"Ma. Uwi na tayo. Gabi na e. Magaalala sila Kuya." sabi ko. Sinusundan ko lang siya na pagala gala sa loob ng bookstore, binabasa niya muna ang likod ng libro saka ilalagay sa cart kung nagustuhan niya.

"Hindi yan.." baliwalang sabi niya. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko at cellphone ni Mama kaya nagkatingan kami. "Huwag muna natin sila pansinin sa ngayon. Kailangan natin ng girl's time. Hahaha!"

"Pauso mo ma e. Ayaw mo lang kasi umuwi."

Tumingin ulit siya ng iba't ibang libro. Ako naman sunod sunod lang sa kanya. At saka ko lang naalala na may magtuturo nga pala sakin.

"Ma, kelan ako tuturuan ng sinasabi mong tutor ko? Sure kang hindi ako mabobo riyan ah?"

"Haha. Oo naman. Matalino itong tutor mong ito. Medyo matanda ng konti sayo pero alam mo bang grade 3 ka pa lang graduate na siya ng College? Ang talino diba??" ngiting ngiti si Mama.

"Ilang taon na ba yan Ma?" tanong ko. Baka naman kasi kaya graduate na siya ng college nung grade 3 pa lang ako ay matanda na siya ngayon. Pero ang sabi ni Mama konti lang daw ang tanda sa akin?

"Hmm. Sabi niya sakin 21 na siya e. O diba konti lang difference?" para bang hindi siya nagugulat sa sinabi niya.

"Ibig sabihin nung grade 3 palang ako, tapos na siya ng college?! Napakaimposible naman nun Ma!" nagugulat kong sabi. Imagine 3 years lang ang gap namin sa isa't isa pero alam niya na yung Calculus! Ako nga nung grade 3 palang e hindi ko soolo yung multiplication table!

"Oo. Sa harvard university din yun nagaral. Marami nga daw nagwowalk out dahil sa angkin niyang talino. Ilang beses daw yun na-accelerate e. Sobrang talino raw kasi kahit daw matulog na lang sa klase makakasagot pa rin e. Marami nga raw nagtangkang pumatay dyan dahil sa inggit sa kanya pero isang tingin lang daw sa mata niya takot na ang lahat." kwento ni Mama.

Nacucurious na tuloy ako sa kanya. Ano kayang itsura niya? Mukha kayang sindikato kaya takot ang marami? Saka ano ang meron sa mga mata niya at natatakot sila? Mahirap kaya siyang magturo? Matalino kasi e. Feeling ko mahirap magturo kasi marami siyang alam na wala pa sa utak ko. Huhu. Ngayon palang natatakot at kinakabahan na ako. Baka mamaya simpleng question hindi ko pa masagot, nakabababa ng self confidence.

Umalis na rin kami kaagad ng maubos namin ang aming kinakain. Binuksan ko na ang power ng cellphone ko at ganun din ang ginawa ni Mama bago kami pumasok sa kotse at pinaandar na ni Mama.

Sangkatutak na message at missed calls ang agad kong nakita pagkabukas ko pa lang ng cellphone ko. Ganun din ang kay Mama. Kakabukas ko pa lang ng cellphone ko ay tumunog kaagad ito.

Kuya Blaze calling...

Sinagot ko agad ito dahil alam ko namang nagalala na sila.

"Hello kuya? Ayos lang po kami wag na po kayo magalala." agad kong sabi. Inunahan ko na siya sa kung ano pang sasabihin niya dahil baka magdugo ang ilong ko kakasermon niya.

"No. We're okay with that. We understand."

"Ha? E bakit tinambakan niyo ng message at calls itong phone ko at phone ni Mama?" takang tanong ko.

Kung trip lang pala nilang magpaload ng sandamukal ay pagbabatukan ko sila isa isa. Hindi purkit na may pera na ulit kami ay gagastos na agad sila ng gagastos.

"He's back and he won't leave unless you're here Mae. So I want you to take your time enjoying your 'girls bonding'."

Talagang siya lang may gusto e. Saka naririnig ko rin ang ingay sa phone. Anong nangyayari sa bahay?

"Bakit maingay ata dyan sa bahay kuya? Anong meron?" narinig kong nagbukas at sara ang pintuan. Siguro pumasok siya sa kwarto niya dahil soundproof yun kaya hindi rinig ang kahit anong ingay na nagmumula sa labas.

"Nothing. Just don't come home yet. I'll just make him leave then you may go home."

Magsasalita pa lang sana ako para itanong kung bakit pero agad na niyang ibinaba ang tawag.
Ngayon lang ako binabaan ng tawag ni kuya Blaze na hindi man lang naririnig ang pamamaalam ko.

"Oh. Ano daw ang sabi?" usisa naman ni Mama.

"Sabi ni kuya Blaze wag daw muna tayo umuwi. Andun na daw kasi siya." nakanguso kong sabi. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy ni kuya Blaze hindi ko lang talaga masabi.

"Huh? Sinong siya? May babae ba ang tatay mo?!" histerikal niyang sabi.

Nataranta naman ako dahil napahigpit ang hawak niya sa manibela at anytime baka iliko niya yun ng di sinasadya dahil sa galit niya.

"Hindi ma! Kahit kailan hindi siya magkakaroon ng ibang babae, si Daylan yung tinutukoy ko!" ayan nabigka tuloy ako. Napaiwas na lang ako ng tingin, si mama naman ngingisi ngisi na lang sakin at tinitignan ako na parang inaasar ako. Aka naman naasar tingin niya pa lang. Kainis lalo na yan kapag nangasar na talaga.

Kagat kagat niya ang labi niya, feeling ko nagpipigil siya ng tawa o tili. Kinikilig pa ang nanay ko feeling teenager pa siya.

Ramdam kong lalo niya pangpinabilis ang pagtakbo ng kotse. Ayaw niya talagang sumunod kay kuya Blaze, mabuti na lang at hindi traffic kung hindi baka nabangga na kami sa sobrang bilis ng patakbo ni Mama.

Maya maya lang ay nasa tapat ng bahay na pala kami. Agad agad akong hinila ni Mama papasok ng bahay, hindi rin matanggal ang ngiti niya sa kanyang mga labi.

Pagkabukas niya ng pintuan ay sumigaw na kaagad siya.

"Helloo darlingss~! Oh! Daylan nandito ka pala?" itinaas niya pa ang isa niyang kilay na parang wala siyang alam na nandito si Daylan. Eh kakasabi ko pa lang sa kanya.

"Ah. Opo. Pasensya na po sa istorbo." magalang na sabi ni Daylan. Halatang pagod pa siya at kagagaling lang ng airport dahil nasa gilid pa niya ang bag niya.

"Ma. Aalis na po ako. Naghihintay na sila Aqua." pagpapaalam ni kuya Clint. Nasa likod niya pa ang kanyang gitara. Tumingin siya sakin. "Hindi ka na ba sasama Mae?" tanong niya sakin.

Umiling lang ako at ngumiti na si kuya Clint sakin. "Okay. Salamat Princess. Bye." saka ako hinalikan si aking pisngi.

Ang awkward na ng atmosphere dahil wala ni isang nagsasalita sa amin. Pati si Mama ay tahimik na nakangiti lang.
Ako na ang unang nagsalita. "Uh. Daylan--!"

"Sorry." sabi niya. Wala akong masabi kaya nanahimik muna ako. "Can I talk to you for awhile?" tumingin muna ako kila Papa para hingin ang opinyon nila. Tumango lang sila pwera lang kay kuya Blaze na nanlilisik ang mga mata kay Daylan.

"And now have that guts after what you did? You did left her, you bastard." mahina pero may diin na sabi ni kuya Blaze.

"Sorry po. Ginawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko. I returned here as early as I could. And I know its my fault." paghingi ng tawad ni Daylan habang nakayuko. Tinitigan lang siya ni kuya Blaze. Habang sila kuya Adam at Papa naman ay sinisiko siko si kuya Blaze na seryoso lang ang tingin kay Daylan.

"Hoy Blazeky. Patawarin mo na oh. Wala ngang kasalanan sayo yan e pero nagsosorry sayo." sabi ni Mama.

"Tsk." huling sabi ni kuya Blaze saka umakyat na sa kwarto niya.

"Hayaan mo siya Daylan. Ganon lang talaga siya tumanggap ng sorry." sabi ni Mama.

Tumango na lang si Daylan saka ngumiti. "Naiintindihan ko naman po. Alam kong ayaw pa rin niya sa amin."

"Kelangan niyo na bang umalis para makapagusap? Libreng libre ang pinto oh. Nakabukas na nahiya naman kasi ako haha!" tawa ni Mama. Halatang masaya na siya hindi tulad kanina na malungkot siya at pilit ang mga tawa.

Napanguso naman ako at nagiwas ng tingin. Ano.bang dapat kong sabihin?

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now