Kaya nga gusto kong makahanap si Chloe ng ibang lalaki eh, para sa ganon hindi lang puro kay Luke yung attention niya. Madami kayang nagkakagusto sa kanya or should I say madaming nanliligaw, kaya lang busted lang ‘yon. Bakit? Kasi sinasabi niyang wala na siyang nakikitang iba bukod kay Kuya. Ayokong makitang masaktan si Chloe sa huli kaya ngayon palang pinu-push ko na siya sa iba.
Pero.. Sino ba naman ako para pigilan siya sa isang rason ng happiness niya? Sino ako para tutulan yung kasiyahan niya? Bestfriend lang naman ako. At bilang bestfriend niya, susuportahan ko nalang siya kung saan siya masaya. Pero kapag dumating yung puntong masaktan na siya ni Kuya, hindi ako magda-dalawang isip na kalabanin kahit sarili ko pang kapatid.
Oo kapatid ko si Luke, pero parang mas nafi-feel ko pang si Chloe yung kapatid ko eh. Close kami ni Luke pero ni minsan hindi ko na-feel na kapatid ko siya. Kasi all this time, palaging si Chloe yung kasama ko. Tsaka madalas kayang nasa States si Luke. Mas close pa nga sila ni Ross eh. Pero kahit na ganon, parehas ko namang mahal si Luke at Chloe. Una, dahil Kuya ko si Luke at isa lang ang pinanggalingan namin. At pangalawa, hindi ko man kapatid si Chloe eh parang ganun narin yung turingan namin. Kaya kung sino ang mananakit dyan, dodoblehin ko ang pasakit.
“Huy Immy, are you okay?” Sabi ni Chloe habang ini-snap yung fingers niya sa harapan ko. Nag back to reality naman ako dun sa ginawa niya.
“H-huh?”
She crossed her arms tapos tinaasan ako ng kilay. “You’re spacing out.”
“Sorry. May naalala lang.“ Tinignan niya ko but I showed no emotion. Alam ko ang iniisip niyan. Pero ayoko lang ipakita. Ayokong mag-worry siya ‘noh.
“Is that a thing or a person?”
“Person.”
Umupo siya sa harap ko at umaktong nag-iisip. “Let me guess, lalaki yan?” Tumango nalang ako bilang sagot. Kunware lang naman yun, syempre. Hindi ko naman maitatanggi na mahilig talaga ako sa boys na gwapo, pero hindi ako play girl ‘no. Tsaka, alibi lang yun para wala na siyang isipin pa.
Hinampas niya lang ako sa braso. “Ikaw talaga, Immy. Si Kuya ba yan o yung nagbigay ng coat sa’kin?”
Speaking of the devil. Naalala ko tuloy yung sinabi nung Kuya niya nung araw na pumunta ako sa kanila. Kahit na crush na crush ko ‘yon, nabwisit ako sa sinabi niya. Sabihan ba naman ako ng may saltik?! To think na alam niyang nandun ako pero sinabi niya padin! Hindi na nahiya sa napaka-ganda ‘kong mukha, leche. Grabe ha, parang siya walang sapak sa utak! Parehas sila ni Kuya eh! No wonder, magkaugali sila. Kaya imbis na magkagusto ako lalo dun sa Ivan niya, eh kina-bwisitan ko na siya. Bahala siya! Hindi ko na siya gusto!!
“Sinong hindi mo na gusto?”
Napalingon naman ulit ako kay Chloe. Wait, pano niya nalaman ‘yon? Did I say that outloud?
“Yes, you did.”
WTF?!! Is she a mind reader or something? Paano niya nalalaman yung mga iniisip ko?
“No, I’m not. You say your thoughts too loud, enough for me to hear it.”
Ay sus, akala ko naman nakakabasa siya ng isip. Edi patay ako kung kanina niya pa nababasa yung mga sinasabi ko sa inyo kanina, diba?
“And oh, to answer your question. Si Ivan ‘yon!!”
Pustahan tayo, hindi niya mage-gets.
“Si Ivan ang alin?” See? Slow pa siya sa wifi connection namin kaya pagpasensyahan niyo na.
“HINDI KO NA SIYA GUSTO!!” Sigaw ko. Good thing break namin ngayon at kasalukuyang nasa may garden kami. May ilang napatingin sa gawi namin nung sumigaw ako pero dedma lang. Pake ko naman sa kanila?
Naglatag nga lang kami ng blanket dito at nagpicnic eh, may packed lunch na rin kami. Nakakasawa narin sa canteen eh. Alam mo yun, too much attention? I hate that. Porke’t kasi alam nilang kapatid namin yung ‘so-called-superstars’ dito, eh kailangan perfect na bawat galaw namin. Haler? Nobody’s perfect nga eh, kaya wag silang magexpect na ganun kami. Sure we have cool brothers, pero doesn’t mean na hindi kami normal. I mean come on, we still breath the same air! Iisang hangin lang ang inu-ututan namin! Ayoko ng ganung feeling eh. Yung tipong bawat kilos mo may nakabantay o nakatingin. Kaya nga minsan, ayokong kumakain anywhere sa bawat corners ng school na ‘to.
“OMYGOSH!! Really?! I’m so proud of you! Na-overcome mo nadin ‘yang kabaliwan mo sa bakulaw kong kapatid!” Pagchi-cheer niya habang pumapalakpak na parang batang binigyan ng candy. Sabagay, dapat ba akong matuwa? Feeling ko, oo. Aba’y matagal ko din nagustuhan ‘yung pesteng Ivan na ‘yon, at ang matatanggap ko lang ay isang katakot-takot na lait? Woah, ang perfect naman niya.
“I know right. Kaya dapat ikaw rin kay Luke.” Napatahimik naman siya sa sinabi ko. Oops, wrong move.
“Immy...”
Tumawa naman ako ng malakas sa inaasal niya. Ang cute-cute talaga ni Chloe. “Haha it’s okay, Chloe. I understand. Been there, done that. Pero I assure you, you’ll be the first one to surrender.”
Sinimangutan niya ako. “Bestfriend ba talaga kita? Kung maka-tutol naman, wagas ha.” Tinawanan ko lang siya tapos ginulo yung buhok niya. Hays Chloe talaga.
***
Chloe
“That’s all for today class! Goodbye.”
Haaaay! Sa wakas! My favorite time of the day, dismissal na. Nag-unat muna ako bago magayos ng gamit. Inintay muna namin ni Immy na magsilabasan yung mga classmate namin bago kami lumabas. Siksikan eh, mga nagmamadaling umuwi. Excited masyado? Patapos na ako nang lapitan ako ni Immy.
“Bes, sasabay ka ba—”
“Ms. Fuentes?”
Napalingon ako kung sino yung tumawag sa akin—si Ma’am Mendez. Siya yung adviser namin. Mabait yan, kaso strikto nga lang. Siya din yung dating adviser nila Ivan, kaya kilala niya na talaga kami ni Immy.
“Yes ma’am?” Sagot ko. Napansin ko na umalis na pala si Ma’am Jimenez, yung pang-huling teacher namin. Pumasok naman si Ma’am Mendez at tumayo malapit sa amin. May hihingin kaya siyang pabor? Sa totoo lang, siya yung pinaka-close ‘kong teacher. Parang second mom ko na rin siya eh.
“May transferee tayo at dito siya napunta sa section natin. Tutal ikaw naman ang president, could you accompany him tomorrow? I mean tour him around the highschool building. Tell him all the rules and regulations ng school. Exchange student kasi siya from Korea.”
Him? So that means lalaki pala? Malamang Chloe, alangan babae? Ang engot mo! At oo nga pala, muntik ‘kong makalimutan, ako ang president ng section namin. Ewan ko nga kung bakit ako eh, sa kulit kong ‘to? Hays. Kami ang top section sa buong 4th year, so he must be really good. Bihira kasing mapunta yung mga transferees sa section namin eh.
“Sure po ma’am. Pero, marunong po ba siyang mag-tagalog?” Natawa naman si Ma’am sa tanong ko.
“Oo naman, hija. Half-filipino din kasi naman siya kaya nga lang dun na siya pinanganak sa Korea.” Ay parehas pala sila ni Keanu, may half din kasi yung kumag na kaibigan nila Ivan eh.
“I’m looking forward to that tomorrow, alright? Umuwi na kayo and take a rest. Have a good day, Chloe and Immy.”
After nung small talk, umuwi narin kami ni Immy. Same village lang kami pero sa kabilang street pa siya. Kaya nga, kung talagang gusto ko siyang makita o kaya si Luke, dadayuhin ko pa talaga sila. Medyo nasa may dulong part pa kasi yung bahay nila eh. Medyo madilim pa naman dun kapag pagabi na.
“Who do you think he is?”
“I don’t have any idea, Immy.”
After nun, natawa lang siya tapos sumakay na sa kotse. Kanina pa kasi nag-iintay yung driver namin dito. Sino kaya yung transferee? Makaka get along ko kaya ‘yon? Hm, we’ll find out.
Pero sino nga kaya ‘yon?
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 5
Start from the beginning
