Chapter 60: Hate vs Love?

Start from the beginning
                                    

"Matanong ko lang. Diba asawa mo yan? Bakit nagbabar siya habang nandito ka? Hindi ba dapat magkasama kayo?" tanong niya naman sa akin na may halong pagaalala.

"Ah. O-oo. N-nagpaalam naman siya sa-sakin e. Pero hindi ko pa siya asawa.." nahihirapan kong sagot. Para kasing may nakabarang bato nanaman sa lalamunan ko e.

"Ganun? O sige maiwan na kita ha." nagpaalam na agad siya sakin saka pumasok ng bahay nila.

Hindi naman maipinta ang mukha ko. Mukhang kanina or kagabi ito ah. Umalis kasi siya nung isang araw dahil may gagawin daw sila ng mga kuya ko kaya naman pumayag ako dahil malaki na ang tiwala ko sa kanya. Tapos eto? Eto yung ginagawa NILA ng mga kuya ko? Imposible naman na pabayaan nila si Daylan na isayaw kung sino sinong babae riyan dahil alam ko at hindi ako magkakamali na mahal nila ako.

Napailing na lang ako dahil kung kailan matagal na kami saka naman siya magloloko. NapakaAnimal niya. Manloloko siya hayop siya.

Nagbihis muna ako bago umalis para puntahan kung saan man itong bar na ito. Malilintekan talaga sakin iyang punyetang Daylan na yan sakin.

Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong ko dahil sa sobrang galit, nakakainis at nakakainit ng ulo na naghintay ako sa kanya halos inantok na ako, at ayun nga nakatulog ako dahil sa paghihintay sa kanya. Hanggang sa pagtulog ko kagabi wala siya sa tabi ko, hanggang sa nalaman kong umuwi pala siya saglit at umalis ng madaling araw pinagluto niya naman ako ng almusal.

Sumakay ako sa kotse ko, yes meron na ko hindi na sila takot na magdrive ako sa kalsada, at pinaharurot ito sa isang bar na malapit lang dito.
Tinanong ko sa isang bouncer dun kung nakita ba nila si Daylan ipinakita ko sa kanila yung picture na binigay sakin ni Gail.

"Ay opo, para nga pong ibon yan na nakawala sa hawla niya na nagsasayaw po dito yan kagabi. Lasing na lasing din po iyan kagabi kung kani-kanino po nakikiinom kaya po maraming nagalit po dyan. Nakipagaway pa po yan kaya po panay awat kami dyan kagabi. Kinuha po siya ng kasama niya e, umalis na po sila kagabi." sagot naman ng guard sa akin.

"Sige po salamat." ngumiti ako sa guard at saka pumunta sa mansion namin siguro ay nandun sila.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela sa sobrang inis ko. "Ano bang pumasok sa isip ng lalaking iyon." sumikip bigla na lang ang dibdib ko.

"Bakit ba ako naiyak," pinunasan ko ang luhang kusang dumaloy sa mga mata ko. I felt betrayed. Feeling ko hindi na ako mahal ni Daylan kaya niya nagagawa sa akin ito. Para bang napipilitan lang siya sa akin dahil alam niyang mahal na mahal ko siya at nang makawala na siya sa akin ay dun niya lang naramdaman ang saya. Ang bigat bigat tuloy ng dibdib ko habang papunta sa mansion namin. I need explaination especially with Daylan. Hindi naman ako mapilit na tao, kung ayaw niya naman sa akin at nasasakal lang siya, I am willing to let him go and enjoy his entire life! I trust him because of my love for him not because my mother want him for me.

Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng nagngingiting si Mama na parang ang saya saya niya ngayong araw na kabaliktaran ng nararamdaman ko.

"Mae! Welcome back! Alam mo ba---" tumakbo pa si kuya Clint para takpan ang bibig ni Mama at hinila ito somewhere I don't know.

Pumunta ako sa kwarto ni kuya Adam. "Kuya!"

Lumingon siya sakin at ngumiti. "Oh? Mae. Kamusta na?" bati niya sakin.

"Good. Kasama mo ba si Daylan magbar?" seryoso kong sabi. Tumabi ako sa kanya sumilip ako sa laptop niya at nakakagulat na hindi porn ang nasa screen ng laptop niya. Naglalaro siya ng online game. "Wow ha. Hindi na porn ang naaabutan ko. Improving na. Ano ba yang larong yan?"

Ngumiti siya sakin."Wag na baka maglaro ka rin." tumawa siya.

Ngumuso ako at tinignan ulit yung laro niya ang laki naman ng level niya 260 na.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now