1O4

616 16 38
                                    

TROY'S POV
narration OO5


Nandito ako ngayon sa library para mag-aral kahit na nagp-party na halos lahat ng thomasian sa may grandstand.


Maaga pa naman kaya hindi pa ako bumababa. Hindi naman ata rin pupunta si Aurie kaya hindi rin ako ganoon na excited.



Puro magjowa na naman kasi makikita ko mamaya. Pati mga kaibigan ko, kasama mga girlfriends nila. Sana all na lang, 'di ba?



Nagpalipas ulit ako ng 30 minutes bago iligpit lahat ng kinuha kong libro. Lumabas na rin ako ng library dahil minessage na ako nila Matthew na nandoon na raw sila sa may grandstand. 



Sobrang dami na palang tao na nandito. Hindi pa rin pala ganoong kadilim. Akala ko madilim na, e.



"Hoy! Walang jowa!"



At hindi ko alam kung bakit ako lumingon sa sumigaw.



"Gago ka," sabi ko kay Brent na may hawak na apat na boxes ng yellow cab pizza. Napakadami naman n'on? Ganyan ba kadami kasama namin?



Tawang tawa si Brent na naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Naglakad na kami parehas para pumunta doon sa pwesto kung nasaan sila Jupiter.



Habang naglalakad kami, bumanat na naman si Brent. "Okay lang 'yan, Bro. Nandyan naman si Yohan," sabi ni Brent at tinapik ang braso ko.



"Ewan ko sa 'yo. Sino sino na ba nandoon?" tanong ko.



"Lahat," simpleng sagot niya.



Napakunot noo ako sabay tingin sa kaniya. "Lahat?" hindi makapaniwalang tanong ko pabalik. Sabi kasi nila Jun hindi raw sila pupunta.



"Oo. Lahat. As in. All. Sana all, gan'on," sagot ni Brent.

AirdropWhere stories live. Discover now