O71

783 32 14
                                    

AURIE'S POV
NARRATION OO3


"Ate, mamayang 10, ah," pag-ulit na naman ni Aureen.

Kanina pa niya pinapaalala sa akin na aalis daw kami mamayang alas 10 para kumain sa isang café na pinakita niya sa akin kagabi. Lagi ko kasi siyang kinukulit kung kailan ulit kami mag b-bonding magkapatid.

Since wala na parents namin, ako na tumayong magulang nila ng isa ko pang kapatid na babae. Simula nung nawala na sila Mama at Papa, lagi kong sinisigurado na nabibigyan ko ng atensyon mga kapatid ko para hindi nila maramdaman lalo na parang may kulang. Sinisigurado ko rin na nabibili at nabibigay ko mga pangangailangan nila. Ayaw ko naman na mapariwara mga kapatid ko dahil lang wala na ang magulang namin.

Kaya naman lagi kong tinatanong kay Aureen kung saan niya gustong pumunta or kumain. Gusto kong maging updated sa mga nangyayari sa buhay niya. Gusto kong maging Ate na napagsasabihan niya ng lahat ng nararamdaman at nangyayari sa buhay niya.

"After n'on, saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Malay ko kay Ku---Malay ko. Kung ano matripan ko na puntahan mamaya," ngumiti siya sa akin na parang kinabahan ng kaunti. Bakit ganito 'tong batang 'to? Kanina pa ang weird ng kilos.

Ang aga rin nagising. Usually kapag weekends, mga 10 AM or 12 PM na 'to nagigising dahil tinotodo pagpupuyat pero kakaiba ngayong araw. 6 AM nagising. Late rin naman siya natulog kagabi.

"Maligo ka na nga, Ate. Nine na, oh," sabi ni Aureen at inabot sa akin ang tuwalya ko.

Wala na akong magawa kundi sumunod sa kaniya dahil nakaligo na rin naman siya at mukhang maglalagay pa ng mga
kolorete sa mukha.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon. Nag sneakers na lang rin ako para komportable ako na maglakad. Baka mamaya mag aya pa si Aureen sa malls.

Kinuha ko 'yung bag ko. Lumabas na rin ako mula sa kwarto papunta sa sala.

Nilingon ako ni Aureen, tumayo siya at napakunot ang noo. "Ano 'yan, Ate? Magbihis ka naman ng maganda!" inis na sabi nito.

Okay naman 'tong suot ko, ah?

"Sa café lang naman tayo pupunta," sagot ko.

Tiningnan ko ang suot niya at mukhang bihis na bihis siya. Hindi naman na bago sa akin na ganito ang damit niya. Lagi naman nakaporma si Aureen tuwing aalis.

"Dali na, Ate! Parang sira. Isuot mo na kasi yung binili kong parang gingham na brown na off shoulder. Tapos mag skirt ka!"

"Bakit kailangan ko pang magdamit ng maganda? D'yan lang naman tayo pupunta," sagot ko habang tinatali ang sintas ng sapatos ko.

"Kahit na ba. Malay mo may makita ka na pogi d'on. Basta! Magpalit ka na lang, Ate," sagot niya. Bumalik na siya sa pagkaupo at nag type sa phone niya.

Kanina pa siya nagt-type sa phone niya. May ka-chat ba 'yon? Kausap niya ba yung sinasabi sa akin ni Troy na pinsan niya na raw na nagugustuhan niya raw?

Speaking of Troy.

Magka-text kami kagabi at parehas ata naming napuyat ang isa't-isa. Hindi ko nga alam kung bakit kami inabot ng alas dos ng madaling araw. Nag-usap lang naman kami about sa views namin sa iba't ibang bagay katulad ng politics religion, society, at kung anu ano pa.

Tuwing ganito ang topic ng conversation, ang dami kong nasasabi. Nagiging madaldal din din ako. Siguro kasi may sense 'yung usapan at hindi basta basta lang na topic.

AirdropDove le storie prendono vita. Scoprilo ora