/35/ A Trap and A Slap

Börja om från början
                                    

Kinamot niya ang batok sabay ngumiti na parang naiilang at tinapunan ako ng saglit na tingin.

"Oo." bumaling siya sa kung saan, may kakaibang kislap ang mata at maliit na ngiti. "May nagugustuhan ako."

Doon ay natigilan ako. Parang binaha ng mga tanong ang ulo 'ko sa naging reaksyon niya. Bakit kailangan akong tingnan? Hindi ako tanga sa mga ganitong bagay. Bata ang katawan na ginagamit 'ko, pero ang mentalidad 'ko ay matanda na kung pagsasamahin ang edad 'ko noon at ngayon. Magandang babae si Sianrass. Makinis ang maputing balat, malambot at umaalon ang itim na buhok, maliit ang mukha, at may mapungay na mga mata. Kung lalakad siya sa kalsada ay paniguradong hahakot siya ng mga tingin. Hindi nakapagtataka kung magustuhan siya ng mga lalaki, at hindi nakapagtataka kung kahit kaibigan niya ay maakit sa itsura niya. Dumiretso ako ng upo.

Nagulo ang isip 'ko. Tahimik ako buong klase, at wala sa sarili. Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko kung totoo nga ang nasa isip 'ko. Pero kung sakali, kailangan ay maalis ang nararamdaman niya para kay Sianrass.

Natapos ang klase namin. Tanghali na, at mataas ang sikat ng araw. Nag paalam ako na hihiwalay sa kanila, at sa kuwartel na muna magpapalipas ng oras nang mag-aya sila na mag punta kami sa kapiterya. Nag taka sila sa sinabi 'ko, pero pumayag din at sinabing sumunod ako kung mag bago ang isip 'ko. Ngumiti ako sa kanila, hindi hinahayaan na mabaling ang tingin 'ko kay Lagrance na pinapanood ako, at inantay sila na umalis bago ako mag punta sa kuwartel.

Pag dating 'ko sa kuwartel ay kakaunti lang ang nag eensayo. May mga umalis pa kaya dalawa nalang ang natira. Inalis 'ko ang tingin sa kanila, at pumwesto sa lagi 'kong inuupuan.

Pag upo 'ko ay huminga ako ng malalim. Pakiramdam 'ko ay may sumasakal sa leeg 'ko. Hingal at pagod ang pakiramdam 'ko. Binagsak 'ko ang ulo 'ko sa batok, at itinukod ang dalawa 'kong kamay sa likod. Natulala ako sa mga ulap na mabagal ang galaw.

Kung mag tuloy ang nararamdaman ni Lagrance, anong gagawin 'ko? Iritado akong bumuntong hininga.

Ayos ka lang ba, Sianrass?

Narinig 'ko ang boses ni Calais. Naalala 'ko. Noong nalason ako ay tinulungan din ako ni Calais na maalis ang epekto sa katawan 'ko. Kung wala siya ay baka tumagal pa ang tulog 'ko, mahihirapan akong magpaliwanag.

Ayos lang. Pumikit ako. Kaya 'ko pa.

Tawagin mo lang ako, Sianrass. Darating ako.

Nawala na siya. Dahan-dahan ay nag mulat ako ng mga mata.

"Sianrass?"

Natigilan ako. Maliit, at malambing ang boses ng tumawag sa pangalan 'ko. Mahinhin, at boses na gugustuhing pakinggan ng paulit-ulit ng mga tao. Pero hindi ako.

Binalingan 'ko siya, at muntik ng masilaw sa ganda ng ngiti niya.

"Nakita kitang mag-isa dito kaya naisipan 'ko na lapitan ka." tumitig sa akin ang mga asul niyang mata. "Hindi na ba masakit ang katawan mo mula sa pagkakabagsak?"

Tumiim ang titig 'ko sa nakatayo niyang pigura, magkahawak ang dalawang kamay sa harapan at itsurang anghel. Helena. Hindi 'ko siya sinagot, at nanatiling magkadikit ang labi. Ahas ang babaeng 'to. Nagagawa niyang magsalita ng mga kahangalan habang may mabait na itsura.

Nasira ang mapayapa 'kong pakiramdam.

"Masakit parin ba?" bumilog ang labi niya, at ngumuso. "Pasensya na. Ang guro naman kasi, bakit ikaw pa ang itinapat sa akin."

Lumaki ang mata niya, at tumaas ang kilay ng manatili akong tahimik. Parang walang kakayahang mag salita.

"Hmm?" umatras siya na parang nabigla ng tumayo ako.

Hahanap ako ng ibang lugar na matatambayan. Pinagpagan 'ko ang palda, saka siya tinalikuran.

"T-teka." nabigla ako ng hinawakan niya ako sa kamay, at nahatak ang sarili palayo sa kaniya. "Wah!"

Bumagsak siya sa damuhan na ikinatunganga 'ko sa kanya. Ni hindi 'ko siya itinulak. Kunot ang noo 'ko habang pinapanood siyang umaray at hipuin ang gasgas niya sa kamay at tuhod.

"Helena!"

Tumatakbong lumapit sa kaniya si Yuri, saka siya inalalayan patayo. Noon 'ko lang napag-tanto. Hindi niya ako nilapitan para asarin, pero para ilalang.

Galit ang mga mata na tiningnan ako ni Yuri, at biglang tumayo.

Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

-

Thank you Moodyghorl for voting and reading my story! Highly appreciated. :))

The Another WorldDär berättelser lever. Upptäck nu