O73

622 15 3
                                    

AUREEN'S POV
NARRATION OO4

Nagpigil ako ng tawa nang ipakita sa akin ni Ate Aurie 'yung sinend ni Kuya Troy. Baka mabisto pa ako. Sayang naman ang plano!

Nakalagay doon sa may picture na sinend ni Kuya Troy kay Ate ay "I've been wanting to ask you this but I can't find the right timing. And now, I admit I don't know if this is the right time but I'll take the risk anyways. That's how much I desire you."

Ganda na sana kaso nag-cringe ako sa I desire you. Ampotchi. Why naman gan'on, Kuya Troy?

"Wait--Parang kilala ko kung sino," sabi ni Ate.

Pakiramdam ko talaga alam na niya, e. Hirap kasing lokohin ni Ate. Lahat na lang ata napapansin niya kaya ang hirap niya i-surprise. Hirap din takasan kapag gusto kong gumala. Hehe.

Ay, ba't ba hindi pa lumalabas si Kuya Troy? Naihi na ata sa saluwal sa  sobrang kaba. Hindi na nag-reply sa mga chats ko, e.

"Oy, ate, i-accept mo! May sine-send pa oh," sabi ko nang makita ko na may in-airdrop na naman si Kuya Troy kay Ate.

Taba ng utak ni Kuya Troy para gamitin 'yung airdrop talaga. Parang galawang duwag lang, e.

Nac-cute-an nga ako kasi never ko pa naisip na through airdrop mag-confess sa taong nagugustuhan ko. Unique, ah. May ik-kwento na ako sa future pamangkin ko kapag kinasal sila!

Lumapit pa ako kay Ate para makita yung kaka-send lang na picture.

"There's a letter on the counter. Read it first," pagbasa ko sa nakasulat. Parehas kaming napatingin ni Ate sa counter na nasa harap namin.

Hinila ko si Ate papunta doon dahil parang walang balak maglakad. Kinuha ko 'yung letter na nakalagay sa may cute na small envelope.

Grabe! Ang effort ah!

'Oops. Just kidding. Read the letter later. For sure, Aureen is gonna snoop around.' It's for AURELIA'S eyes only :).'

'Yun yung nakasulat sa unang papel na nakalagay sa envelope.

Epal ka talaga, Kuya Troy! Alam na alam mo galawan ko, ah.

"Sa akin lang daw," pang-iinis ni Ate dahil nakita na napakunot ang noo ko. Tinawanan niya ako sabay kuha sa kamay ko nung letter.

Sus. Edi magsama kayo!

Nasaan na ba 'yung duwag na 'yon? Ba't ayaw pa lumabas? Nagugutom na ako.

"Hi,"

Mabilis kami lumingon ni Ate sa kung saan nagmula 'yung boses. Napakunot ang noo ko nang ma-realized namin na hindi pala si Kuya Troy 'yon.

"Hello, Titus."  bati ni Ate.

Gago, ang gwapo! Para siyang anime character. Pero teka, bakit kilala ni Ate 'to? Dami naman atang boylet ng ate ko. Hindi man lang nagsasabi!

"Makikidaan lang ako. Sorry, nasira ko ata surprise," sabi nung Titus.

"Nasa loob ba si Troy?" tanong ni Ate. Alam na agad, jusko. Sirang sira na kinabukasan ni Kuya Troy. Ito namang si Ate 'di man lang magkunwari na hindi niya alam. Hay nako.

"Oo--Ay, wala!" nagpigil ng tawa si Ate nang madulas ang dila nitong si Kuya Titus. Pasmado din pala 'to, e.

"Sige, thank you! Daan ka na," sabi ni Ate. Nagpaalam si Kuya Titus sa kaniya. May emergency daw kasi kaya aalis na siya.

Sinundan ko ng tingin si Kuya Titus hanggang sa makasakay siya sa sasakyan niya. Wow! Ganda naman ng sasakyan n'on!

"Wow. Sana ol, Ate," pagpaparinig ko. Napakunot ako ng noo nang wala akong narinig na response sa kaniya. Tumingin ako sa tabi ko at napansin na wala siya dito.

Shet!

Pumasok ata si Ate doon sa kitchen!

Mabilis akong naglakad papunta sa loob para pigilan si Ate. Nang makapasok ako, nakita ko na nakatayo si Ate malapit sa pinto at para namang mga estatwa si Kuya Troy pati na rin 'yung ibang lalaki na kasama niya.

Sirang sira na nga oh.

Pinandilatan ko ng mata si Kuya Troy. Ganoon din ang ginawa niya sa akin na para bang sinasabi na bakit ko hinayaan na makapasok si Ate dito.

Nakaka-distract kasi si Kuya Titus, e! Tsaka hindi ko talaga naramdaman na umalis si Ate sa tabi ko. Para talagang multo kung maglakad 'yon!

Napakamot si Kuya Troy sa batok niya at halatang hindi inasahan 'to na mangyari. Loka kasi 'tong si Ate. Panira!

"Uh...I guess...uhm...It's ruined..."

AirdropWhere stories live. Discover now