star. “10..” Kung ganoon ay mas matanda ako sakanya. “Ikaw?”

Ngumuso ako, para kasing gurang na ako ngayon. “Thirteen..” Yung tawa niya kakaiba, mahinhin na para bang sa batang edad nito'y nasubukan niya ng mag etiquette class. Sana all. “Hinihintay ko rin yung tita ko.. Mukhang magkakilala ata sila.”

Lumipas ang oras ay magana kaming nagkwentuhan kung saan-saan na napunta ang usapan. Napag alaman kong bunso ito sa apat na magkakapatid, mayroon itong apat na kuya. Quon Isiah ata ang panganay at may triplets din itong kuya na ubod daw ng kalokohan.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya habang ikinukwento ang pamilya ito, magmula sa nanay at tatay nito. Nakwento niya ring hilig niyang magdala ng holy water para araw-araw basbas ang kuya niyang sina Vann, Venn at Vinn––iyong triplets.

May kung ano sa akin ang hindi ko maiwasang ikumpara sakanya, ang swerte nilang lahat. Ganoon ba kaayaw sa akin ng tadhana dahil parang lahat ng malas ay sinalo ko? Napailing ako ng marahas.

Hindi sa ganoon, oo hindi ako mayaman kagaya ng iba, hindi ako gusto ng mga kaklase at ng mga tao pero may mga kaibigan naman ako.. Kaibigan na maasahan.

“Quiovanna, ” tawag ng isang boses napa-angat ang tingin namin sa tumawag kasama nito si Tita Karina. “Kailangan na nating umuwi, gigisahin ako ng nanay mo at galit pa naman sa akin iyon dahil mas madalas ka pang sumama sa akin kaysa sakanya..” Anito.

Sumimangot si Vanna. “Because you're a nun tita Haillee. I want to be a nun..”

Kumamot batok ang babae, sopistikada ang dating nito. Mukhang model. “Kaya nga inis siya sa akin eh, tignan mo si ninang Clara mo mas close sila ni Ingrid kasi nga minumura nila akong dalawa.” Napangiwi ito. “Ang dalawang bruhang iyon porket nagka anak at asawa sumama lalo ang ugali! Mga mahaharot since highschool kami!”

“Tita Haillee  my said that you're the maharot, the ultimate one. Nagka crush ka pa nga raw kay Uncle papa Luther..” Inosente nitong sabi na nakapagpalaki ng simangot ng tita nito.

Sapo-sapo nito ang ulo na para bang drained na drained sa usapan nila. “Huwag kang makinig sa mama mo at tita Clara, as if naman aagawin ko iyon si Qion e mas maingay pa iyon sa parrot at pusang naglalampungan sa bubong kapag madaling araw! At iyong papa mo? Si Quiovanni, huwag nalang! Ginayuma lang iyon ng mama mo,” asik nito.

Nalipat ang atesyon ko kay Tita Karina na masuyong nakangiti sa akin. “Sa bahay ka na titira.. Pero pasensya na anak kung maliit at kubo lang ang bahay ko ah? Mag-isa lang kasi ako at laging nasa kumbento kaya't hindi na nasagi sa isip ko na magpagawa ng magarbo..”

Bahay.. Ibig sabihin ay aampunin ako ni Tita Karina, sakanya na ako titira at hindi na kina tita Mercedes. Ayaw ko mang aminin pero may parte sa aking masaya dahil sa wakas ay malalayo na ako kina Tita at sa mga anak nito.

Hinawakan ko ang kamay nito. “Ayos lang po tita, pangako magtatrabaho ako..” Umiling ito. Sumenyas si tita na magpapaalam na kami kina Vanna. “Uh.. Vanna..”

Lumingon ito sa amin naka akay na rin sa tita nito. “Will we see each other soon?”

Magkikita pa ba kami? Hindi ko alam, wala akong idea. Taga Maynila ito malayong-malayo sa sitio namin. “Hindi ko alam..” Nagulat nalamang ako ng bigla niya akong yakapin.. “Vanna..” Para akong bulateng nilagyan ng asin, mahina namang napatawa ang tita nito.

“Don't mind her iha, ” saad nito sa akin. “Kahit na nagmana iyan kay Quiovanni may genes pa rin ni Ingrid kaya ganiyan. She means Vanna won't forget you and will look after you again..” Dagdag nito, umalis na si Vanna sa pagkakayakap sa akin at kumaway na papaalis.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now