Chapter Seven

1.3K 34 9
                                    

"Anong problema mo?" Asik ni Zafiyah kay Nikkos.

He gave her a cold, long stare. Parang gusto niyang manginig sa tindi ng lamig na hatid niyon. Hinagod siya nito ng tingin. Mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. She collected herself. Hindi ang tipo niya ang mai-intimidate ng isang Nicholai Shawn Aboitiz. Eh, ano kung halos hubad na siya sa harap nito?

She knew she had amazing curves and she showed it off. Duh? Kahit ga'no siya ka-busy sa school at sa mga part-time work niya, she made sure na may time pa rin siya para mag work out. Proud niyang niliyad ang dibdib, napatitig si Nikkos ro'n.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Magtititigan na lang ba tayo dito? Baka gusto mong i-explain kung bakit basta mo na lang ako kinaladkad?" My god, muntik siyang matapilok kanina sa bilis maglakad ng binata. Gusto niyang pasalamatan ang kaybigang si Venera dahil ito ang nagsanay sakaniya na magsuot ng mga matataas na heels. That bitch was allergic to flat sandals and sneakers. For sure pati ang house slippers nito, stilettos rin. Okay, that was a joke.

Nagtaas ito ng tingin. Irritation, anger, and longing sparked in his eyes. She felt her heart constricted. My, my. What was that?

"What are you doing here?" Malamig nitong wika.

Napaismid siya. "Obviously, I work here."

Nagtagis ang bagang nito, bahagyang nanginig ang katawan sa tinitimping galit. "Why here?" Marahan ngunit mariin nitong tanong.

"Why not here?" Balewala niyang tugon. She looked at her fingernails. Oh, how she loved her fingers. Napansin niyang humaba na ang mga kuko niya. She would definitely trim it tomorrow.

"It's a strip club for fuck's sake!" Nikkos snapped.

Na para bang hindi niya alam.

"So?"

Mas lalong dumilim ang mukha ni Nikkos. Lalong nagtagis ang bagang. His chest heaving up and down, trying to calm himself. Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok kapagkuwan ay mahinang nagsalita.

"Hinanap kita."

His response baffled her. Binaba niya ang kamay at napatitig sa binata. He grew taller. His body became ten times hotter. Kumikislap mula sa ilaw ang matingkad na pagkamoreno nito. His silky black hair was urging her to grab it and play with it. He was just wearing a black slack and a button-down white shirt but he was so gorgeous. He was practically oozing with male pheromones. The lights in the lounge area were so bright, illuminating Nikkos face in its plain perfection.

"Bakit?" Malamig niyang tugon.

Muli nitong naisuklay ang mga daliri sa buhok, tila ito man ay naguguluhan. "I...I don't know. Maybe because you just disappeared? Hindi ka man lang maayos na nagpaalam. I was—"

Pinutol niya ang sasabihin nito. "Nikkos," huminga siya ng malalim. Blangko ang mukha na tinitigan niya ito. "Anong klase ng paalam ang gusto mo? Sa pagkakatanda ko, four years ago, nagsabi ako sa'yo na 'yon na ang huling araw na makikita mo 'ko. Nagpasalamat ako sa binigay mong mga regalo para sa mga bata sa orphanage at nagpasalamat rin ako sa maikling panahon na nagkakilala at nagkausap tayo. Hindi ko obligasiyong sabihin pa sa'yo ang dahilan ko kung bakit 'yon na ang huling pagkikita natin o sabihin sa'yo kung saan ako pupunta. Sana matuto kang umakto sa level lang ng pagkakakilala natin. We're not close. We're not even friends."

"Look, Zafiyah—"

Itinaas niya ang kamay. "Leave me alone." She said coldly. Walang lingon likod na iniwan niya ito roon.

DAUNTLESS SERIES: II (BAD AND MESSY)Where stories live. Discover now